EPISODE 14 Dahil break time ko ngayon for 15 minutes galing sa shift ko, napa-check na ako sa cellphone ko at mayroon na namang mga sinend si Primo sa akin na pictures ni Leng habang nag-aaral ito sa bahay. I can’t help not to smile dahil ramdam ko talaga na mahal din ni Primo ang kapatid ko. “Oh, bakit nakangiti-ngiti ka diyan? Naka-score ka lang kay Fafa Primo, ang lapad na ng ngiti mo.” Napatingala na ako kay Trixie na nasa harapan ko na pala. “Hoy, ‘yang bunganga mo ang ingay-ingay. Marinig nga tayo ni Dos, aasarin na naman ako nun.” “Pero seryoso, Sam, baka mabuntis ka niyan, ha?” “Anong mabuntis? Wala namang pumasok,” usal ko pa sa kaniya. Hininaan ko lang talaga ang boses ko lalo na at nasa nurse’s station pa naman kami at kahit saan ay mayroong CCTV. Ayoko namang may makari

