FTB Chapter 4

2045 Words
Five years ago... "Gel, grabe. Nakita mo ba 'yong Best friend ng boss ko?" tili ni Marielle habang nasa kuwarto ni Angelica. First time nitong makita ang best friend ng boss niya---si Wayne Garcia kanina sa office nito kahit na matagal na siyang secretary nito. "O? Oo. E bakit parang sayang-saya ka? Type mo 'no?" hindi naman na bago kay Angel ang reaksyon ni Marielle---ang best friend niya. "Hindi ka talaga marunong tumingin ng hot at guwapo." irap ni Marielle sa kanya. "Hay nako, ielle. Kung katulad lang ni Mr. Alfonso, huwag na uy. Matagal ko na siyang nakita. Nagkasalubong kami one time sa office ni boss. Babaero naman 'yon." sambit niya habang abala sa pagba-browse ng mga bulaklak sa IG. Hilig niya kasi ang mga bulaklak. Anything na flowering plant gusto niya. At kahit pa damong ligaw na namumulaklak ay naaappreciate niya. Napanguso naman si Marielle. "Oo nga. Babaero nga raw 'yon sabi ng mga tsismoso nating ka-trabaho. 'Di bale na nga lang." napabuntong-hininga pa ito nang malalim. Kaka-out lang nila sa trabaho at sa bahay ni Angel madalas umuwi si Marielle. Parang magkapatid na ang turingan nila sa isa't isa. Kulang na nga lang ay tumira na ito sa bahay ni Angel. Kahit magkaiba ang magulang nila ay parang konektado ang mga bituka nila. Although magkaiba ang ugali nila at complete opposite pero nagkasundo sila. Masyadong liberated si Marielle at kimi naman si Angel. Lalo kapag sa ibang tao. Hanggang sa nagdalaga sila ay naging confident lang si Angel ngunit hindi pa rin ito kasing lakas ng loob ng best friend niya. "Ma'am Gel, Ma'am Marielle, kain na raw po kayo sabi ni Ma'am Lyka." tawag ni Rosenda sa kanila. Kaedaran lang naman nila ito pero nasanay na ito na ma'am ang tawag sa kanila. Paggalang na rin bilang kasambahay nila. "Sige po, Ate baba na kami." umalis naman kaagad si Rosenda pagkasabi ni Angel sa kanya na bababa na sila. "Tara. Gutom na rin ako." yaya nito kay Marielle. Sabay na bumaba ang dalawa papunta sa hapag-kainan. "Mommy, ang bango naman ng food. Alam ko na. Ikaw ang nagluto niyan." nakangiting sambit niya sa kanyang ina. "Of course. Alam ko kasing nandito si Marielle e. Kaya ipinagluto ko siya. Napabusangot ang mukha ni Angel sa sinabi nh kanyang ina. At agad na nagprotesta. "Bakit siya lang? Ako kaya ang anak mo. Hmp..." kunwari ay nagtatampo ito. Ganoon lang naman lagi ang kanyang ina. Tutuksuhin siya kay Marielle ngunit hinding-hindi siya nagseselos dito. "Biro lang naman. Siyempre para sa inyong dalawa ito. Love ko kaya kayong dalawa." sabi ni Lyka. Pangarap niyang magkaroon ng isa pang anak sana. Ngunit dahil sa katandaan ay isa lang ang biniyayang supling sa kanilang mag-asawa. "Sabi ko na love mo rin ako e. Love you too, mom!" agad na nanakbo ito sa kanyang ina at yumakap mula sa likuran nito. Tumingkayad pa ito nang bahagya upang humalik sa pisngi nito. "Hmm... Bango talaga ng mommy ko." sabi pa ni Angel. "Sus. Nambola ka pa. Eh paano naman ang isa ko pang baby damulag? Wala bang kiss si mommy Lyka riyan?" tukoy nito kay Marielle na nakamasid lang sa kanilang dalawa kanina. Agad na lumapit ito kay Lyka at saka humalik din sa pisngi nito. "Siyempre naman meron po, mommy ganda." tuwang-tuwa naman si Lyka rito. Kasiyahan na ng mag-asawa ang makasama ang dalawang ito sa tahanan nila kahit pa hindi nila tunay na anak si Lyka. "Eh, paano naman ang daddy? Ang lagay e puro si mommy lang?" may tonong pagtatampo na sabi ni Eduardo. "Puwede ba naman 'yon?" parang kambal na sabay na sambit ng dalawa. Mabilis itong umikot ng mesa at nilapitan ang ama ng tahanan saka humalik sa pisngi. "Love you, daddy." sabi ni Angel na sinegundahan naman ni Marielle. "Love you rin, daddy pogi." at bumalik na sa upuan nila ang dalawa. "Tama na iyan. Kumain na tayo at nang makapagpahinga na." sabay-sabay na nagsikainan ang lahat na parang isang pamilya. Napapahinto na lang si Marielle na napapatingin sa mga ito. Hiling niya na sana ay may ganoon din siyang mga magulang na katulad nina Lyka at Eduardo. "Hija, Marielle. Matutulog ka ba rito ngayon?" singit ni Lyka habang kumakain sila. "Hindi po, mommy ganda. Kasi po hinihintay po ako ni mama at papa. Pero alam po nila na dito ako magdi-dinner." tumango naman si Lyka. Kilala nila ang magulang ng dalaga ngunit hindi sila ganoon ka-close sa mga ito. Bibihira rin silang magkita-kita. "Sige. Magdala ka nito para sa kanila." tukoy nito sa niluto niyang ginataang kuhol. "Sige po, mommy ganda. Kaya lang po ako rin ang kakain niyan. Hindi po sila kumakain ng kuhol." sabi nito. "Ah, ganoon ba? Sige, dala ka na lang ng salad na gawa ni Manang." tumango naman ito. Matapos nilang kumain ay saglit na nagpahinga si Marielle at umuwi na rin mga ilang minuto ang nakalipas. "Gel, uwi na 'ko. See you tom." paalam nito. Nasa balcony sila at nakatanaw sa mga liwanag ng ilaw sa city. "Okay, Ielle. Bukas agahan mo ha. Baka umusok na naman ang ilong ng boss mo." sabay tawa ni Angel. Seryoso at istrikto kasi ang boss ni Marielle na si Wayne Garcia kaya naman kahit isang minuto lang siyang late ay umuusok na ang ilong nito. Isang beses pa lang naman iyon nangyayari. Madalas ay maaga siya sa trabaho. "Hay nako. Buti pinaalala mo. Lagot na talaga ako kapag na-late ako ulit." sambit ni Marielle. Nagyakap ang dalawa at humalik sa pisngi ng isa't isa. Nang makaalis si Marielle ay dumeretso siya sa shower. Hindi siya sanay nang natutulog na hindi naghihilamos o nagha-half bath man lang. Pagkatapos magsipilyo ay isinasabay na niya ang pagpapahid ng toner at moisturizer niya. Suot ang eye mask niya para sa eyebags niya ay tinawagan niya si Marielle. "Nakauwi ka na?" tanong niya rito. Tuwing maghihiwalay ang dalawa ay hindi nila nalilimutan na kumustahin ang isa't isa. Kaya naman tinawagan niya ito kung safe ba itong nakauwi. "Yup. Don't forget to wash before going to bed ha." paalala ni Marielle. "Done na. Ikaw rin. And your moisturizer. Baka makita mo ulit si Mr. Hot and handsome bff ng boss mo." tukso niya rito na hindi naman nakaalpas sa tainga nito ng sinabi niya dahil mukhang kinilig pa ito. "Of course. Oh siya sige na. Let's rest. Nakakapangit ang pagpupuyat." nagpaalaman na ang dalawa at maagang nagsitulog. KINABUKASAN ay maaga silang nagkita ni Marielle at sabay rin silang pumasok sa opisina. Katulad ng nakagawian na nila ay pupunta muna sila ng pantry kahit na nalapag-almusal na naman sila at nakapagkape na. Wala silang ibang gagawin kung hindi ay mag-chikahan muna. "Alam mo ba, Gel, nakita ko 'yong batch mate natin na si Ryan. Grabe, ang cute pa rin niya." may kilig pang sabi nito. Kahit kailan talaga ay mahilig ito sa cute at guwapo. "Talaga ba? Hindi ba girlfriend niya si Janna?" tumango naman si Marielle. "Oo. Pero break na sila pag-graduate natin." ganyan lang silang dalawa. Tuwing umaga bago magsipunta sa kani-kanilang opisina ay nagkukuwentuhan muna. Kung ano-ano lang. Minsan topic nila ay ang mga college mate nila. Minsan naman ay ang mga kapitbahay nila. At madalas ay boys na crush ni Marielle. "Good morning, Ladies!" agad na napatayo ang dalawa nang makita ang boss nila. Magkasama ang boss niyang si Wayne at boss ni Angel na si Christopher Graysonsa. "Good morning, Mr. Garcia and Mr. Graysonsa." sabay na bati ng dalawa. Napaawang ang labi ng dalawa nang may sumulpot sa likuran ng dalawang boss. Si Quieno Blaier Alfonso. Ngumiti ito sa kanila. "Good morning, Ladies." malaki ang boses nito na maskuladong-maskulado ang dating. "G-good morning, Blaier, I mean Mr. Alfonso." nauutal na sabi ni Marielle. Tumango naman si Quieno at ngumiti kay, Marielle. Ngumiti lang naman ng pilit si Angel. Hindi niya alam kung babati pa siya rito o hindi dahil hindi naman taga rito sa opisina nila ang binata. Matapos bumati ay lumampas na ang mga ito sa kanila. Ngunit hindi alam ni Angel kung namamalikmata lang ba siya o kung ano talaga ang nangyari. Bago lumampas si Quieno ay sigurado siyang kumindat ito sa kanya. "Tsk. Babaero naman." bulong niya sa sarili saka muling naupo. Malawak ang pantry ngunit pansin na pansin sila dahil sa unahan sila malapit sa pinto naupo. Doon kasi madalas mag-abang ng guwapong empleyado ang best friend ni Angel na si Marielle. "Hey, ikaw ha. Bakit ka kinindatan ni hot fafa?" usisa ni Marielle. Ang akala ni Angel ay namamalikmata lang siya. Ngunit napansin pala ito ni Marielle. "Talaga ba? Akala ko nga guni-guni ko lang." sabi ni Angel. Ngumuso naman si Marielle. "Akala ko pa naman may pag-asa ako." sambit nito. "Ano ka ba? Iyong iyo na, friend." hampas pa nito sa balikat ni Marielle. "Hindi bale na lang. Mahirap na. Kung type ka niya, for sure ay hindi niya 'ko magugustuhan." natawa naman si Angel dito. "Ano ka ba? Seryoso mo sa buhay. Hindi tayo magugustuhan ng mga 'yon. Mga rich kid at owner ng company? Magkakagusto sa tulad natin empleyado lang? For sure may mga arrange marriage 'yang mga 'yan. Lalo n siguro yang fafa Quieno mo." tila ba siguradong-sigurado na si Angel na may girlfriend na si Quieno. Bago pa man sila madaanan ng mga boss nila ay nagsipuntahan na sila sa kani-kanilang opisina. Si Marielle sa tapat lang ng opis ng boss niya ang opis at kay Angel na sa marketing department sa 15th floor. Hindi naman sa curious si Angel pero naisip niya kung totoo nga bang babaero si Quieno. Sabi-sabi lang naman kasi ang mga iyon. Mahilig daw kasi itong mag-bar at makilag-date kung kani-kanino. Napailing na lang siya nang ma-realized niya na sinasako na nito ang isipan niya. Tumutok lang siya sa computer niya at ginawa ang trabahong nakalatag sa kanya. Tapos na niya ang gagawin niya dapat ngayon. Kaya naman ang gagawin niya bukas ay ngayon na niya sisimulan. Work-a-holic si Angel at ayaw niyang ipinagpapaliban ang trabaho niya na kabaliktaran naman ni Marielle. So Marielle ang tipo ng tao na may mañana habit. Mamaya na kumbaga. At hangga't hindi pa due ay hindi pa niya gagawin. Sanay siya na sa mismong deadline na lang niya gagawin ang trabaho. "Ielle, kain na tayo. Gutom na 'ko." saktong tanghalian nang daanan siya ni Marielle sa opisina niya. "Sa kabilang building tayo kumain. Alam ko may restaurants sa baba ng building." yaya ni Marielle sa kanya. Agad naman siyang sumama rito. "Hi, Ladies. May I join you?" napalingon sila ng sabay nang mabosesan nila ang lalaking nagsalita. Agad na napatayo sila nang makita na si Quieno ang naroon. "Sige po, Sir." hindi mapigilan ni Marielle na mataranta. "Quieno na lang. Hindi ko naman kayo empleyado." kay Angel siya nakatingin kahit na si Marielle ang kausap niya. Nakahalatan naman si Marielle ngunit hindi na siya umimik. Nasaksihan niyang muli ang pagkindat nito kay Angel kaya naman back off na siya. Masaya siya para kay Angel kung type ito ng binata. "I haven't formally introduced my name. I bet you've heard rumors about me. I'd like to clear my name just so you won't see me as someone I am not." tinutukoy nito ay ang bali-balitang babaero siya. Marami kasi ang nagsasabi na basta Alfonso, babaero. "I'm Quieno Blaier Alfonso. Quieno for short." pakilala nito. Inilahad niya ang palad kay Angel ngunit tinitigan lang ito ni Angel. Hindi niya maisip kung ano ang kailangan nito sa kanila. Bukod sa nakaaabala na ito sa lunch time nila ay nakahahadlang pa ito sa tsismisan nila. "I'm Marielle Bersamin, Angelica Sarmiento's best friend." agad na kinuha niya ang palad nito. Tumango naman si Quieno. Ngunit ang atensyon niya ay nakay Angel. "Nice name." hindi nito tinukoy kung kanino ang nice na name. Hindi rin nila matukoy dahil pareho silang sinulyapan nito nang sabihin nito ang salitang iyon. "Quieno is nice too. And also Blaier." sabi ni Marielle. Mas gusto niya itong tawagin na Blaier kaysa Quieno. Wala namang pakialam si Angel kung ano man ang pangalan nito. Pero hindi niya malaman kung bakit may kakaibang dulot sa kanya ang presensiya nito. Hindi normal ang pagtibok ng puso niya. Hindi rin makapaglabas ng kahit anong salita ang bibig niya na tila umurong na ang dila niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD