KABANATA 5

1662 Words
EPISODE 5 Habang nasa byahe kaming dalawa ni Primo papunta sa school ko, hindi ko mapigilang mapangiti sa naging turn-out ng buhay ko. Parang noong isang araw lang ay namomroblema ako kung paano ko itataguyod ang kapatid ko, pero ngayon, ito na, I’m having the best life we could get. “Primo, salamat sa lahat, ah…” mahinang pahayag ko sabay tingin sa kaniya. “It was nothing, Sam. You know why I did that, right?“ Tumango na ako sa kaniya sabay ngiti. “Oo nga pala. Kamukha ko ang girlfriend mong si Mikana. Uh, pwede magtanong?” “Sure, go ahead.” “Nasaan na ba ‘to ngayon ang girlfriend mo, bakit mo hinahanap?” Curious lang kasi ako dahil na-kidnap ako nang wala sa oras dahil napagkamalan akong si Mikana. Ibig sabihin, hinahanap niya talaga ang kaniyang girlfriend para bumalik lang sa kaniya. “She left me after knowing about my real identity,” malungkot na saad ni Primo. Tumango-tango na lang ako dahil wala naman akong karapatang magtanong tungkol sa personal niyang buhay. “Ah…nag-aaral din ba siya katulad ko?” Napa-iling na siya sa akin. “She’s a nurse in New York. I told her to stop working and stay with me here but she rejected it.” “Ay, pareho po pala kami. Pero ako magiging pala, siya ay successful na tapos New York pa. Nako, Sir, kapag po kasi ang isang babae ay mataas ang pangarap, hindi po talaga iyon magiging submissive kahit mahal niya pa ang isang tao,” paliwanag ko pa sa kaniya sabay ngiti. “Ako po, sinabihan na rin ako ng ex ko dati na huwag na lang mag-aral dahil kaya niya akong buhayin pero hindi po ako pumayag. Kaya ayon po, ipinagpalit niya ako sa step-sister ko.” “That Alexa one?” “Ay, hindi po, ‘yung isa pa po, e.” Napadungaw na ako sa labas at hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng paaralan ko. “Nandito na po pala tayo. Salamat po sa paghatid, mauna na ako.” “Wait, Samara.” Akma ko na sanang bubuksan ang pinto pero napalingon naman kaagad ako. “Bakit po?” May inilabas nang pera si Primo galing sa kaniyang wallet at binigyan ako ng ilang libo. “Here, buy everything you want.” “Nako, hindi na po. Kasya po ‘tong pera ko sa pagkain ko,” usal ko sabay iling sa kaniya. “Itago n’yo na lang ho ‘yan at baka maubusan pa kayo ng pera sa susunod na mga linggo.” “Just…for your emergency money.” Iniabot na niya ito sa kamay ko. “Call me if you need something.” Bahagya na lang akong napangiti. “T-thank you po…” Lumabas na rin ako sa sasakyan niya at pinagmasdan na lang itong umalis. I’ve never been treated like this before kahit pa ang ex-boyfriend ko ay hindi ganoon sa akin. “Hoy, Samara Athena Montereal! Ano’yon?!” Halos mapalundag ako sa gulat nang tumambad sa harapan ko si Trixie. “Grabe ka naman kung makagulat!” “Sagutin mo muna ang tanong ko, ano ‘yung sports car na humatid sa’yo? Siya na ba ‘yon?” sunod-sunod pa niya tanong sa akin. “Mamaya ko na i-kwento sa’yo at late na tayo kay Prof. Magdalen.” Hindi na nagreklamo sa akin si Trixie at kaagad nang tumungo sa klase namin. Malapit na rin kasi ang internship namin kaya kailangan nang matapos itong mga pending schoolwork. Pagkatapos ng klase namin, tumungo na kaming dalawa ni Trixie sa canteen para kumain. Habang pumipila kami roon, panay ang vibrate ng cellphone ko kaya napatingin ako roon. Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Primo. Napangiti ako nang makita ang mga si-nend niya, mga pictures ni Leng habang nasa homeschool ito kasama ang kaniyang teacher. Alam kong nasa trabaho ngayon si Primo kaya paniguradong nagpa-picture lang ito sa kung sino man ang nasa bahay niya ngayon. “Sam, ex mo papalapit—oh bakit ka ngiting-ngiti riyan?” “Ha?” Napatingin na ako kay Trixie. “Anong sinabi mo?” Inirapan niya na lang ako at kinuha na ang order naming empanada at softdrinks. “Asus! Kinikilig ka lang diyan sa kausap mo sa cellphone, e. Ang sabi ko, si Bryan papunta sa direksyon natin.” “Hindi naman, nag-send kasi si—” “Hey, Sam!” Napatigil kaming dalawa sa paglalakad ni Trixie nang humarang sa harapan ko si Bryan. Ang ex-boyfriend ko na ipinagpalit ako kay Nathalie na step-sister ko. “Ano’ng kailangan mo?” iritadong tanong ko sa kaniya. “I just want to ask how you’re doing…” “Kapal naman ng mukha mo—” Pinigilan ko naman kaagad si Trixie dahil ayokong magkaroon na naman ng problema. “Trix, ako.” Napatingin na ako nang seryoso sa kaniya. “Break na tayo kaya hindi mo na dapat ako kumustahin pa, Bryan. Isa pa, baka makita na naman ako rito ni Nathalie mamaya at masabunutan na naman ako kaya pwede ba, lumayo ka na lang.” “Sam, please, kausapin mo muna ako. Kaya lang naman kita iniwan—” “Ayokong marinig ‘yan, keep that to yourself,” pagputol ko sa kaniya at hinatak na rin si Trixie palayo. Buong maghapon kaming tumigil sa laboratory dahil sa preparation namin for our internship. Hindi pa nga ako nakakapagsukat ng uniform namin kaya pumila na lang muna kaming dalawa ni Trixie sa loob. “Ang haba naman ng pila, Sam, uwi na lang kaya tayo?” Marahan kong hinampas si Trixie sa balikat sabay tawa. “Kanina pa tayo rito, oh. Ngayon pa ba tayo aalis?” “Sabagay…pero nakaka-inip na kasi.” Humarap na ito sa akin. “Kwentuhan mo na lang ako tungkol kay Primo Buenavista. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala sa’yo, Sam. Parang sa balita ko lang naririnig ang Primo na ‘yan pero ngayon boyfriend mo na—” “H’wag kang maingay!” Tinakpan ko kaagad ang bunganga ni Trixie. “Alam mo naman na dahil kay Leng kaya ako pumayag. Isa pa, kaya lang naman ako hinahabol ni Primo dahil kamukha ko ang girlfriend niya na iniwan siya.” Napatili na si Trixie. “Pero malay mo, Sam, hindi na bumalik ‘yung girlfriend niya at sa’yo na siya mahuhulog. Gaga, Primo na ‘yan, Sam, kinakabaliwan ng lahat at sobrang yaman. Aayaw ka pa?” “Sira ka, malapit na tayo sa pila kaya tumigil ka na diyan.” Makalipas ang halos sampung minuto ay nakapag-pasukat na rin kaming dalawa ni Trixie ng bagong uniform namin para sa duty next week. Mabilis lang naman ito kaya wala namang problema kahit medyo ma-late na sa pagpasukat. Isa pa, ngayon lang ako nakapunta rito dahil wala pa naman akong pambayad sa uniform ko, mabuti na lang at binigyan ako ni Primo ng pera. “Una na’ko sa’yo, Sam, hinahanap na kasi ako ni Daddy at pupunta pa kami ng bahay ni Mamita.” “Oh, sige na, uuwi na nga rin ako,” sagot ko pa kay Trixie at nagbeso na rin sa kaniya. Marahan niya akong hinampas sa pwet sabay ngiti sa akin. “Wait mo lang si Daddy Primo at parating na ‘yon.” Napatakbo na rin kaagad ito. “Tse! Ang ingay mo!” Natawa na lang ako sa kaniya sabay iling at umupo na lang muna rito sa labas ng paaralan para hintayin ang driver na susundo sa akin. “Thank God, I found you!” Tumingala na ako at napa-irap nang makita si Bryan na nasa harapan ko na naman. Tumayo na ako at akma na sanang aalis pero hinawakan naman ni Bryan ang braso ko. “Please, Sam, just this once, listen to me.” “Listen to you?!” asik ko sa kaniya. “Noong mga panahon ba na kailangan kita sumulpot ka ba? Hindi ba at nasa bahay ka na nakikipaglandian kay Nathalie habang nasa trabaho ako na nilalagnat? Ang kapal din ng mukha mo, ah!” Ayoko na talaga sanang sabihin pa kay Bryan lahat ng hinanakit ko sa kaniya pero hindi ko na napigilan ang sarili ko ngayon. Mahina lang ang boses ko pero alam kong dama niya ang galit ko sa kaniya. “I’m really sorry for everything, Sam…I know it’s all my fault.” “Hayaan mo na, tapos naman na ang lahat, e,” usal ko sabay ngiti sa kaniya. “Sana maging masaya kayong dalawa ni Nathalie.” Masakit para sa akin sabihin ‘to dahil si Bryan ang first boyfriend ko. Siya rin ang first love ko pero ayoko nang bumalik sa relasyon na hindi manlang ako nirespeto bilang girlfriend niya. Hinawakan na niya ang kamay ko. “I still love you, Sam. Please, let me fix everything—” “What are you doing with my girlfriend?” Laking gulat ko na lang nang mayroon nang nagsalita sa likuran ko. Nang lumingon ako ay nakita ko ang seryosong mukha ni Primo habang nakatingin sa kamay naming dalawa ni Bryan. “Primo, ano’ng ginagawa mo rito?” giit kong tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot at naglakad sa unahan ko sabay kuha ng kamay ko kay Bryan. “You are not allowed to touch my girlfriend’s hand.” “You’re Primo Buenavista, right?” tanong pa ni Bryan sa kaniya. “We’ve met in the Gala Event last month, I’m the son of the owner of Valderama Hotels.” “But you should always know your place,” usal pa sa kaniya ni Primo. Nangunot na ang noo ni Bryan sabay tingin sa akin. “You have a boyfriend, Sam? This guy right here is your boyfriend?” “O-oo! Boyfriend ko nga siya kaya layuan mo na ako!” Medyo napataas ang boses ko kaya halos lahat ata ng mga estuyante na malapit lang sa amin ay napatingin na. Patay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD