---- Napakunot- noo si Aki nang napasukan nya si Karl sa opisina nito na karga ang halos dalawang taong gulang na anak nito na babae. At nag- iiyak ang bata. “Bakit ikaw ang nag-alaga sa anak mo? Diba, may Yaya yan." “May sakit. Kaya bantay bata muna ako. May mahalagang seminar kasing dinaluhan si Shay." Si Shay ay ang asawa nito. "Pupunta naman mamaya dito ang mga magulang ni Shay para alagaan ang apo. Ang dami ko din commitment today." Inaalo naman nito ang anak na umiiyak. Napadaan lang sya dito sa Hidden Pearl Resort dahil sa may inayos sya sa yate nya. Aalis na din sya agad para pumunta sa MCI. Later, he found himself staring at his brother habang inaalo ang anak. Despite the challenges his brother was facing now—balancing her work and taking care of his child—his brother stil

