EPISODE 15 Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa daming errors ko kanina habang nasa operasyon. Mabuti na lang dahil naging successful ang operation at wala namang nangyaring masama sa pasyente. “Are you really that dumb, Samara?” Napayuko na ako sa harapan ni Doktora Mathilda nang makabalik kami sa station pagkatapos ng operation. “I’m really sorry, Doc, hinding-hindi ko na po uulitin—” “You stupid! Get out of my sight!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dali-dali na lang na tumakbo papunta sa restroom ng hospital. Doon na lang ako napahagulhol habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. I felt like a total disappointment na hindi ko manlang kayang maging kalmado kanina habang nasa operasyon kami. We were taught to be calm during any situation pero habang kah

