EPISODE 6
Napayuko na lang ako at kaagad nang hinatak palayo si Primo pabalik sa kaniyang kotse. Nasasaktan man ako sa naging ending namin ni Bryan pero kailangan ko nang tapusin ang lahat para tumahimik na rin ang buhay ko.
Habang nasa loob kami ng sasakya ni Primo ay tahimik lang kaming dalawa.
“S-sorry po kung kinaladkad ko kayo nang walang paalam sa labas…” mahinang sambit ko.
“It was actually a good thing that you did that so that guy won’t bother you anymore,” nakangiting sambit pa ni Primo. “I didn’t know he was your ex, Sam. I’m really sorry for bugging you back there.”
Ngumiti na ako sa kaniya. “Wala po ‘yon. Ayoko na rin kasi siyang maka-usap kaya mabuti na rin na dumating kaagad kayo para sunduin ako.” Kaagad kong naalala na hindi pala dapat si Primo ang susundo sa akin kung hindi ang driver niya. “Ay, akala ko ba ang driver po ninyo ang pupunta rito para sunduin ako?”
“I got off my work earlier today and I don’t have anything to do naman so I thought of just fetching you from school,” aniya habang nakangiti.
Kilala si Primo Buenavista bilang ilang seryoso at may malamig na personalidad. Pero ngayong kasama ko na siya, unti-unti kong nakikilala ang totoo niyang pagkatao—kung sino talaga siya and what he’s capable of.
Pasado alas-singko y media ng hapon nang makarating kami sa bahay niya. Hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang mansiyon na kami nakatira ng kapatid ko. Ang saya lang sa puso na may peace of mind ako rito habang doon sa bahay ay puro p*******t at sigaw lang ang nakukuha ko araw-araw.
“Hey, bro! Hey, sister-in-law!”
Tumambad sa harapan namin si Dos habang may dala-dala itong ipad habang nakasunod naman sa likuran niya si Leng na may dalang bagong cellphone kaya nagtaka ako.
“Saan galing ‘yan, Leng?”
“Bro bought that for her earlier, sister-in-law,” tugon pa ni Dos. “Hayaan mo na, nag-eenjoy naman ang bata pero nag-aaral naman siya nang mabuti.”
Ibinaling ko na ang tingin ko kay Primo. “Hindi n’yo na po dapat binilhan si Leng ng cellphone. Ang laki na po ng naitulong n’yo sa amin—”
“You know I’ll always do everything for the both of you so just let her be, Sam. Actually…” May iniabot na rin siyang box sa akin. “I bought you a new cellphone, too.”
“Ay, hindi na—”
“Tanggapin mo na, sister-in-law, kapag hindi mo ‘yan tinanggap ay sa trash can lang ang punta niyan,” usal pa sa akin ni Dos.
Kinuha ko na lang ito at ngumiti na sa kaniya. “Maraming salamat po…”
“Senyorito Primo, nasa labas po ang mga magulang ninyo.”
Napalingon na kami sa isa sa mga kasambahay rito na nagsalita. Bigla naman akong kinabahan dahil baka magalit sa akin at hindi ako magustuhan ng mga magulang niya. Kaagad kong hinawakan si Leng sa braso. “P-papasok na lang po kami sa loob at baka makaabala pa po kami sa inyo.”
“No, Samara,” pagpigil pa sa akin ni Primo. “This is the right time for you to be introduced to my family. Don’t go anywhere.”
Hindi ako nakareklamo kay Primo kaya inayos ko na lang muna ang sarili ko at nakakahiya naman kapag nakita ako ng mga magulang nito, pagkatapos ay mukha akong dugyot.
“Primo! My son!”
Isang napakagandang babae na nasa mid-60’s ang pumasok sa loob ng bahay kasama ang kaedad niya lang din na lalaki na kamukhang-kamukha ni Primo. Nakatayo lang ako sa gilid ni Primo habang hawak-hawak ang kapatid ko na panay ang ngiti.
“Mom, Dad.”
“Oh my gosh!” biglang napatigil ang mommy ni Primo nang makita niya ako. “Mikana!? I thought you guys already broke—”
“Mom, chill, that’s not Mikana…” Marahan na akong hinawakan ni Primo sa beywang. “I’d like you to meet Samara and her sister Samantha but you can call her Leng.”
Tila ba gulat na gulat ang mommy ni Primo sa mga sinabi niya. Kaagad na hinampas nito si Primo sa bandang balikat. “Are you insane?! Mikana already left, why are you making some illusions for this kind of replicate? She’s not even on Mikana’s level—”
“That’s enough, Mom, you’re disrespecting, Samara, and you’re disrespecting me,” giit pa sa kaniya ni Primo.
Nakayuko lang ako rito habang naninigas sa kinatatayuan ko. Liit na liit ako sa sarili ko dahil tama nga naman ang mommy niya. Walang-wala ako sa Mikana na ‘yon kahit pa na hindi ko pa siya nakikita.
“That’s enough for the two of you!”
Isang malaking boses ang namuo sa buong bahay. Nagsalita na rin ang daddy ni Primo at lumapit sa kinaroroonan namin.
“Stop fighting for some petty things,” anito sabay tingin sa akin. “I’m really sorry for what my wife has said to you, uh, Scarlet?”
“Samantha po,” pagtama ko sa kaniya.
Bahagya itong napangiti sa akin. “Yeah, Samantha. My son is a good man so you have nothing to worry about.”
“T-thank you po…” nakangiting tugon ko rito.
Mabuti na lang dahil hindi naman galit sa akin ang daddy ni Primo kaya kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kanina kasi sa mga sinabi ng mommy niya ay napasikip ang paghawak ko sa kamay ni Leng dahil akala ko mapapalayas na kami rito.
“If everything is settled, let’s have our dinner then.”
Habang nasa hapagkainan na kaming lima, sinusubukan ko talagang hindi makipag-usap sa kanila para wala akong maling magawa. Pawang tungkol lang naman sa negosyo ang mga pinag-uusapan nilang tatlo. Nakakalungkot lang dahil parang may kapalit talaga kapag mayaman ka, ang pamilya ay lumalaki ang agwat.
“Wait, where is Dos?”
“Nasa kwarto niya po si Senyorito Dos, Madam,” sagot ng isa sa kasambahay na si Ate Maricel.
Napasinghal na lang ang mommy ni Primo. “That kid. Is he even still studying?”
“He only have an internship and few lectures left, right?” tanong pa ng daddy ni Primo.
Ngayon ko lang nalaman na nag-aaral pa rin pala si Dos. Pero hindi ko naman siya nakitang nag-ayos kaninang umaga para pumasok sa school o baka late lang talaga siya umaalis.
Tumango na rin si Primo. “Yes, dad. He’ll be graduating this year.”
“That’s great! Dos can actually come with me after passing the NLE and work in our hospital after that so he can help me.”
“You’ve been always forcing your sons to be like you, Mathilda,” pahayag ng daddy ni Primo. “You’ve forced Primo to take Medicine after his masters in Finance. And now, Dos?”
Tumigil na sa pagkain si Primo sabay harap sa kanila. “That’s enough, Mom, Dad. I’m already one of the most successful CEO right now so there is nothing to argue about.”
Napatingin kaagad ako kay Primo dahil hindi rin ako makapaniwala na maliban pala sa pagiging CEO, isa rin siyang Medicine graduate. Napakahusay niyang lalaki sa edad niya.
“What about you, Hija? Samara, what is your work right now?”
Bahagya na akong napatingala dahil sa pagtanong sa akin ng daddy ni Primo. “Uh, n-nag-aaral pa po ako, Sir. Fourth year college po, nursing.”
“Oh, just like Mikana…” ani ng mommy ni Primo kaya napatigil na lang ako.
“That’s nice, Hija. Keep up to good work until you graduate. Magkasabay lang din pala kayong dalawa ni Dos.”
Ngumiti na lang ako sa daddy ni Primo. “Opo, Sir, sana nga po.”
Alam ko naman na hindi ako gusto ng mommy ni Primo kaya hindi ko na lang pinahaban ang usapan. Pagkatapos ng dinner namin, nagpaalam na rin ang mga magulang nito kaya doon na lang ako nakahinga nang maayos.
“I’m really sorry about what happened earlier, Sam. Mom’s actually a good person but I think she was just stressed at the moment.”
Napakaway na ako sa hangin habang nakangiti lang kay Primo. “Wala po ‘yon, naiintindihan ko naman siya, e. Sige po, mag-aaral muna ako at may RLE pa kami bukas.”
“Go ahead.”
Lumabas na muna ako sa kwarto namin para bumaba. Nadaanan ko naman na bukas ang kwarto ni Dos kaya napatigil ako roon at napatingin sa ginagawa niya. Dahil sa set up nito ay na-realize ko na isa pala siyang streamer. Aalis na sana ako para hindi ko na siya maabala pero nakita na niya ako bago pa man ako makalakad.
“Uy, sister-in-law!”
“A-ah, Dos, pasensiya ka na ha, hindi ko naman sinasadyang mapatingin—”
Tinapik na niya ako nang mahina sa balikat. “Ano ka ba, para ka namang others. Sister in law na kaya kita kaya hindi ka na dapat pang mahiya sa’kin.”
“Sira, alam mo naman na deal lang ‘to ang lahat sa aming dalawa ng Kuya mo. Baka nga kapag bumalik na ‘yung girlfriend niya ay umalis na rin kami rito.”
“Sus! Hindi ka na pakakawalan ng kuya ko, Sam.” Bahagyang sumseryoso ang mukha ni Dos. “Kilala ko ‘yon si Ate Mikana. Kapag ayaw na nun, aalis na talaga siya at iyon nga ang nangyari. Kay Kuya naman ngayon, hindi ka niya kinuha sa inyo dahil may deal kayo, alam ko kung paano tumingin si Kuya sa’yo at alam ko rin kapag ay gusto o wala siya sa isang babae.”
Mga ilang segundo rin akong napatigil sa sinabi sa akin ni Dos pero maya-maya pa ay hinampas ko na lang din ito sa balikat. “Siyempre naman mapapatingin talaga ang kuya mo sa akin, no. Kamukha ko kaya ang girlfriend niya. Tara na lang, samahan mo akong mag-aral at nalaman ko sa mga magulang mo na graduating ka rin pala sa Nursing.”
“They mentioned that?” Napabuntong-hininga na si Dos sa akin. “Wala pa naman sana akong balak sabihin ‘yan sa’yo.”
“Oo, ha,” natatawang tugon ko na lang sa kaniya. “Tara na para naman may kasama akong mag-aral. Sa susunod ka na maglaro diyan.”