Episode 14

1137 Words
------- Galing si Haylee sa mga taniman ng palay, kahahatid lang sa kanya ng family driver sa Villa. Sa bungad lang sya ng Villa nagpahatid, padaan na sya sa tree house ng impaktong Aki nang nakita nya ito na nakasandal sa sandalan ng hagdan. Inis na inis pa rin sya dito hanggang ngayon, kanina kasi parang sinusundan sya nito. Akala ba naman nya na lagi itong wala sa bahay, bakit parang nasa bahay ito lagi at hindi nagta-trabaho? Pero bakit kahit saan sya magpunta, lagi nyang nakikita ang Aki na ito. “Haylee--- mukhang nag-enjoy kana sa presence ko.” Maluko itong ngumiti sa kanya. “Are you following me?” inirapan nya ito. “I don’t. Nakalimutan mo na ba na hacienda namin ang pinupuntahan ko.” “Oo nga pala. So, paano senyorito Aki, makikiraan lang po.” Taas kilay na sabi nya dito. Plano nya itong lampasan. Wala sya sa mood ngayon, kanina pa sya na- bweset dahil dito. Ngunit hinawakan nito ang isang braso nya pagdaan nya mismo sa bungad nito, inis nya itong tinignan. “Ano na naman?” galit na talaga nya. “Gusto mong umakyat sa tree house ko?” “Where?” palinga- linga sya tila naghahanap ng tree house. Binitawan sya nito. “Here. In my tree house.” Tinapik pa nito ang sinandalan nito. “Oh. Tree house pala ito?’’ nagpakawala sya ng mahinang tawa. “Akala ko motel room.” Sandali itong nabigla sa sinabi nya pero nakabawi din naman agad. Saka natawa ito ng malakas. Kainis pati tawa nito ay tila musika sa pandinig nya. “So, you been there in a motel room.” Hinagod sya ng tingin nito. Bweset, ang bastos talaga ng Aki na ito. Nung una lang ito seryoso pero habang tumatagal, lumabas din ang pagiging palakiro nito. “I wonder of how good you are.” Kumindat pa ito. Aminado sya na nainsulto sya pero wala sa plano nyang magdala sa mga sinasabi nito. Kaya na nya itong sabayan sa kamanyakan ng bibig nito. “Do you want to know how good I am?” Pinapungay-pungay nya ang mga mata habang nakatingin dito. Pilyo itong tumingin sa kanya, napakagat labi ito at nakasungaw ang flirt na mga mata. Tila inaakit sya. Ngumiti ito sabay kindat sa kanya. Nabastos sya sa ginawa nito. Well, talagang bastos naman ito. Inangat nya ang ulo saka inilapit ang bibig sa tainga nito. “Just keep wondering…’Cause you’re not my type.” Bulong nya dito na tila nang-aakit ang boses. Nawala ang ngiti nito at tila napalitan ng inis na ekspresyon. “So,ano ang mga type mo? Yong mga mapuputi?” Saan kaya hinugot nito ang tanong na mapuputi ang type nya? “Sinabi mo pa.” hinagod nya ito ng tingin. “Hindi ako mahilig sa mga--- N*GRO!” Saka sya nagpawala ng nakakainsulto na tawa. “What?” he grinned his teeth. Hindi naman talaga ito maitim, golden brown ang kulay ng balat nito. Merong mestizo kung tignan. Sinalubong nya ang galit na titig nito with the same intensity, pero bago pa may puputok sa harapan nila, meron biglang nagsalita. “Haylee, I been waiting for you.” Maarteng sabi na tila bakla na boses. Sabay sila napatingin ni Aki sa kung saan ang nagsasalita at sumalubong sa paningin nila ang nakangiting mukha ni Jorge, may malaki pa itong bulaklak sa tainga nito. Bihis na bihis na parang sasayaw ng ballet. “Ano na naman ginawa mo dito, b*kla?” irritableng tanong ni Aki dito. “Gusto mo yatang magulpi.” “Relaks fafa Aki, hindi naman ikaw ang binibisita ko.” Saka nakangiti sa kanya. “I’m visiting my new bestfriend.” “Sinong bestfriend?” kunot-noo na tanong ni Aki. Napangiti sya. Naisip nyang sabayan ang malanding si Jorge. “Bestfriend!” nakangiting sabi nya dito. Napa- open arms pa sya para salubungin ito ng yakap. “My new bestfriend!” open-arms din ito sa kanya. Nagyakapan at nag-beso-beso pa sila. Awang labi na nakatingin si Aki sa kanila. “What brought you here? Don’t tell me, yayain mo akong maghanap ng mga guapo at macho.” Nilambingan nya ang boses. “Hindi na ako maghahanap. C’mon may ipakilala ako sayo, guapong- guapo.”maarteng sabi ni Jorge “Wait! Anong ipakilala? Wag mong idadamay si Haylee sa mga kalandian mo.” Inis na sabi ni Aki. “Talagang gugulpihin na kita.” “Oh! Basta si Yumi, okay lang! Pag si Haylee, hindi pwede.” “Don’t mind him my bestfriend.” humawak pa sya sa bisig ni Aki, nabigla ito pero hindi nagreklamo. “Over protected kasi sya sa akin, mahal na mahal kasi nya ako-----” Nakanganga napatingin si Aki sa kanya. Hindi nya kayang ipaliwanag ang emosyon na nakikita nya sa titig nito. “Paano mo na---------“ “Bunso kasi nila ako.” pagpapatuloy nya sa sasabihin kaya naputol ang ibang sasabihin nito. Saka sya bumitaw dito. “W-What?” parang gusto nang umalis ng mga atuli nya sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Aki. Napatawa si Jorge na sinabayan nya kalaunan. “So, paano----“ pilya syang ngumiti kay Aki na ngayon inis na inis na ang mukha. “---kuya Aki, mamamasyal lang kami kung saan maraming guapo ng bago kong bestfriend.” mahina syang tumawa. “You’re not my sister!” tila galit na sabi nito sa kanya na hindi nya pinansin. “Wag ka nang magpakipot.” Sabay tapik nya sa balikat nito. “Tanggapin mo na ako bilang kapatid mo.” “I like you!” ani ni Jorge na sya ang tinutukoy. “Don’t worry, kasing hot ng kuya Aki mo ang ipakilala ko sayo.” Nag-close open na ang butas ng ilong ni Aki sa sobrang inis. “Kasing hot?!” sinabayan pa nya ng pagkagulat ang mukha, saka hinagod pa ng tingin si Aki mula ulo hanggang paa. Wala nang mas hot kaysa kay Aki, sya kaya ang pinaka-hot sa akin. “In that case, hindi na ako interesado, hindi naman hot ang kuya Aki ko. Wala ngang ka-interes- interes ang katawan niya.” mapait syang ngumiti. “Anong sabi mo?” galit na galit na baling ni Aki sa kanya. Nginitian nya ito ng pilya. “Sabi ko, walang ka-interes- interes ang katawan mo.” ulit nya sa sinabi. Saka insultong nginitian ito. Nagpawala ito ng maraming hangin. Gumanti lang sya dahil sa iniinsulto sya nito kanina. Pikon pala ito. “You----“ tila umuusok na ang ilong nito sa sobrang galit. Matalim syang tinititigan nito, nakipagtitigan din sya dito. Meron na naman kinikibot- kibot ang mga labi nito na hindi nya maintindihan. Saka nagka- ngitian sila Jorge habang nilayasan si Aki. Ang sya nya. Nanalo sya laban kay Aki. Sana magpatuloy na ang pagkapanalo nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD