Kabanata 5

2032 Words
"Hmm, so you have a crush on me. I didn't know that you were the type to have crushes Kairo." I teased.  "Tss." Muli kaming binalot ng nakakabinging katahimikan. Tinapos ko na lamang yung inorder kong dessert, at yun din yung ginawa niya. Nahuli ko ang paninitig niya sa akin. His gaze is all focused on me. Tumaas ang isang kilay ko. "Is there something on my face?" Tanong ko. I took out a tissue to wipe the dirt that must be on my face. Hinuli niya ang kamay ko. I felt the familiar bolt of electricity nang magkalapit ang aming mga balat. Ibinaba niya ang kamay ko. Mariin niya akong tinitigan at pinikit ang mga mata sabay sapo sa noo. May binulong siya sa kanyang sarili na hindi ko nakuha. "Nothing's on your face." Naguguluhan ko namang binalik ang tissue sa mesa. "Ikaw naman kasi. Kung makatingin wagas. Wala ba talagang dumi sa mukha ko?" "Wala... you're just too beautiful." Natigilan naman ako sa sinabi. "Bakit? Masama bang maging maganda?" Umiling siya. Binaba niya ang kanyang paninitig at bumuntong hininga.  "Hindi, mahirap nga lang dahil marami akong kaagaw." Ano ba yang pinagsasabi niya. Ako nga itong maraming kaagaw sa kanya, tss. "Whatever." Pagtataray ko. He glanced at his watch before turning his gaze back at me. "It's getting late. I need to send you home." I nodded and stood up from my seat. Habang naglalakad paalis ay nasagip ng mga mata ko iyong usherette na kinaiinisan ko. Lungkot at pagkabigo ang sumalamin sa mga mata niyang pinagmamasdan ang pag alis namin. This girl is getting into my nerves.  "Goodbye Sir!" Lakas loob niyang sigaw nang pagbuksan ako ng pinto ni Kairo.  This b***h! Ang kapal naman talaga ng pagmumukha. Irita ko siyang nilingon. Sa gilid ng aking mga mata ay pansin ko ang pagsulyap niya sa babaeng higad.  This brute! Hindi naman niyang kailangan pang lumingon! Pumula naman ang mga pisngi nito. Yumuko siya. May gana pa pala siyang mahiya. Hinanap ng mga mata ko ang nametag niya. Marjorie pala! Lalapit na sana ako sa kanya nang pigilan ako ni Kairo. "Let's go." He sounded amused. Naiinis ko siyang binalingan at pagalit na hinablot mula sa kamay niya ang braso ko. Inunahan ko siya sa paglakad palabas. Sinundan niya ako. "Amara." Tawag niya sa pangalan ko. Nasa loob na kami ng kanyang sasakyan, patungo sa bahay. Hindi ko siya kayang tapunan ng tingin. Naaalala ko kasi sa pagumkha niya yung babaeng higad. Naiinis ako sa paraan ng pagtingan ng babaeng yun sa kanya, because somehow. It reminds of the way I stare at Kai. A look of adoration.  Kinuha niya ang kamay ko. PInagsikop niya ang mga daliri ko sa kamay niya. While his other hand was maneuvering the steering wheel. "Amara," Pangungulit pa niya. Tong haliparot na'to. Kung ituon na lang niya kaya ang atensyon sa pagmamaneho.  Yun ang nagging eksena namin sa loob ng kanyang sasakyan. He would call my name and I wouldn't even throw him a glance. Nakatutok ang paningin ko sa bintana. Pinagmamasdan ang mga gusali na dinadaanan namin. He keeps on calling my name while driving. Mumultuhin ko talaga siya kapag namatay ako dahili sa ginagawa niya. "Amara, talk to me." Pabebe, inirapan ko lang siya at muling tinutok ang atensyon sa bintana. "Buti pa yong bintana pinapansin." Pagdadrama niya. I rolled my eyes. Hindi ko parin siya pinapansin. Ilang Segundo pa ang lumipas ng muli naman niyang tinawag ang pangalan ko. "Stop pestering me!" Naiinis kong bulaslas. Kinalas ko ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. He let out a chuckle while running his hand through his hair.  "Okay." Tumahimik narin siya. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan niya ng tumigil ito sa harap ng mansion. Ngunit pinigilan niya ako. Napabuga ako nang marahas na hininga. Kunot noo at salubong ang mga kilay kong hinarap siya. I glared at him. He only smiled. He pouted his lips and slightly turned his head to the side. "Where's my kiss?" I threw him a blank stare. "Tumigil ka nga diyan!" Tatalikod na sana ako para buksan ang pintuan ng front seat nang pigilan niya naman ako. "The last time I sent you home you gave me a kiss. I was still not ready that time. Pero handa na ako ngayon. Now, where's my goodbye kiss?" I scratched my cheek while listening to his hallucination. "Sleep well. You need it." Sambit ko.  Nakahandusay na ako sa kama. Sunod sunod ang pag vibrate ng cellphone ko. Kanina pa ito tunog nang tunog hindi ko naman pinansin.  Papatayin ko n asana ito ng makita ko ang pangalan ng sender. You received 15 messages from Kairo and 2 missed calls. Anong oras na, gising parin ang isang to. Well he's probably busy entertaining his workloads. Ang ilaw mula sa lamparahan ang nagliliwanag sa madilim kong silid. Tumunog muli sng telepono ko. Hudyat na may panibagong mensahe akong natanggap. Galing kay Kairo parin iyon.  Kairo:  Are you still mad? Napairap na lamang ako sa kawalan. Amara: It's so nice of you to point out the obvious.  Kairo: So you are. Amara: Stop texting me! Kairo: Why are you mad? Amara: Wala Kairo:  Are you sure? Amara: Oo, don't text me. matutulog na ako. Kairo:  Okay  Ilang minuto muna ang lumipas bago muling tumunog ang cellphone ko. Dali dali ko naman itong binuksan. Kairo: Goodnight :) Naramdaman ko na lamang ang pagbilis nang t***k ng puso ko. Hinawakan ko ito. I let out a shaky breath. Calm down heart. It's just Kairo.  "Yeah, it's just Kairo." Bulong ko sa sarili.  Why does it feel like I'm assuring myself though. Another week has passed. Sobrang busy na ako sa pag aasikaso ng resto ko. Paminsan minsan naman ay tumitext sa akin yung haliparot. Di narin kasi kami masyadong nagkikita. Busy siya sa pagmamanage ng resort nila samantalang ako naman ay pinagkakaabalahan ang resto ko. Nakaupo kami ngayon sa hapag. Kumakain ng tanghalian. Nagmamadali na nga ako dahil may e me-meet pa akong tao ngayon. Nakatanggap ako ng text mula kay Kairo kani-kanina lamang. Nagtatanong kung kumain na daw ba ako. Agad ko namang ni replyan ng 'Kakain na'. Tumigil naman sa pag titext ang haliparot.  "Am, uuwi na daw ang ate Dan mo." Ani dad. Natigilan naman si mommy sa pagsubo ng kanyang pagkain at lumingon sa aking ama. My mom's faced glowed. Napapalakpak siya. Masayang masaya sa balitang narinig. "That's great! Kailan daw ba ang uwi nila?" Nasasabik na tanong niya kay dad. Nagkibit balikat ang aking ama at sumulyap sa banda ko. "Di niya sinabi kung kailan ang uwi nila. How about you, Am? May sinabi ba ang ate Dan mo tungkol sa pagbalik nila?" Umiling ako sa sinabi ni dad. Wala naman kasi akong natanggap na text o tawag mula sa nakakatanda kong kapatid. "Wala naman, dad. Pero diba malapit na ang birthday ni Enzo. Maybe they'll celebrate his birthday here." Tumango naman si dad. "Oo nga pala! Malapit na ang kaarawan ng apo ko! Am, sabihan mo ang ate mo na daliaan nila ang paguwi." I nodded my head and continued eating my lunch. Di naman maalis ang ngiti sa mga labi ng aking ina. Mas excited pa siya yata kaysa sa ate Dan ko. Napailing na lamang ako sa naiisip. Ako nga din naman ay nasisiyahan sa nalaman na balita.  Hindi naman kasi kaming magkakapatid masyadong nagkikita ngayong tumatanda na kami. Kahit nung nasa France pa ako. Pero hindi naman nawawala ang komunikasyon namin sa isa't-isa.  I was busy talking to my interior designer when my eyes caught a familiar figure of a man walking towards our table. Buti na lang at malapit ng matapos ang pinag uusapan namin ng empleyadong napili ni mommy, na nagmula pa sa kompanya namin. Nagpaalam na ito sa akin.  Kasalukuyan na niyang kinukuha ang kanyang mga gamit mula sa lamesa. Natatakot pa ata ito sa lalaking nakatayo sa gilid niya. Nakakatakot naman kasi ang pagmumukha niya. "Ano bang ginagawa mo dito?" Wika ko nang makaupo siya sa bakanteng silya sa harapan ko. Kunot ang noo nito habang sinusundan ng tingin iyong lalaking kausap ko kanina lamang. "Hoi!" Sigaw ko. Naniningkit ang mga mata niyang bumaling sa akin. "Ba't may kasama kang ibang lalaki? Are you cheating on your boyfriend, Amara?" Nabigla naman ako sa sinabi niya. "Anong boyfriend na pinagsasabi mo dyan! Wala akong boyfriend, noh! Tsaka interior designer yon ng resto ko." Tumaas ang kanyang isang kilay habang nakatingin sa akin. "Talaga? Hindi mo boyfriend yung si Cantellano?" Pambabara niya.  "Hindi." Naiinis kong sagot. "Oh, ba't parang galit ka pa. Gusto mo yon noh?" Pang aasar niya. Minsan naiisip ko rin kung paano kami naging magkaibigan, eh, wala naman siyang ginagawa kundi inisin ako.  "Mag order ka na nga." Itinaas naman niya ang kanyang kaliwang kamay para makapag order na. Pinagmasdan ko lang siya habang sinasabi niya ang kanyang order dun sa waitress na nilalandi narin niya. Hiyang hiya na talaga ako sa kaibigan kong ito. I was six years old when we first met, siya naman ay walong taon gulang pa lang. Tanda ko pa ang pagkainis ko sa kanya dahil sa kadaldalan niya sa una naming pagkikita. Tuwing umuuwi kami ng mga kapatid ko galing France ay parati ko na lamang na sasalubong ang Intsik na pagmumukha niya. I was a silent kid back then. Tipid lang ang mga salita ko at hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga tao. My parents got concerned kaya inunlakan nila akong makipagkaibigan sa bungangerong ito.  Magkasosyo sa business at malapit na magkaibigan ang mga magulang namin. Kaya hindi sila nahirapan na matupad ang gusto nilang mangyari. Hindi rin nagtagal ay nahawaan ako ng pagiging bungagero niya. Istorbo ang pagiging mongoloid niya sa katahimikan ko. "Oh, tissue. Naglalaway ka na. Hay Amara, itago mo naman yang pagnanasa mo sa akin, baka mapansin ka ng mga tao, nakakahiya." Tangina ang hangin! "Tumahimik ka nga! May paparating na sigurong bagyo. Nararamdam ko na ang malakas na hangin." Nawala naman ang ngisi sa kanyang mga labi. "Oo na! tatahimik na po." Dumating na iyong pagkain niya, tumahimik na din siya. Nagpaalam na kami sa isa't-isa nang makita namin ang pagdilim ng langit.  I was changing my clothes inside my room, when I heard my phone ring. I grabbed it from my dressing table and turned it on speaker mode, para maipagpatuloy ko ang aking pagbibihis. "Ate, hi! Kumusta na kayo ni Enzo diyan?" I greeted.  "We're fine, Am. Ikaw, kumusta ka naman diyan?" Ang mahinhin na bosses ni ate ang aking naring mula sa kabilang linya.  "I'm fine naman. May sinabi nga pala si dad na uuwi na daw kayo." "Yeah, sa makalawa pa ang uwi namin. Pasensya na at hindi ko na sabi sayo, Am. May malaking photoshoot kasi akong natanggap diyan sa Pinas. Naisipan ka na ring ipag diwang diyan ang birthday ni Enzo, para hindi hassle."  "That's great! Pinapasabi nga pala ni mommy na magmadali na kayo sa pag uwi. Miss na miss na nila ang kanilang apo. Are you staying here for good na?" Narinig ko naman ang kanyang pagtawa. "I'm still thinking about it, Am." I nodded as if she was just in front of me. I was about to say something when I heard a loud cry from the other line. "Umiiyak na ang pamangkin mo. I gotta go na, bye!" Natatawa ko namang ibinaba ang telepono. Kasabay ng pag end ng call niya ay ang pagdating naman ng isa pang tawag. My hands were cold when I swiped my phone to receive the call. "Ba't ka tumatawag?" Masungit kong bungad sa kabilang linya. "Your line seems busy." His husky voice rang into my ears. Napasandal na lamang ako sa headboard ng aking kama. "Yeah, my sister called." Why am I explaining to him anyway? Wala naman siguro siyang pakialam. "Ikaw? Ba't ka naman na patawag?" I heard his deep breath. "Nothing, I just miss hearing your voice." Huminto naman ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. Lumalamig na din ang tiyan ko. "You're bluffing." He chuckled. "I'm not." Natahimik naman ako. Pinakinggan ko ang kanyang paghinga sa kabilang linya. "Hey, are you still there?"  "Hmm," "I miss you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD