"Baby, promise po. One-year lang. Magtiis ka lang ng one year. Kukunin kita papunta rito. Magpapakasal tayo at magsasama na tayo." tatango-tango naman si Beth na pinapahid pa ang luha. Isang linggo nang maga ang mga mata niya kaiiyak dahil sa pag-alis ni Lucas.
"Promise mo 'yan ha. Hihintayin kita. One year lang ha. Sabi 'yan. One year." tumango naman si Lucas. Pinahid nito ang luha ng dalaga habang nakasandal ito sa kanya. Ito ang huling gabi na makakasama niya itong kumain.
"Opo, baby. Promise po." matapos nilang kumain ay nagkuwentuhan muna sila ng mga panahon na una silang nagkakilala habang nagpapahinga dahil katatapos lang nilang kumain. Pagkatapos ay Inihatid na ito ni Lucas sa bahay nito. Lola lang ni Beth ang kasama niya sa bahay. Masayahin itong tao kaya naman doon natutunan ni Beth na maging masaya kahit anong mayroon ka.
Buo man ang pamilya o hindi ay blessing pa rin ito dahil hanggang ngayon ay nakapagpapatuloy pa rin sila sa buhay. At kahit namayapa na ang ama at ina niya ay naging matatag ito para sa kanya. Kaya naman ito na ang nag-alaga sa kanya simula noong nasa elementarya pa lamang siya. Tulog na ito nang iwan niya nang hapon.
Maaga ito matulog dahil maaga rin naman itong nagigising. At dahil tulog na ito ay maari na niya itong iwan muna sa gabi. Ito ang nagpalaki sa kanya dahil ulilang lubos na si Beth. At tanging si Angel na lang ang pamilya niya bukod sa lola niya at kay Lucas na ngayon ay aalis na rin.
"Baby, bukas ulit ha. Hatid mo 'ko sa airport..." malambing na sabi ni Lucas dito habang naka-pout pa ang lips nito.
"Siyempre naman, baby. See you tomorrow." paalam nito bago pumasok ng gate ng bahay nila ng lola niya. Tapos nang mag-impake si Lucas sa tulong ni Beth at bago abutin ng hatinggabi ay inihatid na niya ang dalaga sa bahay nito.
KINABUKASAN, maaga pa lang ay nagising na si Beth. Agad niyang tinawagan si Beth para humingi ng paumanhin dito. Hindi naman iyon kailangan ngunit ganoon siya pinalaki ng lola niya. Kapag nakaaabala ay mabuting humingi ng paumanhin. Kaya naman pakiramdam niya ay guilty siya sa pahirap na ibibigay niya kay Angel sa isang buong araw na pagkawala niya.
Na-organize naman na niya ang lahat bago pa siya magbakasyon ng iisang araw. Hindi niya kayang iwan si Angel ng matagal sa shop. Bukod sa nakikita niyang lagi itong lutang ay nag-aalala siya na marami itong gagawin. Wala pa namang nangyayari na masama nang dahil sa pagiging lutang nito pero mas mabuti na rin ang nag-iingat.
"Angel, sorry talaga. I need to send my fafa sa airport. Alam mo naman..." nagi-guilty si Beth na solo flight na naman si Angel sa flower shop nila. Although nakapagpaalam naman na siya ahead of time ay hindi niya maiwasang ma-guilty.
"No worries, Beth. Naka-leave ka naman today. So it's okay. Bawi ka na lang next time." kahit naman noon pa ay napaka-understanding ni Angel na klase ng boss. Hindi niya pini-pressue ang staff niya. Especially kung importante ang lakad nito. Dalawa lang sila sa shop at nasa Tagaytay ang main office nila. Naroon din ang lahat ng staff na in-charge sa pag-de-decorate.
Kapag wala naman sila pareho o may lakad sila ay nag-i-import sila ng isang staff sa Tagaytay na bihira lang din naman na mangyari. Siguro ay once a year. Lagi naman din kasi siyang nasa shop at si Beth ang madalas na nasa field. At tulad ngayon na may importanteng lakad si Beth kaya naman siya lang ang nasa shop.
"Welcome to Angel's Blossoms! I'm Angel, your florist at your service." bati ni Angel sa telepono nang mag-ring ito dahil may tumawag sa business line nila.
"Okay, Sir. Kindly give me the address for delivery." ganito lang naman ang gagawin niya buong araw. Mag-take ng orders at mag-book ng events na pag-a-arrange-an nila ng flowers. Katulad ngayon na may nagpa-deliver ng flowers para sa isang business para sa opening ng shop nila.
"Thank you, Sir. Congratulations on your shop opening. Angel's Blossoms will deliver your flowers in an hour." malapit lang ang pagde-deliver-an nila pero maximum timing na ang one hour kapag malapit lang ang place.
Dahil malapit lang ito, usually ay darating ito in thirty minutes unless may aberya like traffic or accidents. Mostly ay traffic ang kalaban nila. At kapag naman i-a-arrange pa lamang nilang flowers at two hours ang maximum delivery time kapag malapit lang ang location. One hour sa arrangements at kung may changes at one hour sa delivery time plus aberya kung mayroon.
"Mang Junel, may delivery po tayo sa 11th highway. May opening sila ng shop and they need the flowers in two hours time." si Mang Junel ay ang delivery man nila sa shop. Laging naka-standby lang ito sa shop at kapag may delivery ay ito ang naghahatid ng orders.
"Sige, Ma'am Angel. Sabihan niyo po ako kapag ready na." tumalima naman agad ang driver niya.
"Ready na po, Mang Junel. Ready-made flowers naman ang orders nila." inihanda ni Mang Junel ang Glamorous Grand Opening Flower Stand. Isang Spa and Salon ang nagpa-deliver kaya tatlong stand ang in-order nito na nakahanda naman na sa stock room nila. Dalawang flower stand sa labas ng shop at isa sa entrance ng Spa sa loob.
"Okay, Ms. Angel." agad nitong isinakay ang mga bulalaklak sa likod ng sasakyan. Nasa late thirties pa lang naman si Mang Junel at malaki rin ang pangangatawan nito. Kaya naman kayang-kaya nitong buhatin ang malalaking flower arrangements na iyon.
"Salamat po, Mang Junel." nakangiting sabi ni Angel sa driver niya.
Makalipas ang isang oras ay naihatid na ni Mang Junel ang flowers. Nakatanggap ng tawag si Angel tungkol sa service nila mula sa um-order ng flowers at napaka-ganda ng feedback nito. Ito ang isa sa mga motivations niya kaya siya laging nag-e-enjoy sa trabaho. Ang magagandang feedback na natatanggap ng shop nila at ng services nila.
Nakarami rin sila ng flower stands na orders at pati na rin ng mga flower arrangements ng araw na iyon. At bago siya magsara ng shop ay sinisigurado niyang na-check niya ang events book nila kung saan nakalista ang mga booking nila ng mga events na padaldalhan nila ng flowers at mga aayusan nilang events.
Nakuha ang atensyon niya sa booking ng event sa June 19, 2022. Sunday iyon. Hindi siya makapaniwala na ang sikat na Wedding Organizer na client nila ay may booking sa kanila sa araw na iyon. Ang Very Impressive Planning Wedding Organizer Incorporated o VIP WOI. Bihirang-bihira itong magpa-book sa kanila dahil napakarami nilang contacts at talaga naman mga sikat ding florist ang contacts nila. Malaking client nila ito dahil sa kung hindi mga VIP ang clients nito ay talaga namang mga kilalang tao sa industriya.
"Wow. Sure ba 'to? Hindi nabanggit ni Beth ang tungkol dito ah." kumikinang ang mga mata niyang sambit. Isa sa mga dahilan kung bakit siya mapapapunta sa event mismo ay kung VIP ang client nila o kung sikat sa industriya. Very hands-on siya pagdating dito. Naalala pa niya ang matagumpay na proposal ng kasalang Montejano at De Vera na sila ang nag-decorate.
Agad niyang kinuha ang organizer niya at isinulat ang date na iyon doon para hindi niya ito makalimutan. Hindi naman sa excited siya pero natuwa siya na after ng last event nila rito ay ngayon lang ulit nagka-chance na makatrabaho ang mga ito.
"Location, Batangas..." sambit niya. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakapagbabakasyon. Mukhang magkakaroon na ng dahilan ang pagbabakasyon niya. Matapos niyang i-check ang lahat ay nagligpit na siya sa shop. Hindi pa rin naman siya makauuwi dahil mag-iinventory pa siya sa opisina. Nang matapos niyang maisara ang shop ay pumasok na siya sa opisina niya. Bigla namang tumunog ang telepono niya.
"Oh, Beth? Napatawag ka?" kahit naka-leave ito ay hindi pa rin ito makatiis na hindi siya i-check sa shop.
"Nakauwi ka na ba?" tanong nito na kasalukuyang nasa grocery.
"Hindi pa. mag-iinventory pa 'ko. Kumusta? Nakaalis na si Lucas?" saglit na natahimik ang dalaga sa kabilang linya. Rinig ni Angel ang pagsinghot nito.
"Don't tell me na umiiyak ka pa rin? Puntahan mo 'ko sa bahay kung kailangan mo ng kausap." alok niya rito. Madalang man siyang amgsabi ng problema rito pero puwedeng-puwede itong magsabi sa kanya.
"Talaga?" nagliwanag ang mukha ng dalaga at pinahid ang nangingilid nitong luha. Hindi siya nahihiya kahit na pinagtitinginan siya ng mga tao sa grocery store. Lahat naman ng tao ay may pinagdadaanan. Iba't ibang level lang ng sakit. Pero masakit pa rin. Kaya naman wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga ito.
"of course naman. See you later. Matatapos na rin naman ako sa ginagawa ko." nagpaalaman na ang mga ito at tinapos naman na ni Angel ang trabaho niya.
"Mang Junel, mauna na po ako." malapit lang sa shop ang tirahan ni Mang Junel kaya naman hindi na nito kailangan pang b-um-yahe.
"Sige po, Ma'am Angel. Ingat po kayo." matapos magpaalam ni Angel ay nagmaneho na siya pauwi sa bahay niya at hinintay na dumating si Beth.
"Hija, late ka na yata nakauwi ngayon?" pagdating na pagdating niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ng kanyang ina na si Lyka.
"Marami kasing client today, mom. Kami lang ni Mang Junel ngayon sa shop. Okay lang din naman. Kayang kaya ko naman 'yon." sagot niya rito. Tumango naman ito.
"Mag-shower lang ako, mom. Kapag dumating si Beth, pasamahan muna saglit. Medyo hindi maganda ang timpla niya ngayon e." bilin niya sa ina.
"Sige, Hija." iniwan na niya ang kanyang ina sa sala at pumanhik na sa kuwarto niya.
Mabilis lang din naman siyang mag-shower. Kapag galing siya sa labas ay nagku-quick shower siya dahil na rin sa alikabok at usok galing sa labas ng shop. Hindi man siya expose masyado dahil nasa loob naman siya lagi ng shop at aircon naman doon ngunit nag-iingat pa rin siya. Mahirap na kuung anong virus ang masagap niya.
Wala pang ilang minuto ay dumating na si Beth sa bahay niya. May dala itong Sans Rival na paborito ni Angel at ng ina nitong si Lyka. Binili niya ito sa bakeshop sa loob ng grocery store kanina. Sobrang na-appreciate niya ang pagiging kapatid ni Angel sa kanya. Kahit matanda siya rito ng tatlong taon ay parang mas ate pa ito sa kanya.
"Hi Beth, nag-shower lang si Angel. Bababa na rin iyon." salubong nito sa dalaga. Hindi na nito kailangan pang mag-doorbell o maghintay ng may magbubukas sa kanya dahil may sarili siyang acess sa bahay ni Angel. Hindi man sila magkapatid pero parang anak na rin ang turing ni Lyka rito.
"Sige po, tita. For you and Angel nga po pala." agad na iniabot nito ang dala kay Lyka. Alam naman na ni Lyka ang dala nito dahil tanging ito lamang ang maghilig magpasalubong ng ganito sa kanila kahit na paborito nila ito ni Angel.
"Wow! Sans Rival? Thank you, Beth, Hija. Hindi mo talaga nakalilimutan na dalhan kami niyan. Kumain ka na ba?" natutuwa siya sa thoughfulness ni Beth.
"Sa bahay na lang po, tita. Naghihintay kasi si Lola roon. Saglit lang din naman po ako." sabi nito.
"I see. Sige. I'll let manang pack the food for you and your lola para naman hindi ka na magluto pag-uwi mo." alam ni Lyka na si Beth lang ang naaasahan ng lola nito.
"Salamat, tita." matapos nitong kausapin ang dalaga ay nagpaalam muna ito dahil may tumawag sa kanya. Ilang minuto lang din naman ay bumaba na si Angel.
"Tara sa balcony?" yaya ni Angel dito. Agad naman siilang nagtungo roon.
"Gel," singhot na sabi nito. Wala pa man sinasambit ay naiiyak na ito. Hindi naman nito first time na maiwan pero talagang napakababa ng luhan ito.
"I know. Be strong. Kapit ka lang. Mabilis lang ang isang taon. Hindi mo mamamalayan na nandiyan na siya ulit." payo niya. tumango lang naman ito.
"Salamat. Si Lucas kasi... Sinanay ako na lagi siyang nandiyan..." natahimik naman si Angel sa salitang nasanay. Naalala niya si Quieno. Nasanay rin siya noon na lagi itong nasa tabi niya. Lagi itong nakabantay sa kanya kahit na nasa parehong opisina lang naman sila. Napabuntong-hininga na lamang siya sa naisip. Matagal na niyang hinihintay na sana paggising niya sa umaga ay hindi na niya maalala si Quieno. Hindi na niya maisip man lang kahit ang pangalan nito.
"Sana..." bulong ng isip niya.