-------
Kasalukuyan syang naglalakad sa loob ng hardin ng Villa. Napakaganda talagang pagmasdan ng iba’t- ibang klaseng bulaklak. Tunay ngang nakakawala ang mga ito sa stress nya.
Lumapit sya sa bahagi na pagmamay-ari ni Aki. At talagang ibinakod na ng gago ang bahagi nito sa hardin. Puro tulips ang alaga nitong mga bulaklak. Favorite pa naman nya ang mga bulaklak na ito.
-
-81251255-
If I had a flower for everytime I thought of you,
I could walk through my garden forever.
-
Basa nya sa nakasulat sa labas ng wooden placard na nasa labas ng private garden ni Aki.
Napakunot- noo sya. May pagka-romantic palang nakatago sa katawan ang gagong si Aki.
Mukhang nakakakilig. Type pa naman nya ang mga lalaking romantic. Napailing sya bigla sa iniisip. Type nga nya pero hindi kasali si Aki doon.
Napatingin sya sa mga numerong nasa ibabaw. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga numerong ito?
“Gusto mong pumasok?” muntikan syang napapitlag nang may biglang nagsalita sa likuran nya.
Napalingon sya at sumalubong sa paningin nya ang napakaguapong mukha ni Aki. Seryoso ang hilatsa ng mukha nito at matiim ang titig sa kanya.
“No, thanks. You hate intruder diba?” Tinaasan nya ito kilay.
“I give you, my permission.”
Napanganga sya. Seryoso ito? Papasukin sya nito sa loob ng private garden nito? Kailangan nyang mag- isip, baka paraan ito ni Aki para maisahan sya. Kailangan nyang pag- aralan ang ekpresyon ng mukha nito para makasiguro sya kung wala itong planong masama sa kanya pero emotionless naman ito. Ang galing magtago ng emotion ng Aki na ito.
Napaka- seryoso na ng Aki na ito. Nabobored na sya dito. Paano sya nakaganti dito kung seryosong tao na ito ngayon? Kailangan nya itong inisin. Mayamaya, napatawa sya nang naalala ang placard sa labas ng private garden ntio.
“Anong tinatawa-tawa mo dyan?” kunot-noo ito.
“Sinong hindi matatawa sayo. Ang baduy mo.” Tawang- tawa nya sabi dito.
“What do you mean?” halata ang irritasyon sa mga mata nito.
“May pa quotes-quotes ka pang nalalaman.” sabay nya turo nya sa placard“At anong ibig sabihin ng mga numero sa ibabaw, naghahanap ka yata ng textmate.”
Mas nilakasan nya ang tawa.
“Stop that!”
Ngunit mas nilakasan nya ang pagtawa. Hindi pinapansin ang nagbabantang galit nito. “Hindi ko lubos akalain na ang isang katulad mo ay may nakatago palang kabaduyan. Nakakahiya!” Sumasakit na talaga ang tiyan nya sa katatawa.
“I said stop that! Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ka na bata Haylee. Hindi na ako magdadalawang isip na gawin sayo ang kahit ano. At---” hinagod sya ng tingin nito. Bweset! Kinilabutan sya sa ginawa nito, parang nahuhubaran sya. Ngumisi ito. “----mas malakas ako kaysa sayo. Kayang- kaya kong gawin lahat at hind imo ako mapipigilan.”
Napakalma sya sa sarili nya bigla. Hindi nya napaghandaan ang pag- init ng pakiramdam dahil sa titig nito. Pero hindi sya dapat magpadala sa takot nya dito. Baka isipin pa nito na sya pa rin ang batang Haylee na takot na takot dito.
“Kung inakala mo na natatakot ako sayo, pwes, nagkakamali ka, Aki.” Umaksyon sya na parang nakahanda sya sa pagsugod nito. “Pinaghandaan ko ang pagkikita natin ito, marunong ako ng taekwondo.”
Napangisi na naman ito. Hindi yata ito naniniwala sa kanya. Well, nagsisinunggaling naman talaga sya. Wala talaga syang alam na kahit ano tungkol sa taekwondo. Tulog sya nung nag- didiskus ang P.E prof nila tungkol dito.
“Really? Alam mo ba na black belter ako sa taekwondo, ikaw anong kulay ng belt mo?”
Napaisip sya. Alam nyang may ganun sa taekwondo pero nakalimutan nya ang mga kulay at kung anong rank ang mag bawat kulay.
Anong kulay kaya ang pinakamalakas. Dapat nyang malaman kung anong kulay ang pinakamalakas.
“Ah….hindi mo na kailangan malaman.” Mahinahon nyang sabi para hindi mahalata nito na nagsisinunggaling sya.
Napataas ang isang bahagi ng labi nito. “Liar!”
“Nagsasabi ako ng totoo, okay!”
“Well then----anong kulay ng belt mo?” he grinned. Parang sya ang pinaglalaruan nito.
Nag-isip sya. Paano kaya nya maisahan ito?
Mag-isip ka, Haylee. Dapat mas wise ka kaysa lalaking ito.
“Bakit ko sasabihin sayo? Baka mangilabot ka pa sa takot pag malaman mo na nasa highest rank pala ako.” Confident nyang sabi.
“Okay—so purple ang kulay ng belt mo?” seryoso ang mukha nito. Naging seryoso bigla ito, baka highest rank talaga ang purple.
“May purple ba?” paniniguro nya. “Tini- test lang kita kung may alam ka sa taekwondo.”
“Oo. ---diba yang ang kulay ng belt mo. Mas mataas pa ang rank mo kaysa sa akin. Nasa lowest rank ako.”
Hinamig nya ang sarili. Napalanghap sya ng maraming hangin.
“Of course. Purple ang kulay ng belt ko. Siniguro ko lang na hindi ka nagsisinunggaling at may knowledge ka talaga sa takewondo. You hate liar, right?” tinaasan pa nya ito ng kilay.
“Mas malakas ka nga kaysa sa akin. Umabot ka talaga sa highest rank. Hindi ako umabot, lagi kasi akong natatalo sa laban. Nakakatakot ka na pala ngayon. Ibig sabihin ba nito, hindi ko na magagawa sayo yong mga plano kong gawin na nasa isip ko pa lang. Naghahanap pa lang ako ng pagkakataon?” tanong nito na nakataas pa rin ang isang gilid ng labi.
Ano kaya ang planong gawin nito sa kanya? Mabuti nalang at nagawa nyang magsinunggaling dito.
Tumango sya, saka inirapan ito. Ipinakita nya na nabo-bored na sya sa topic, baka marami pa itong itatanong tungkol sa taekwondo at mahuli pa ang kasinunggalingan nya.
“Okay? So, ibig sabihin, hindi ko na kayang gawin ito kahit anong oras dahil sa malakas ka.”
Pabigla syang hinila nito.
“Bitawan mo ako, saan mo ba ako dadalhin?” nagpupumiglas sya.
Kaysa sumagot ito, tumayo sila sa bungad ng garden nito, saka binuksan nito ang pinto ng bakod. At hilang- hila sya nito na pumasok sa loob.
Aminado sya na mas maganda pala ang mga tulip dito sa loob at namangha talaga sya. Iba din ang collection nito, mga tulip talaga.
“Bitawan mo nga ako.” binawi nya ang kamay mula dito. Ayaw nyang hawak sya nito dahil parang magka- holding hands silang dalawa sa paraiso. Binitawan naman sya nito. At naglakad- lakad sya sa buong paligid.
“Talagang tulip lang ang naisipan mong itanim dito. Mahilig ka ba talaga sa bulaklak na yan? Wala naman sa hitsura mo ang mahilig sa bulaklak.”
“Tama ka. Wala akong hilig sa mga bulaklak. Ibang bulaklak yong hilig ko.”
Hindi nya gets ang sinabi nito kaya balewalain nalang nya.
“Wala ka naman pa lang hilig sa mga bulaklak, bakit collection mo ang mga ito?” kuryoso talaga nya. Pag malapit nang mamatay itong si Aki, hihilingi nya dito na sa kanya na lang ipamana ang collection nito.
“May pagbibigyan ako nito balang araw.”
May pagbibigyan ito. Sino kanya ang pagbibigyan nito?
--
-81251255-
Of all the things I can do on this earth,
I just want to build a bridge from
My heart to yours.
-
Napabasa na naman sya sa isang placard na nasa loob ng garden.
“I’m curious, what that numbers mean? Turo nya, kuryoso talaga sya. “Pwede mo naman hindi sabihin.”
“Haylee….” Sambit nito sa pangalan nya. Tila may gusto itong sabihin.
“Yes.” Kunot- noo sya. “May gusto kang sabihin.”
Kaysa sumagot, humakbang ito palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya na nakatingin dito. Hanggang isang dangkal na ang pagitan nila, hinawakan nito ang magkabilang braso nya, at unti-unting inilapit ang mukha nito sa mukha nya. Napalunok sya, hindi sya nakakilos.
No! Ano ito? Titiklop sya agad? Hindi pwede ito. Kailangan--- kailangan nyang may------napasigaw sya bigla dahil may nakita sya na naging dahilan kaya nangilabot sya ng sobra.
----
“This is all your fault.” Same as before, sya na naman ang sinisisi nito kung bakit nangangati ito.
“Bakit ba ako ang laging sinisisi mo?” taas kilay na tanong nya dito. “Garden mo yon at hindi akin. Bakit ba may higad sa garden mo?”
“They are still caterpillars, okay!”
“Fine. Wag mo akong sisihin. Ikaw ang nagpumilit na ipasok ako doon.” Naiiritang sabi nito.
“Bakit ka ba laging nadidisgrasya ha? Kaya tuloy, ako ang laging napapahamak dahil sayo.” Ani nito.
“Madidisgrasya lang naman ako kung kasama kita. Talagang disaster ang hatid mo sa buhay ko.” Inirapan nya ito.
Umigting ang panga nito sa sinabi nya. Nagkasalubong ang matalim na titigan nilang dalawa.
Mabuti nalang at hindi tuluyan nalapat kanina ang labi nito sa labi nya.
Ang unang misyon pa naman nya sa pagbabalik nya ay wag malapat ang labi nito sa labi nya. Hindi nya hahayaan na mahalikan sya nito. Bahala itong maglaway sa kissable sa red lips nya.