EPISODE 13 “Uy, thank you kanina ah, hindi ko alam kung paano patitigilin ang dalawang ‘yon kung hindi ka pa nakisingit,” usal ko kay Dos habang naka-upo kami rito ngayon sa veranda. Pagkatapos kasi naming kumain kanina kasama si Doctor Jay, nawala na sa mood si Primo kaya umuwi na lang kaagad kaming apat. “Kuya Primo is being unreasonable, sister-in-law,” tugon pa nito sa akin sabay iling. “Noong sila pa namang dalawa ni Ate Mikana hindi naman siya ganiyan ka possessive, pero pagdating sa’yo, he’s way too jealous and controlling.” “Hmm…ano ba ang meron kay Doctor Jay bakit siya galit dun?” tanong ko pa. Dos just shrugged at me. “Kuya Jay is actually a nice person. Nagkataon lang talaga na pareho sila ng gustong babae kaya nagkaroon ng conflict.” Napabuntong-hininga na lang ako dahi

