KABANATA 2

1292 Words
EPISODE 2 Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay sa dami ng iniisip ko. Tumambad sa akin ang dalawa kong step-sister na sila Nathalie at Alexa. Bihis na bihis silan dalawa hanggang sa lumabas na rin si Tita Mae, ang step-mother ko. "Saan po kayo pupunta?" pagtatakang tanong ko sa kanilang tatlo. Inirapan lang ako ni Tita. "We're going to a mall show dahil ay raket 'tong si Alexa, mabuti pa nga siya may ambag dito sa bahay." "Nagbibigay naman po ako buwan-buwan sa inyo—" "Tse! Ang dami mong sinasabi, diyan ka na nga at baka ma-late pa kami," asik pa nito at tuluyan na rin silang umalis. Napa-iling na lang ako dahil ilang taon na akong sakal na sakal sa kanila pero wala naman akong magawa para makaalis dahil hindi naman sapat ang pera ko para magbukod kaming dalawa ni Samantha. "Ate..." Nadatnan ko si Samantha na naka-upo sa salas habang nag-aaral. Nasa Grade 7 na siya ngayon at mabuti naman dahil patuloy lang siyang lumalaban sa sakit niyang cancer. "Leng." Leng kasi ang palagaw ni Samantha simula pa noong bata pa lang siya. Magkapareho kasi kaming Sam kaya para hindi malito si Papa, Leng na lang ang tinawag niya. "Umalis po sila Tita at Ate Alexa, Ate," aniya sabay yakap sa akin. "Nagugutom na po ako pero hindi nila ako binigyan ng pagkain kanina." "Bakit naman hindi?" kunot-noo kong tanong. Nagbibigay ako ng limang-libo kay Tita Mae buwan-buwan para sa pagkain ni Leng dito sa bahay dahil palagi naman akong wala at sa school na ako kumakain. Pumunta na ako sa kusina at tiningnan ang pagkain doon pero ubos na lahat pati kanina at mga natirang mga plato na lang ang nandito na hindi pa nila hinugasan. "B-bibili lang ako ng ulam natin kay Aling Cecille, Leng." Pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak dahil ayokong nakikita ako ng kapatid ko na mahina. Lumabas na ako sa bahay namin tumungo sa tindahan. Bibili na lang ako ng mabilis maluto dahil alam kong gutom na rin si Leng. May ilang daang piso pa naman ako rito. "Aling Cecille, pabili nga po ng meatloaf at dalawang itlog." "Samara, ikaw pala. Siya nga pala, bago ko pa makalimutan, pakisabi diyan kay Mae na ilang libo na ang utang niya rito ha? Kapag hindi pa siya nagbayad ay ipapabarangay ko na lang talaga at kailangan ko rin ng capital para dito sa negosyo ko." Napabuntong-hininga na lang ako sa dami kong iniisip. "Sige po, Aling Cecille, sasabihan ko po si Tita." Pagkatapos kong bumili, umuwi na rin ako at niluto na iyon para kay Leng. Nakakaiyak lang isipin na may sakit ang kapatid ko pero hindi ko magawang mapakain siya ng tamang pagkain na walang salty foods and preservatives. "Ate, may program po kami sa school at kailangan po naming magbayad para sa t-shirt at sa pagkain." Napatingin na ako kay Leng habang kumakain kaming dalawa. "Magkano ba ang kailangan mo, Leng? Bibigyan ka ni Ate." "Ang babayaran daw po ate ay 450." Dinampot ko na ang wallet ko at napatigil na lang ako nang makita ko na nasa 200 pesos na lang ang natitirang pera ko. Wala na rin akong trabaho kaya hindi ko alam kung saan na ako kukuha ng pera ngayon para sa pang araw-araw namin ni Leng. Pilit na lang akong ngumiti sa kaniya. "B-bibigyan na lang kita bukas. Tapusin mo na ang pagkain mo para maka-inom ka na rin ng mga gamot mo.” Tila sinusubukan talaga ako ng mundo ngayon. Pero hindi ako puwedeng sumuko dahil malayo pa bago ko maabot ang pangarap ko. Ang makaalis sa impyernong ito at ang mabigyan ko ng magandang buhay ang kapatid ko. Malayo pa man sa katotohanan ang mga pangarap ko, alam kong maaabot ko sila sa tamang oras. Kinaumagahan, hindi ko na halos namalayan ang oras kaya na-late na ako ng gising. Napuyat kasi ako kagabi sa paghahanao ng bagong trabaho pero wala talaga akong mahanap pa. Pagtingin ko sa relo ko ay pasado alas-syete na ng umaga kaya dali-dali ko na ring ginising si Leng sa tabihan ko dahil may pasok pa ito. “Leng, gising na. Sorry, tinanghali ng gising ang ate.” “Hmm…” Napa-inat na ito at tuluyan na ring bumangon. Mabuti na lang dahil hindi naman pasaway si Leng kapag sa ganitong sitwasyon. Inayos ko na rin ang higaan naming dalawa na maliit na papag pero napansin ko ang ingay sa labas kaya kaagad akong pumunta roon. Nadatnan ko sila Tita Mae at Alexa na nakikipag-usap sa ilang mga lalaki sa labas. Nakasuot ang mga lalaki ng suit habang nakikipag-usap kay Tita Mae na sobrang lapad ng ngiti. “Teka lang ah, at gigisingin ko lang si Samara,” dinig kong pahayag niya. Nang makapasok na si Tita Mae ay gulat na gulat ako nang makita ako. “Samara, Iha, gising ka na pala.” “Bakit, ano po ba ang meron, Tita?” pagtatakang tanong ko sa kaniya. “Bakit po may mga lalaki sa labas ng bahay natin?” Hinawakan na ni Tita Mae ang kamay ko sabay ng ngiti sa akin. “Ano kasi, uh, alam mo naman na malaki ang utang ng Papa mo bago siya nawala at ako lahat ang nagbabayad buwan-buwan…” “Oh, tapos po?” “Nag-offer kasi ‘yung lalaki sa labas na kunin ka muna pansamantala at binigyan niya ako ng pera. Ito oh…” Ipinakita na niya sa akin ang isang sobre na may sobrang kapal na pera. “Malaking tulong ‘to para sa atin at nang mabayaran ko na lahat ng utang—” “Seryoso po kayo, Tita?! Parang sinabi n’yo na rin na ibenta ako para sa pera na ‘yan!!” Hindi ko na napigilan ang galit ko dahil sobra-sobra na ang ginagawa niya sa akin. Alam kong hindi niya kami gusto simula pa lang ni Leng pero hindi ko naman akalain na kaya niya akong ibenta sa iba para lang sa pera niya. “Huwag ka nang maraming sinasabi, Samara, para rin naman ‘to sa atin! Isa pa, hindi naman panghabang-buhay ‘yan, e. Parang collateral ka lang sa lalaking iyon.” Marahas na niya akong kinaladkad palabas ng bahay. Tumambad sa harapan ko ang isang lalaki na pamilyar sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. “Ito na po siya, Sir, si Samara po,” usal ni Tita sa lalaki. Bumuhos na lang ang mga luha ko sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Noong umulan yata ng swerte ay nakatulog ako kaya ni-isang swerte ay wala manlang pumapasok sa buhay ko. “Huwag ka nang magmatigas kasi, Samara, pasalamat ka pa nga at may gustong bumili sa’yo kahit hindi ka naman sexy,” saad din ni Alexa. Marahas pa rin ang paghawak sa akin ni Tita Mae kaya hindi ako makawala. “Sumama ka na kay, Sir, tingnan mo, mukhang bata pa naman siya at aalagaan ka niya.” “I’m sorry but I’m not the one who’s asking to take Miss Samara.” Napatingin na kami sa lalaki. Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito pero napa-isip din ako lalo na at hindi ko naman siya kakilala. “Hindi, ikaw? Sino?!” usal ni Tita at doon pa lang ako binitawan. “Si Sir Primo Buenavista po, I am his lawyer.” Ano?! “I’m going to pay ample amount of money just to get Miss Samara Montereal.” Lahat kami ay napasulyap sa nagsalita sa puting van at doon ko nakita ang lalaking nagpa-kidnap sa akin kahapon. Totoo nga, siya si Primo Buenavista. Bumaba na ito sa sasakyan sabay lapit na rin sa akin. “Samara, will you come with me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD