Sa halip na pagbuksan ng bintana ang binata ay ipinagpatuloy ni Angel ang pag-start ng kotse. Ngunit nang paandarin niya ito ay humarang si Marielle rito. Hindi naman nagpatinag si Angel. Bagkus ay ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Mayamaya ay nakonsensiya rin na baka masagasaan niya ito. "Gel, open the door." rinig niya sa mahinang boses na pumasok sa kotse niya. Ngunit hindi niya ito binuksan. Kaya naman tumawag na lang si Quieno. "Gel, answer the phone please." itinuturo pa nito ang telepono at sumisenyas na sagutin siya. Sa halip na sagutin ay pinatayan lang siya ni Angel. Hindi niya hinayaang magpaliwanag ang dalawa. Naisip niya na mapapagod din ang mga ito ang soon ay lulubayan na siya. "Gel, please..." si Marielle naman ang sumubok na tumawag dito. At sa pagkakataong ito ay sinagot

