SHHS 29 Chrisnah's Point of View Pabalik-balik lang ang tingin namin kela Ate Chary at Kuya Quentin. Paano ba naman kasi? Kapansin-pansin na hindi sila nagkikibuang dalawa. Dalawang araw na silang hindi nagkikibuan at wala man lang kaming ka-ide-ideya kung anong nangyari sa kanila. "Hoy bakla! Sure ka bang wala kang alam sa nangyari?" Bulong ko kay Michael na busy sa pagkain sa tabi ko. Nginuya muna niya ang pagkain nasa bibig niya at nilunok bago mag-salita. "Ghorl wala talaga. Kung may alam ako, sinabi ko na sa inyo." He said. Tumingin naman ako sa kaniya. "Weh?" And I almost laugh when he pouted his lips. "Kulit lang ghorl? Ganito kasi 'di ba? Inutusan namin bumili si Quentin ng drinks namin tapos napansin namin na parang ang tagal niya bumalik so, si Ate Chary nag-volunteer

