EPISODE 7
“Name and block?”
“Samara Montereal po, block 1.”
Kasalukuyan akong nasa enterprise habang naghihintay ng uniform ko para sa duty namin. Bago na kasi ang isusuot namin ngayon unlike noong nasa third year college kami.
Iniabot na sa akin ng working student ang uniform ko. “Here’s your uniform. Paki-check na lang it tama lahat ng ‘yan.”
“Thank you. Uh, pwede ko rin po bang makuha ang uniform ng kaibigan ko? Trixie Dumali po.”
“Ay, hindi pwede, e,” anito sabay iling na sa akin. “Kailangan talaga ng student na pumunta rito para makuha niya ang uniform.”
“Ah, sige. Thank you!”
Umalis na rin kaagad ako dahil baka ma-late pa ako sa RLE namin at mapagalitan ng clinical instructor ko. Ngayon din kasi ang araw naia-assign kami sa magiging hospital na pagtatrabahuhan namin.
“Sam! Sam!”
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa loob ng room namin nang marinig ko ang boses ni Trixie. Nilingon ko na ito sabay kaway sa kaniya. “Trix, puntahan mo na ‘yung uniform mo sa enterprise. Hindi kasi pwede na ako ang kumuha.”
“Ay, talaga, Sam?” nakangiwi nitong pahayag. “Sige, mauna ka na lang pala at kukunin ko lang dun.”
“Sige, sige, bilisan mo lang at baka mapagalitan tayo ni Doktora.”
Tuluyan na rin akong pumasok sa loob ng room namin at mabuti na lang dahil wala pa ang instructor namin. Makalipas ang ilang minuto, nakabalik na rin si Trixie sa room bago pa man dumating ang CI namin.
“I will now be announcing your respective hospitals. Alegro, SMH. Azcura, SMH. Azvaldez, CBH…”
Habang palapit nang palapit ang pangalan namin ni Trixie ay kinakabahan ako. Gusto ko kasi talagang magkasama kaming dalawa sa duty dahil kahit na kwela ako at palakaibigan mas iba pa rin kapag kasama mo ang best friend mo sa duty lalo na at inaabot kayo palagi ng madaling araw.
“Trix, ikaw na ang susunod,” usal ko sa kaniya sabay yugyog sa balikat nito. “Sana magkasama tayo…”
“Lorenzo, SJH. Montereal, SJH.”
“Yes!”
Bigla akong napatayo sabay bulyaw kaya napatingin lahat ng mga kaklase ko sa akin pati na ri si CI. Napangiti na lang ako nang marahan at napabalik na ng upo sa desk ko. “S-sorry po…”
“Oh my gosh! Magkasama tayo sa huling semester natin na duty, Sam!” mahinang usal sa akin ni Trixie. Nag-celebrate na lang kaming dalawa nang mahina dahil magkasama kami ng hospital na pagdu-duty-han.
Pagkatapos ng klase namin, umuwi na lang kaagad ako dahil wala naman nang pasok sa hapon at last day na namin sa mga lectures ngayon dahil friday. Sa lunes naman ang resume ng duty kaya pahinga ako ng dalawang araw.
Nang makalabas na ako ng school, tumambad sa akin si Dos habang nakangiti na nakasandal sa sasakyan nito. Halos lahat din ng mga babae na nandito sa labas ay nakatingin sa kaniya kaya napa-iling na lang ako.
“Si Dos Buenavista ba ‘yan?”
“Grabe! Ang pogi niya!”
“Bakit kaya siya nandito sa school natin? May girlfriend kaya siya rito?”
Iba’t-ibang mga bulungan ang naririnig ko sa buong paligid kaya parang gusto ko na lang tumakbo para hindi ako madamay sa kalokohan ng lalaking ‘to.
“Hi, sister-in-law!”
Dali-dali akong lumapit kay Dos dahil napakalakas ng boses nito. “Hoy, ang ingay mo! Alam mo naman na ang daming nakakakilala sa’yo. Bakit ka ba nandito?”
“Chill, sister-in-law,” natatawang pahayag nito sa akin sabay pasok na naming dalawa sa sasakyan niya. “Pinasundo ka sa akin ni Kuya dahil busy pa siya sa trabaho and he can’t get here as soon as possible. Besides, wala na rin akong pasok dahil may duty na next week.”
“Ah, kaya pala…” Napatingin na ako kay Dos nang may maalala ako. “Siya nga pala, saang hospital ang duty mo? May naka-assign na rin kasi sa amin, e.”
“Our hospital.”
Nanlaki ang mga mata ko sabay tingin na sa kaniya. “May sarili kayong hospital!?”
“You didn’t know?” He chuckled at me. “It was my mom’s business. Her family owns a big hospital in New York kaya nga nagkakilala si Kuya at si Ate Mikana since family friends sila.”
Ang buong akala ko lang kasi ay mayroon silang kompaniya at mga hotels. Pero hindi ko naman alam na mayroon din pala silang mga hospital.
“Ah, kaya pala. Ako kasi sa St. Joseph ang duty ko simula next week.”
Nagulat na lang ako nang mapatawa si Dos sa akin habang nasa byahe kaming dalawa pauwi. “That’s exactly our hospital, sister-in-law. You’re too lucky, magkasama tayo sa duty.”
“Kayo ang may-ari ng hospital?”
Napatango na lang siya sa akin bilang tugon.
Parang ang dami-dami ko pa talagang hindi alam sa pamilya nila. Hindi ko nga rin alam na ganito pala talaga sila kayaman. Naintindihan ko na kung bakit pinag-medicine si Primo ng mommy niya dahil pala marami itong mga hospitals kahit sa New York.
Napapa-isip tuloy ako sa sinasabi ni Primo na rason ng Mikana na iyon kaya iniwan siya. Ano pa kaya ang tinatago ni Primo na identity maliban sa kaniyang pagiging mayamang CEO at Doktor?
Nang makarating na kami sa bahay nila Primo, nadatnan ko si Leng na nag-aaral pa rin kasama ang kaniyang teacher. Alas dose kasi ng tanghali natatapos ang kaniyang klase at mabuti naman dahil attentive naman ito. Nagtanghalian na lang din kami pagkatapos at nagulat na lang ang lahat sa bahay nang biglang umuwi si Primo.
“Brother, ang aga naman ng uwi mo today,” usal sa kaniya ni Dos.
Katatapos lang kasi naming kumain kaya dito na muna kami tumambay sa sala at biglang tumambad sa harapan namin si Primo.
“I’ve left something here,” anito sabay deritsong naglakad paakyat sa kaniyang kwarto.
Napansin ko na medyo iba ang mga mata ni Primo kaya nagtaka ako. Lumingon kaagad ako kay Dos sabay kalabit sa kaniya. “Okay lang ba ‘yung kuya mo, Dos?” pagtatakang tanong ko pa.
“Hindi ko nga alam, puntahan mo nga ‘yon, sister-in-law. Hindi naman kasi ‘yon umuuwi palagi rito nang ganitong oras.”
Tumayo na ako at umakyat na rin papunta sa kwarto niya. Nang makarating ako sa pinto ay dahan-dahan akong kumatok pero walang sumasagot sa akin kaya napag-isipan ko na lang na pumasok na tumambad sa akin si Primo na nakahiga na sa kama niya habang may suot pa itong sapatos.
“Primo?” mahinang tawag ko sa kaniya. “Okay ka lang ba?”
Wala akong sagot na natanggap sa kaniya.
Nilapitan ko na lang ito at nang hawakan ko siya ay halos mapaso ako sa sobrang init ng katawan nito. Ang taas ng lagnat niya kaya kaya dali-dali kong hinubad ang kaniyang sapatos pati na rin ang kaniyang corporate suit hanggang sa sando na lang at slacks ang natitirang suot nito.
“Diyos ko naman, Primo! Ang yaman-yaman mo na pero hindi mo manlang maalagaan ang sarili mo,” mahinang sambit ko habang inaalis ang kaniyang neck-tie.
Kumuha na kaagad ako ng towel sa CR at binasa na ito sabay punas sa buong katawan niya bago ko pa man nilagay sa kaniyang noo. Naaawa nga ako sa lalaking ‘to dahil puro trabaho lang ang inaatupag niya at halos napapabayaan niya na rin ang kaniyang sarili.
Napahinga na lang ako nang malalim habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Primo habang natutulog ito. “Ang pogi mo, ‘no? Hindi ko akalain na makikita kita nang ganito kalapit at makakatabi sa pagtulog. Pero alam ko naman na may hangganan ang lahat ng ‘to kaya hindi dapat ako masyadong lumapit sa’yo…”
Nagulat ako nang bigla akong hinatak ni Primo palapit sa kaniya at sa ilang segundo pa ay biglang naglapat ang mga labi naming dalawa. Ang init-init ng katawan nito pero hindi ko alam kung paano ako bibitaw. Dahan-dahang gumagalaw ang mga labi niya hanggang sa naipasok na niya ang kaniyang dila sa bibig ko.
“Hmm…” mahinang ungol nito.
Hindi ko akalain na siya ang magiging unang halik ko. Mahal ko si Bryan pero ni-minsan hindi pa kami nagkahalikan dahil madalang lang naman kaming magkasama na kaming dalawa lang. Wala rin akong ideya na si Primo pa ang unang lalaking makahalikan ko.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon, mali itong ginagawa namin kaya pilit akong nagpumiglas hanggang sa makaalis na ako sa mga bisig nito sabay pahid ng labi ko.
Hindi ako puwedeng mahumaling sa’yo Primo…hindi puwede.