"Hi, Doc! Ano'ng ginagawa mo rito?" may pagtatakang tanong ni Angel nang makapasok sa bahay at makarating sa sala. "Hello, Angel!" lumapit ito at humalik sa pisngi na ikina kunot ng ulo ni Quieno. "Doc Roxas, what's up?" tanong ni Quieno rito. Tumango lang ito sa kanya at pagkatapos ay umupo ito. Dumating naman si Lyka mula sa kusina na may dalang kape. "Kanina ka pa?" tanong ni Angel sabay baling kay Lyka. "Mom," sabi nito sabay halik sa pisngi. "Kararating niya lang. Halika at magkape na rin kayo ni Quieno." alok ni Lyka. "Kukuha lang ako ng tasa." sabi ni Lyka. "Ako na, tita." sabi ni Quieno. Napakunot naman ang noo ni Angel na feel at home si Quieno ngunit nagkibit balikat na lamang siya. Mukhang paninindigan nito ang pagiging boyfriend niya sa harap ni Alejandro. "Sige." tango

