------- Warning: Contain Mature Scene! 90% of this chapter is written in English para hindi masyadong vulgar. Pasensya na. - - Gabi na syang nakauwi, nagpasama sa kanya na mamasyal si Jorge. Sinadya n’ya talaga ang magpagabi dahil sa ayaw n’yang magkita pa sila ni Aki. Hiyang- hiya sya dahil sa pagkahuli nito sa katotohanan, ang daldal naman kasi ng kanyang kuya Mike. Kahit matagal na yong sampung taon gulang s’ya pero pakiramdam nya parang kahapon lang ang lahat. Kaya hindi n’ya mapigilan ang makaramdam ng hiya. Sa bungad ng Villa lang s’ya nagpahatid kay Jorge at ngayon naglalakad s’ya papunta sa malaking bahay nang may humila sa kanya. Sisigaw na sana s’ya kung hindi lang n’ya nakilala kung sino ang humila sa kanya. “Bitawan mo ako. Ano ba ang kailangan mo sa akin Aki?” tanong nya

