"Bago ko sabi, promise mo muna sa akin na makikinig ka at patatapusin mo 'ko. Hindi ka magwo-walk out at papansinin mo pa rin ako..." sabi ng binata. Paninigurado niya sakaling sabihin na niya ang totoo kay Angel. "Ano ba kasi iyon? Baka mamaya e kagalit-galit pala tapos hindi ko matupad ang promise ko." natahimik si Quieno. Hindi niya alam kung sasabihin pa ba niya rito o hindi na lang. Ngunit naalala niya si Alejandro. Tiyak na sasabihin nito ang bagay na iyon sakaling hindi man niya sabihin ngayon. Mas okay na'ng malaman sa kanya ni Angel kaysa kay Alejandro pa. "Basta mag-promise ka na kahit ano man ang malalaman mo ay pipilitin mong intindihin." saglit na nag-isip ni Angel. Hindi niya alam kung papayag ba siya sa gusto nito o hindi. Tinitigan niya ang mga mata ni Quieno. Kitang-kita

