"Baby, I'm really sorry... Nag-promise ako na kukunin kita after a year pero hindi ko natupad..." bakas sa tono ng boses ni Lucas ang lungkot habang ka-video call si Beth. "It's okay, baby... Bawi ka na lang sa susunod na year. I can wait. And I will wait for you..." sagot ni Beth dito. Wala rin naman siyang magagawa kung hindi siya papayag. As if naman madadala niya si Lucas sa Pilipinas kung hindi okay sa kanya. "I miss you..." sabi pa ni Lucas. "I miss ypu more... I miss you so much..." halos bumaha na ang luha sa mukha ni Beth. Kasama niya ang pamilya ni Lucas at ang lola niya sa bahay nito. Inimbitahan siya ng mga ito na doon na mag-media noche. "Ako rin.... Sobrang miss na miss na kita, baby. Kung puwede lang na magteleport ako ngayon diyan e gagawin ko." ngumiti si abeth ng baha

