FTB Chapter 1

1010 Words
"Good morning, Ms. Angel!" bati ni Bethina Tamara sa boss niyang si Angelica. Napagkasunduan nila na walang boss at walang assistant ang turingan nila. Although sa kalagayan sa trabaho ay assistant lamang si Beth. Naging magkaibigan na sila kaya naman pantay ang turingan nila sa isa’t isa. "Good morning, Beth!" balik na bati naman niya rito. Kapansin-pansin ang awra nitong kakaiba. At natutuwa siya rito dahil sa masayahing empleyado na kasama niya sa shop. "Mukhang blooming ka ah." dagdag pang sabi ni Angelica na nakangiti rito. "Hindi naman masyado." sagot naman ni Beth. Although friends na sila ay hindi alam ni Beth ang past ni Angelica. Wala rin naman siyang balak sabihin dito. Ayaw niyang kaawaan siya at ayaw niya ring maungkat pa ang nakaraan. Kahit hina-haunting siya ng panaginip niya ay ayaw niyang pati sa trabaho ay maapektuhan pa. "How's your date?" nakangiti pang tanong ni Angelica habang abala sa pag-aayos sa shop. Iba't ibang uri ng bulaklak ang ino-offer nila. May calla lily, carnation, chrysanthemum, roses, Malaysian mums, sunflowers, peonies, local hyacinths, and daisies. "Well... I think he's the one." tila kinikilig na sambit ni Beth. "Wow, congrats! I'm happy for you." sabi ni Angelica rito. Sana nga ay he's the one na. For the entire year ay nakaka-apat nang manliligaw itong si Beth. At pang-apat na si Lucas. And hopefully, the last. Lahat sila ay nakilala nito sa dinedecorationan nilang weddings. Bihirang-bihira sumama si Angelica. Kadalasan ay si Beth ang laging pumupunta para magdecorate kasam ng staff nila. And minsan ay invited na rin sila sa wedding. Kaya naman todo effort si Beth na magbihis. Mas bongga pa sa abay ng bride kung manamit kaya naman ang ibang bisita roon ay napapatingin sa kanya. "Thanks. Sana ikaw rin." sabi pa ni Beth. Pagkatapos ay iikutan siya nito. Madalas na nauuwi sa kanya ang usapan kapag ganito ang topic nila. "Anong ako?" pamaang na sabi naman ni Angelica. "Dapat kasi sumasama ka sa mga events e. Para naman makakilala ka ng lalaki. Aba, girl. Hindi ka na bumabata. Ilang taon ka na nga ulit? Thirty? Imagine that?" banat nito sa kanya. At mauuwi naman sa tanggi ang peg niya. "Hay naku, Beth. Ikaw na lang. Masaya ako sa buhay ko ang happy to serve sa mga weddings." sabi pa nito. Mayamaya ay nag-ring ang telepono nila. Agad naman itong sinagot ni Beth na may malambing na boses. "Angel's Blossoms, I'm Beth, your florist at your service." sabi nito. Pagkatapos ay tatango-tango. At nang maibaba ang telepono ay nagtatalon sa tuwa na parang bata. "My gosh! Isa na namang wedding. May fafa na naman doon for sure!" tili pa nito na parang baliw. "Hey! Sige ka lagot ka kay Lucas. May number ako niyon, matawagan nga." biro ni Angelica rito. "Sus. Ito naman. Hindi mabiro. Para sa iyo talaga ito. Kapag maraming fafa eh makakapili ka." ngingisi ngising sabi nito. "Palusot ka pa." irap ni Angelica. Ayaw na niyang dugtungan pa ang sasabihin at hindi siya titigilan nito panigurado. Nag-ayos na sila ng mga bulaklak at naka-ready na ang set na naka-book na wedding sa Tagaytay. Mabuti na lang at sa Tagaytay ito gaganapin. Hindi mahihirapan ang crew nila na puntahan ang venue. In charge naman si Beth dito kaya siya ang maiiwan sa shop. Normally, one week nawawala si Beth kapag malayo ang venue sa manila. "Hi Baby!" sabay na napatingin sina Angelica at Beth nang tumunog ang flower chimes sa glass door ng shop. Napaawang ang bibig ni Beth na tila nakakita ng artista sa pagkagulat. Naiiling naman si Angelica sa reaction nito. OA man pero ganoon yata talaga ang in love. "Baby?" sambit ni Beth na napalingon kay Angelica. At kapag ganoon ay nagpapaalam ito na kailangang um-exit ng dalawa para makapag-solo. "Fine." buka ng bibig ni Angelica na wala namang lumabas na boses. Senyales na maaaring lumabas ang dalawa. At isa lang naman ang pupuntahan nito. Pupunta ang mga ito sa katabing coffee shop ng shop nila. Sumenyas naman ng okay si Beth at ngumuso pa ito para mag-flying kiss kay beth. Pagkatapos ay tumango naman kay Lucas. Nang makaalis ang dalawa ay Iiling-iling na lamang siya. Masaya siya para kay Beth. Finally, after so may weddings na inayusan nito ay nakahanap na rin ito ng groom. Bigla na lamang siyang napatulala nang maalala si Quieno. Two years ago ay abala rin sila sa pag-aayos ng wedding nila. And a year ago ay nasira ang pinaghirapan nila. Napabuntong-hininga nang malalim ang dalaga. "Yeah. A year ago..." bulong niya sa sarili niya. Sinilip niya ang mga wedding na aayusan nila. Mostly ay wedding organizers ang contacts nila and minsan ay ang mismong groom at ang bride. Lalo pa iyong mga hands on sa wedding nila. Bawat detalye ng decoration ay may say sila. Although mas okay iyon sa kanya para naman walang sisihan kung may hindi magustuhan sa decor. Wala pa namang nangyayaring ganoon sa kanila dahil sa ideas na overflowing sa kanya ay hindi sila nauubusan ng magandang output. Inayos niya ang mga bulaklak sa istante. Bukod sa events ay may for sale rin silang bulaklak sa shop. Para sa mga lovers. Sa mga boyfriend's, husband, father, student, o kabit na nais magbigay ng bulaklak sa sinisinta nila. Epic din minsan dahil parang kasalanan pa nila na nagbenta sila ng bulaklak sa mga may asawang sa kabit pala ibibigay ang bulalak. Nakatatawa na sila ang sinisisi dahil maganda ang flower arrangements nila. At mas maganda raw ang binigay kay kabit kaysa kay original. Ano namang kasalanan nila? Malay ba nila na magkaibang event iyon kaya bumili ng bulaklak sa magkasunod na araw o linggo ang customer nila? Malay nila na birthday ni orig this week at next week si kabit naman. Napapailing na lamang si Angelica sa naalala. Minsan ay nakatatawa rin ang tagpo. Ngunit minsan ay naka-i-stress. Sa halip na negosyo lang ang aasikasuhin niya ay kailangan pa niyang makipag-deal sa mga asa-asawa ng mga client niya na hindi naman dapat. Pero part na ito ng trabaho niya kaya medyo nasasanay na rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD