FTB Chapter 2

1022 Words
"Ayoko na sa kanya!" halos maubos ang tissue sa loob ng opisina ni Angelica sa shop nang pumasok si Beth na umiiyak. "Ano ba kasing nangyari?" usisa ni Angelica rito. Parang kahapon lang ay ang saya saya pa ng dalawang ito. Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa kahapon ay nagpaalam itong uuwi na at hindi na bumalik sa shop. At heto naman ngayon na umiiyak. "Kasi... Kasi..." sabay ngawa na naman na hindi tinatapos ang sasabihin. "Kaso ano?" usisa pang muli ni Angelica. Ngunit sa halip na magsalita ito ay pinabasa sa kanya ang mga pinag-usapan nila ni Lucas. Binasa naman ito ng dalaga. Halos ilang minuto rin niyang binasa ang palitan ng mga usapan ng dalawa. "Oh eh para sa future niyo naman pala. Mabuti nga iyan at future niyo ang iniisip niya." komento ni Angelica matapos basahin ang mga mensahe. "Eh kasi naman. Hindi ko alam na may plano pala siyang mag-Australia." naiiyak pa ring sabi nito. "At ang masama pa ay flight na niya next week. Kaya pala lagi niya akong binibisita rito sa shop." muling ng ngumawa ito. Naaawa siya kay Beth pero normal sa lalaki na isipin ang future nila. Ang hindi normal ay ang makabuntis ka ng iba pagkatapos ay magpakasal pa rin sa iba. Naalala na naman niya ang ex-groom niya. Nakilala niya si Quieno Blaier Alfonso sa dati niyang pinapasukang opisina. Magkasama sila ni Marielle---ang best friend niya sa trabaho. Secretary si Marielle ng best friend ni Quieno at siya naman ay nasa marketing team. May event noon ang opisina at invited si Quieno roon. Hindi niya alam kung anong nakita sa kanya ni Quieno at bakit siya nagustuhan nito. Alam ni Angelica na crush ni Marielle si Quieno pero hindi siya nito type. Si Angelica ang gusto nito. He asked her out and she went out with him. Sabi naman ni Marielle ay masaya siya para kay Angelica. Until one time ay hindi nagparamdam si Quieno ng isang araw sa kanya. And wala rin si Marielle. Sinabi na lamang nito na may business meeting ang boss nito. And after that ay nagkukuwento na ito na gusto niya maging isang ina. Wala itong boyfriend noon at wala ring manliligaw. Kaya binibiro pa niya na boyfriend muna bago anak. Sabi pa niya na paano ito magkakaanak kung walang boyfriend o asawa. Tumawa lamang ito. Lumipas ang mga buwan na palaki na ng palaki ang tiyan nito. Saka niya kinompronta ito. Ang sabi nito ay nalasing siya at hindi niya alam kung sino ang ama ng dinadala niya. Hanggang sa mag-labor ito sa mismong araw ng kasal niya. At nagulat siya na tumakbo ang groom niya para puntahan ito sa kinauupuan nito at buhatin para itakbo sa ospital. And everything was history. "Hey, nakikinig ka ba?" pukaw ni Beth kay Angelica. Malayo na naman ang tinakbo ng isip niya. Naglayag na naman ito nang milya-milya. "Ano ulit?" tanong niya kay Beth. "Sabi ko, plan niya akong isama roon. After a year kapag okay na siya roon ay kukunin niya ako rito." sabi pa ni Beth. "Nice, congrats." naiiling naman si Beth at biglang nawala ang iyak niya. Mas worried siya rito kaysa sa sarili niya. "Alam mo, Angel? Kailangan mo nang magpa-check up. Lagi ka na lang tulala e. May problema ka ba?" usisa ni Beth sa dalaga. "Ako? Wala ah. Napagod lang ako kahapon. Marami tayong client." sabi niya. "Sorry naman. Iniwan kita kahapon." naawa siya rito dahil iniwan niya ito sa trabaho. "Okay lang. Ano? Okay ka na ba?" tanong niya kay Beth. Tumango naman ito. "Oo. Salamat ha." saad naman ni Beth. "Wala naman akong ginawa. Anyway, mabuti okay ka na. Ikaw na muna ang magbukas ng shop at may gagawin ako." sagot niya rito. Agad namang kumilos si Beth at iniwan sa opisina si Angelica. Kapag maayos na si Beth ay hindi na ito umiiyak ulit. Pagkatapos ay pakanta-kanta pa ito habang naglilinis sa shop. Nag-simula siyang mag-arranged ng mga bulaklak sa istante at kinantahan pa ang mga ito. Mayamaya ay may pumasok na customer sa shop. “Angel’s Blossoms, I’m Beth, at your service!” sabi nito sa customer. Tantiya niya ay nasa early thirties ito. Naglibot sa loob ng shop ang lalaki. Habang tumitingin-tingin ito ay napansin niya ang isang flower arrangement. Agad niya itong nilapitan. Ngunit hindi ito kasama sa list ng flower arrangement nila. Ang combination ng White Calla lily and white roses. “Do you also offer this type of arrangement?” tanong ng lalaki. “Nope, Sir. But I can ask my boss if you like this arrangement. Maybe we can do it for you.” sabi ni Beth. Ngumiti naman ang lalaki. “It’s okay. I’m just asking. Anyway, I’ll have two Sunflowers and some angel’s breath on it.” sabi nito. Tumango naman si Beth at agad na nag-arrange ng bulaklak. Base sa request nito ay mukhang sa old woman ito ibibigay. Naisip niya na baka sa mother nito or sa aunt. Definitely not to a partner or girlfriend. Saad ng isip nito. “Do you also do dedications?’ tanong ng lalaki kay Beth. “Yes, Sir. To whom should I address these flowers to?” agad na tanong ni Beth sa lalaki. “You can address it to my mom. You can put there this.” sagot ng lalaki sabay kuha ng kapirasong papel at ballpen na inabot ni Beth. Pumapalakpak naman ang tainga ni Beth dahil hindi pumalya ang hinala niya na para sa old woman ang bulaklak. She’s just wondering what the occasion is. Sa bagay na iyan siya pumapalya. Although, madaling i-predict kapag flowers for wedding and valentines dahil normally kapag valentines ay roses and kinukuha ng mga customers at kapag wedding naman ay roses din pero white and some other flowers like calla lily. Mayamaya ay iniabot ng lalaki ang papel. Napatango naman siya. “I see. Kalalabas lang ng hospital ng mom niya.” saad ng isipan ni Beth. nag-eenjoy siya sa trabaho niya kahit na hindi naman kataasan ang suweldo niya at nasa minimum lang. Ang magkaroon ng boss na kaibigan ay considered perks na para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD