"Sir, sorry po. Baka hindi makarating ang boss ko. May emergency po kasi." bakas ang pag-alala sa mukha ng binata. "What emergency?" usisa nito. "Hindi po sinabi e. Pero may emergency po. Pasensya na po talaga. But you can stay po and join us." sabi ni Beth sa binata. Saglit na nag-isip ito. Pagkatapos ay tumango. "Okay. Just let me know kung may maitutulong ako." sabi niya rito. "Thank you, Sir. Ang bait niyo po talaga." nakangiting hindi mabura ang labi ni Beth. Napakabait talaga ng kliyente nilang ito kaya naman natutuwa siya rito. At hindi na rin niya inalala kung magagalit si Angel nang inimbita niya ito. Wala rin naman doon ang dalaga. "Sir, dito muna kayo ha. Mag-start na kami ng program." tumango naman ito at nagtungo na sa gitna si Beth. In-announce niya ang mga awardees nang

