EPISODE 28 Mga ilang minuto rin akong niyakap ni Primo hanggang sa tumigil na rin ako sa pag-iiyak. Natapos lang ang event na hindi talaga ako okay at na-guilty talaga ako dahil mayroon pa sanang after party pero hindi na iyon natuloy dahil sa akin. Wala rin naman kasi akong ideya sa mga mangyayari. “Tahan ka na, sister-in-law, kahit ano naman ang mangyari ay ikaw naman ang ihaharap ni Kuya sa altar.” Napakaseryoso na ng mukha ko pero hindi ko talaga mapigilang hampasin si Dos nang mahina dahil sa mga kwelang linyahan nito. “Ang dami mong alam, Dos,” usal ko sabay tingin kay Primo na kanina na pala nakatitig sa akin. “Bakit?” “Stop crying, love.” Marahan na nitong pinunasan ang pisngi ko habang nakangiti lang sa akin. “There is no reason for you to cry so stop crying, love.” “Ito na,

