Mabilis lang lumipas ang bawat araw. Ngayon ay araw na ng mga puso. Abala ang lahat sa pamimili ng bulalaklak at k ung ano-anong bouquet para sa mga mahal nila. Ngunit iba sa Angel's Blossoms. Sila naman ay abala sa pagbebenta ng mga bagong bouquet ideas. "Grabe, Ms. Angel. Nagustuhan nila ang money bouquet. Mukhang lampas na sa quota natin ang benta natin ngayon." nakangiting sabi ni Beth. "Oo nga e. Mukhang kahit anong bouquet e gusto nila." tumango naman si Beth. "Pero pa'no? Solo flight ka muna ulit ngayon ha. May dinner date kasi kami ni Lucas. Babawi ako sa ibang araw." ngumiti naman si Angel. "Eto naman. Okay lang. Go." sabi niya rito. Ngunit bago pa ito tuluyang lumabas nh shop ay may pahabol pa ito. "Kailan mo ba kasi balak makipag-date, Ms. Angel? Lahat ng yata ng kaibigan k

