SHHS 28 Chrisnah's Point of View "Waaahh ang cute!" Agad na bungad ni Xylene sa'min pag-uwi namin sa bahay nila Michael. Ibinaba ko si Chloe sa sahig at agad itong nakipag-laro kay Xylene. "Hala! Sa'tin ba 'to Michael?" Tanong ni Xylene habang yakap-yakap si Chloe sa kaniyang bisig. Ngumiti kami ni Michael sa kaniya at magkapanabay na tumango. Kakauwi lang namin galing kung saan-saan. Ipinasyal pa kasi namin si Chloe at pina-grooming na rin. Nakaka-tuwa nga dahil halatang galak na galak si Chloe sa kaniyang pag-laya. Dinala namin siya sa park at masayang nakipag-laro sa kaniya. Maraming bata siyang nakalaro kanina doon sa park. Actually, bagsak si Chloe sa byahe. Parang baby. "Talaga?! Huwaaa may cute na tayong aso Michael!" Tuwang-tuwang pahayag ni Xylene habang pinanggigilan

