Episode 12

1752 Words
---- (10 years later...) - “Salamat at pinagbigyan mo kami ng ninong mo, Haylee. Thank you for coming back.” Nakangiting sabi sa kanya ng ninang Ysabelle nya. “Ako nga ang dapat magpasalamat sa inyo ninang. Hindi nyo ako pinabayaan ni ninong. Kaya dapat lang na tulungan ko na kayo.” Nakangiting sabi nya dito. Looking back 10 years ago, magiging isang Del Fuengo na rin sana sya pero may nangyari kaya kailangan nyang umalis. Hiniling din nya sa ninong at ninang nya na wag na syang ampunin ng mga ito. Masakit sa kanya ang desisyon na yon pero kailangan, ayaw na nya ng gulo. Maliban sa ayaw na nyang magpaampon sa mga ito, hiniling din nya sa mga ito na ibalik na lang sya sa Lolo at Lola nya dahil sa nangungulila sya ng sobra sa mga ito. Pero kahit pa tinanggihan nya ang maging legal na adopted children ng ninong at ninang nya sa kanya, inako pa rin ng mga ito ang responsibilidad sa kanya. Pinatira sila nito ng Lolo at Lola nya sa isang maayos na bahay. Binigyan ng mga ito ng sari- sari store ang Lola nya at binigyan ng dalawang pa- rentahan na tricycle ang Lolo nya. Maliban pa dito, may monthly financial support din syang nakukuha mula sa ninong at ninang nya, na para sa kanya sobrang- sobra na. Ang ninong at ninang nya ang nagpapaaral sa kanya hanggang sa natapos sya sa kolehiyo isang taon na ang nakakalipas. Limang taon na ang nakakalipas nang namatay ang Lolo nya at sumunod naman ang Lola nya, isang taon lang pagkatapos namatay ang Lolo nya. Mag- isa nalang sya at bumalik sya dito sa Villa Del Fuengo dahil sa gusto nyang makabawi sa ninong at ninang nya sa lahat ng ginawa ng mga ito para sa kanya. Matanda na ang ninang nya at kailangan nito ng katulong sa pamamahala ng hacienda. Isa na rin syang writer, nagpapasa sya ng manuscript nya sa isang sikat na publishing company. Nakapagpublished na sya ng ilang books. Romance ang mga isinusulat nya. Pareho nang ikinasal sina Karl at Yumi, at parehong hindi sya nakadalo sa kasal ng mga ito. Natatakot kasi syang bumalik dito sa San Bartolome hangga't wala pa syang maipagmamalaki sa isang tao na naging dahilan kaya umalis sya noon. May isang anak na sina Karl at Shay, habang buntis naman si Yumi. Isang fashion designer si Yumi katulad sa ninang nya at sa Paris pa nga ito nag- aaral. Si Yumi ang nagmamanage ng fashion company ng mga Del Fuengo. Si Karl naman ay makapokus sa Hidden Pearl Resort, pagmamay- ari din ito ng mga Del Fuengo. At si--- erase! Erase! Ayaw na nyang e- mention nag lalaking iyon. Habang palakad- lakad sya sa Villa, hindi nya mapigilan at bumalik sa alaala nya ang dahilan kung bakit napagpasyahan nyang umalis. Muntikan nang may ginawa si Aki sa kanya kung hindi lang sya umiyak nung. At ang pangyayari na yon ang dahilan kaya nabuhay ang matinding takot sa puso nya para kay Aki. Wala syang ibang gustong gawin nung kundi ang umalis. Aminado s'ya na takot na takot sya kay Aki na kahit sa pagtulog nya, pakiramdam nya kaya syang gawan ng masama nito. Hindi nya pwedeng sabihin sa mga magulang ni Aki ang muntikan nang ginawa ng anak ng mga ito sa kanya dahil sa ayaw nyang sya pa ang maging dahilan na masira ang relasyon ni Aki sa mga magulang nito kaya sya na ang kusang umiwas, sya na ang lumayo. Sinagad sya ni Aki, habang tumatagal, mas lalo itong naging nakakatakot para sa kanya. Bata pa sya, mahina sya ng mga panahon na yon. Hindi pa nya alam kung paano lumaban kay Aki. Masakit sa kanya ang naging desisyon dahil sa gustong- gusto talaga nya dito pero hindi pwede-- hindi sila pwedeng magsama ni Aki sa isang lugar dahil baka ikamatay nya ang sobrang takot dito. Pero ngayon-- bumalik na sya at hindi na sya natatakot kay Aki. Kayang- kaya na nyang lumaban dito. Aminado s'ya na sa takot nya noon kay Aki, maraming beses sya kinakabahan sa isipin na baka bigla na lang sumulpot si Aki sa bahay nila ng Lolo at Lola nya. At gawan sya ng masama nito. Lagi syang binibisita ng pamilya nito lalo na si Karl kaya hindi din nya mapigilan isipin na baka bigla nalang sumulpot si Aki. Pero nang tumagal, bigla nalang s'yang umasa na sana bisitahin sya ni Aki kasi gusto nya itong makita, pero ni anino nito ay hindi man lamang nagpakita sa kanya. Habang lumalaki din naman sya at naging bukas ang isip, napagtanto din nya kalaunan ang mga nais ipahiwatig ni Aki sa kanya. Pero nawala din ang mga pag- asa na yon dahil sa hindi man lamang s'ya binibisita nito. Hindi man lamang s'ya namiss nito. Kaya naisip nya na baka gusto lang talaga s'yang gawin laruan nito. At paasahin ang kanyang batang puso. Masama ang loob nya kay Aki dahil hindi man lamang s'ya naalala nito. Hindi sya naalala nito samantalang sya, ni isang beses, hindi man lamang ito nawala sa isip n'ya. Sampung taon, mula nang umalis sya ng villa, hindi na talaga sila nagkikita ni Aki. At naiinis sya kay Aki. Suot ng isang hindi naman masyadong revealing na 2 piece, kasalukuyan syang lumalangoy sa swimming pool ng Villa. Marunong na syang lumangoy dahil sa pinag- aaralan talaga nya ito. Gusto nyang sa pagkikita nilang dalawa ni Aki, marunong na rin syang gawin ang mga bagay na magaling ito, tulad ng paglangoy. “Who are you?” Natigil sya sa paglangoy nang narinig ang isang boses ng lalaki. Napalingon sya sa kung saan ang nagsasalita, at hindi nga sya nagkamali, boses ito ng pinakahambog, pinakaplayboy at pinakaiinisan nyang lalaki na walang iba kundi si Aki. Tatlong araw na syang nandito, pero ngayon pa sila nagkikita nito. Sabi ng ninang nya, may sariling condo ito, na malapit lang sa MCI at doon ito umuuwi. Ang MCI ay isang kompanya na gumagawa ng iba't- ibang klase ng makina. Isang multi- billion company na pagmamay- ari ng Del Fuengo. Nag- iisang anak lang ang ninong Daniel nya kaya ang mga anak nito ang tanging tagapagmana ng kompanya. At si Aki ang magmamanage nito balang araw pag magre- resign na ang ninong nya. Parehong walang interest sa kompanya sina Yumi at Karl. Naibalik nya muli ang pokus kay Aki. He is handsome before, and he is so damn handsome ngayon. Hindi lang ito ubod ng guapo, umaapaw pa ang mapang-akit na s*x appeal nito. Pinigilan nya ang sarili na mapatulala sa kakisigan nito, well- built body, flirt deep eyes, seductive kissable lips, plus factor pa ang golden tan na balat nito. What’s funny, gusot na naman ang buhok nito na mas lalong nakadagdag sa s*x appeal nito. Siguro kagigising lang nito. Until now, hindi pa ba magkakilala ang suklay at ang buhok nito? Nakasuot ito ng swimming trunks kaya sigurado syang maliligo ito. Bweset! Nakakatulo laway ang mga pandesal nito sa katawan. Tumigil ka Haylee, hindi ka nandito para hangaan ang Aki na ito. Ipasok mo sa isip mo ang ginawa nya sayo noon at hindi sa kung gaano sya ka- yummy. Kung gaano ka ka- inosenti noon, ganun ka na rin kalandi ngayon. Wag kang magkamaling tumingin sa maumbok na nasa ibabang bahagi ng katawan nya. Bawal! Baka maalala mo lang ang malaking ahas na yan. Pagalit ng isip nya sa sarili nya. Sabay ng lihim na paglunok nya. Napakalma sya. Sa pagkakataon ito, dapat hindi na sya magpakita ng takot dito. “Who are you also?” taas kilay na balik tanong nya dito. “Who are me?” he smirk. "I am living here. You?” Kainis na Aki ito! Hindi ba talaga sya namukhaan nito? Fine. Sampung taon na ang nakakalipas. Masyado na ba syang gumanda para hindi mamukhaaan nito ang batang babae na laging pinagtripan nito noon? Talagang kinalimutan na sya ng Aki na ito. “Oh, you’re living here.” sinalubong nya ang matalim na titig nito. “I’m living here too." Saka sya nagplano na umahon na sa tubig. Maganda sya, maputi at makinis, tignan lang nya kung hindi ito mapatulala sa kaseksihan nya. Playboy ito. Masyado itong mahilig sa babae. Tignan nga nya kung pasado ba sya sa panlasa nito. Hindi nga sya nagkamali, talagang sinusundan sya ng tingin nito at may nakita syang paghanga mula sa mga mata nito. Inis nyang isinuot ang roba. Talagang bastos pa rin ito hanggang ngayon. Malaki ang kasalanan nito sa kanya. He almost took her innocence when she just 13. Talagang wala itong pinalalampas, kahit bata pinapatulan nito. Bahagya itong lumapit sa kanya. Pero hindi sobrang lapit, nagkatinginan lang sila nito. “Wait! Are you an intruder?” tanong nya dito, then look at him in an insult way. Umigting ang panga nito. “W-What?” tila inis ito, lihim syang nasisiyahan, iinisin talaga nya ito. “You are the intruder here.” sabay pa turo sa kanya. She smiled in a seductive way. “I’m here for almost a days.” “So what? Nandito ako buong buhay ko.” Nagsalubong ang perpektong makapal na kilay nito. “And so? Ngayon lang yata kita nakita… now, tell me are you an intruder?” taas kilay na tanong nya dito. Umasin yata ang mukha nito at umusok ang ilong. “I’m not an intruder, okay. I’m the owner of this Villa and this pool. And I hate intruders.” halata ang irritasyong nito. “Oh! As much as you hate cats. I guess.” Tumawa pa sya ng mahina, napakunot- noo kasi ito. “At saka, hindi ko alam na nasa pangalan mo na pala ang Villa na ‘to.” “Who are you? Answer me now.” Tila nag-uutos pa ito. Medyo nakaramdam sya ng takot, pero hindi sya nagpahalata. She look at him in a insult way, saka tinakpan ng palad nya ang bibig, saka sya tumawa ng malakas sabay hagod sa almost perfect na katawan nito, yong parang iniinsulto nya ito. Napansin nya ang pag close open ng butas ng matangos na ilong nito. Hindi nya lubos akalain na ganito pala ito kabilis inisin. Lagot ang Aki na ito sa kanya. Nagbabalik sya para inisin ito. “Answer me now.” Tila galit na nga ito. “So!” tinaasan nya ito ng kilay. “You don’t remember me? Well, malaki na nga ang pinagbago ko. Now, tell me Aki, how lovely I am becoming?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD