------ Pagkatapos nilang maligo, ipinasyal sya nito kung saan nakadaong ang mga yate ng mga Del Fuengo. It's her dream na makasakay man lamang ng yate kahit isang beses. Meron walong yate na nakadaong at ayon kay Aki dalawa sa mga ito ay pagmamay- ari nito. Si Karl ay masyadong mahilig sa mga yate at may apat na collection na ito. Ang pangalan ng mga yate ni Aki ay “Zachary” ang isa, regalo daw ito ng daddy nito ng nung 15th birthday nito. Ang magkakapatid na del Fuengo ay binigyan ng sariling yate ng ama. Ang pinakamalaking yate sa lahat at mukhang malaki ang ginasto, ay pag-aari rin ni Aki, may tatlong room daw ito at may sariling kitchen, maganda ang deck, may sariling bar, dito daw ito madalas uminom kung may problema ito. Nakapagtataka lang nagsimulang naging open sa kanya si Ak

