KABANATA 3

1192 Words
EPISODE 3 Napatitig na lang ako kay Primo nang lumapit na ito sa akin. Alam kong delikado 'tong naiisip ko pero gagawin ko kasi talaga ang lahat para kay Leng. "Ikaw si P-primo Buenavista? CEO of Atlantis?" hindi-makapaniwalang tanong pa ni Alexa. Tumango-tango na rin si Primo. "Yes, and I've made a background check for Miss Samara and I found out that you are not her real mother and it seems like you're not treating her nice in this house." "A-ah, h-hindi po, Sir..." Kaagad nang lumapit sa akin si Tita Mae at inakbayan ako. "Medyo pasaway lang talaga kasi 'to si Sam minsan kaya napapagalitan ko." "Yes po, Sir Primo," dagdag pa ni Alexa. Marahan ko na lang na pinunasan ang luha ko dahil napakagaling talaga nilang manloko ng ibang tao para sa kapakanan nila. Impyerno ang naging buhay namin dito ni Leng sa bahay simula nang mawala si Papa ilang taon na ang nakakalipas. Lumapit na si Tita Mae kay Primo sabay yuko sa kaniya. "Sir Primo, hindi naman po sa pag-aano pero bakit naman si Samara ang gusto ninyong kunin?" Kaagad nitong hinatak si Alexa palapit kay Primo. "Nandito naman po ang anak ko na mas hamak naman maganda at sexy keysa diyan kay Samara. Model po itong anak ko at--" "I only want Samara,” malamig na pahayag ni Primo. Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Primo sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na pupunta pa siya rito ngayon dahil kahapon naman ay okay na ang pag-uusap nami. Pero pabor nga sa akin ang pagpunta niya rito ngayon, desperada na rin kasi ako at wala na talaga akong mapupuntahan. “Mayroon akong isang kondisyon para sa’yo,” seryosong saad ko sa kaniya. “Hindi ka sasama, Samara!” Bigla akong hinatak ni Tita Mae at ni Alexa palayo kay Primo. “Hindi kami papayag na kunin mo ‘tong si Samara para lang dito sa isang-daang libo!” sigaw pa ni Tita Mae. Napa-iling na lang ako dahil mukhang kanina ay handa na silang ipamigay ako, pero ngayon na nakita nilang si Primo Buenavista ang may gustong kumuha sa akin, bigla na lang nila itong binawi. Napangisi na lang si Primo at mayroon itong sinabi sa kaniyang abogado. Maya-maya pa ay dinagdagan na ng lalaki ang pera at iniabot kay Tita Mae. “Five million peso check, in exchange for Samara.” “F-five million?!” hindi makapaniwalang asik pa ni Tita Mae at dali-dali na rin itong tinanggap at binitawan na ako. “Sige na, kunin mo na ‘tong pabigat na ‘to.” Itinulak na ulit niya ako na parang gamit na walang-kwenta. Tamang-tama naman na nasa harapan ko lang si Primo kaya sa kaniyang dibdib ako bumagsak. Nagkatinginan kaming dalawa at marahan siyang napangiti sa akin kaya umiwas na kaagad ako at napa-ayos ng tayo. “T-tungkol nga pala sa kondisyon ko bago ako sumama sa’yo…” Hindi kaagad ako naka-recover sa pagtitig niya sa akin kaya nauutal ako habang nagsasalita. “Gusto kong isama ang kapatid ko, si Leng. May sakit siya at kailangan ko ng pera para sa chemo at pagpa-opera sa kaniya.” “Deal. Anything for you, Samara,” tugon sa akin ni Primo. Itinuro ko na siya. “Ikaw, ano’ng kailangang gawin ko sa lahat ng mga ibinigay mong pera sa kay Tita? Ano naman ang kapalit nun?” Hindi naman puwedeng hindi ko malaman ang gusto niya. Itatanong ko na lang dito ngayon lalo na at hindi pa naririnig ng kapatid ko. “Nothing. I just want your presence beside me everyday.” “Iyan lang?” Napataas na ang kilay ko. “Nandito ‘yung abogado mo, oh! Kapag may ginawa ka sa akin na hindi mo sinabi rito ngayon, lagot ka!” Alam kong wala naman akong kalaban-laban dito sa kaniya pero gusto ko lang ma-klaro ang lahat para hindi na ako magulat sa mga susunod na pangyayari. Bilyonaryo siya at kaya niyang gawin anumang oras ang gusto niya pero hindi naman ako magpapatalo sa kaniya. Tumango na siya sa akin. “Your presence is all I want. Everything about you. Can we go now?” “S-sige…aayusin ko lang ang mga gamit namin ng kapatid ko—” “No need for that, we will buy everything for you and your sister.” Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang kay Primo. Hindi ko pa nasasabi sa kapatid ko ang tungkol sa plano ko pero alam ko namang maintindihan niya ito. Kakausapin ko na lang din si Primo na huwag nang sabihin kay Leng ang deal naming dalawa. “Ate, saan po tayo pupunta?” Napatingin na ako kay Leng habang nasa byahe kami. Magkatabi kasi kaming dalawa habang nasa kabila naman si Primo. “Uh, magkakaroon na tayo ng bagong tahanan, Leng. Mas maayos at makakapag-aral ka na rin nang maayos.” “Saan po, Ate? Sa kaniya po ba?” Itinuro na niya si Primo. “Nag-asawa ka na po ba, Ate?” Kahit 13 years old na si Leng ay medyo delay ang kaniyang mentality kaya parang bata pa rin ang utak ng kapatid ko. Pinapaliwanag ko sa kaniya ang lahat ng mga bagay-bagay para hindi siya malito. Napansin ko naman ang bahagyang pagtawa ni Primo bang marinig niya ang sinabi ng kapatid ko. “Yes, Leng. I’m your Ate Sam’s boyfriend. You can call me kuya.” “Hoy, wala naman ‘to sa usap—” “Samara, your words,” pagputol pa niya. Napabuntong-hininga na lang ako at napatango sa kaniya. Tama nga naman si Primo, hindi puwedeng malaman ni Leng ang tungkol sa plano namin dahil ayaw na ayaw ng kapatid ko na gumagawa ako ng kahit ano para lang sa kaniya. Ilang minuto rin ang byahe namin nang makarating kami sa tapat ng isang napakalaking bahay. Nakita ko na ito kahapon dahil dito rin ako dinala pero namamangha pa rin talaga ako sa sobrang laki nito. Hindi man ako tuluyang nakapasok kahapon, dahil sa basement lang ako dinala, alam ko naman na sobrang gara ng bahay na ito sa loob. “Dito po tayo titira, Ate?” “Oo, Leng. Ito ang bahay ni K-kuya mo Primo…” Nagulat ako nang biglang inakbayan ni Primo ang kapatid ko sabay ngiti. “Let’s go, Leng. Let me take you to your new bedroom.” Habang pinagmamasdan ko silang dalawa, hindi ko alam pero napapangiti na lang ako. Nakikita ko kasi ang sincerity sa mga mata ni Primo habang kausap ang kapatid ko. Buong akala ko kasi talaga sa mga mayayaman dati ay matapobre at suplado, pero itong si Primo ay kakaiba. Tumungo na kami sa loob at tumambad sa amin ang lalaking si Mr. Charming. Iyong lalaki na kumausap sa akin kahapon na magaling mag-hack kaya niya na open ang cellphone ko. “Hi, brother!” bati niya kay Primo sabay tingin sa akin. “Oh, you’ve brought some visitors.” “They’re not visitors, Dos. Starting today, they will be living here with us.” Hinatak na rin ako ni Primo palapit sa kaniya. “And Samara is my girlfriend starting today.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD