EPISODE 27 Hindi ako nakagalaw sa kina-uupuan ko nang ilang segundo pagkatapos ng mga pangyayari. Sobrang bilis kasi ng mga ganap at hindi talaga ako nag-expect na dito pa talaga sa lugar na ‘to makikita ko ang ex-girlfriend ni Primo na si Mikana. “I didn’t know Ate Mikana would go back here,” gulat na pahayag pa ni Dos. Lahat kami sa table ay natigilan dahil sa late-surprise ng Butterfly Ball. Kahit si Primo ay nanigas din sa kaniyang kinauupuan habang ito ay nakatitig sa bandang stage kung nasaan nandoon si Mikana. Gusto kong ma-encourage ‘yung sarili ko na hindi magpa-apekto sa mga pangyayari, pero sa bawat pagpatak ng segundo, unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Nasasaktan ako. “Thank you, Harold,” nakangiting pahayag ni Mikana sa host at kinuha na rin ang microphone sabay la

