EPISODE 8
Kabado akong lumabas sa kwarto ni Primo pagkatapos naming magkahalikan. Sana naman ay hindi niya iyon maalala dahil halata naman kaninang nananaginip siya nang ginawa niya iyon.
Tumungo kaagad ako sa sala sabay lapit kay Dos para magtanong tungkol sa kapatid niya. "Dos, s-si Primo ba, mabilis lang makatulog?"
"Uh, yes. Minsan nga kaya niyang makatulog kaagad kahit na kakahiga niya pa lang lalo na kapag pagod siya." Tumayo na si Dos sabay tapik sa akin. "Bakit, sister-in-law? Tulog ba siya ngayon?"
Tumango-tango na lang ako. "A-ano kasi, may lagnat 'yung kapatid mo kaya nilagyan ko na lang siya ng towel sa ulo. Pero kailangan niya kasing uminom ng gamot pero natatakot naman akong gisingin siya."
Primo can be really scary naman kasi talaga at times—he's dominant and may pagka-repulsive sa nakikita ko. Bahagyang sweet at submissive lang talaga siya sa akin ngayon dahil nga kay Mikana.
Halos dalawang oras din akong naghintay bago magising si Primo. Binantayan ko lang siya rito sa kwarto niya habang nagbabasa ng mga readings ko sa RLE kaya hindi naman ako gaano nabagot dito sa loob.
"Sam..."
Dali-dali akong napatigil sa ginagawa ko at kaagad na lumapit kay Primo. "B-bakit po?"
"Come here..."
"P-po?"
"Can I give you a hug?" tanong pa nito sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Primo. Kinakabahan din kasi ako sa tuwing nagkakalapit kaming dalawa. "H-hug po? S-sige ayos lang ho."
Lumapit na ako at dahan-dahan na inilapit ang sarili ko sa kaniya. Ang init-init niya pa rin pero wala namang problema iyon sa akin. Iginapos na niya ang kaniyang dalawang braso sa beywang ko habang nakatalikod ako sa kaniya. He was caressing my stomach kaya hindi mapigilang manindig ng mga balahibo ko.
Tumigil lang kami ni Primo na ganoon ang sitwasyon sa halos ilang minuto. Hindi ko na rin namalayan na nakapikit na lang ako habang nakayakap siya sa akin.
Nagising ako nang maramdaman kong mayroong gumagalaw sa tabi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ko si Primo na nasa harapan ko habang kinukumutan ako. Sa sobrang gulat ko ay bigla akong napabangon dahilan para magkabanggaan ang mga ulo naming dalawa.
"Sorry po!"
"I'm sorry."
Sabay ka naming sabi kaya nagtawanan na lang kaming dalawa ni Primo. Tuluyan na akong bumangon at humarap sa kaniya. "Sorry po at nakatulog ako. Ako nga po ang dapat magbantay sa inyo, pagkatapos kayo pa po ang naunang magising keysa—"
"It's fine, Sam," nakangiting pahayag pa sa akin ni Primo. "I was about to put some blanket on you since I've noticed that you're getting cold but since you're already awake, we can have our dinnee together."
"D-dinner?!"
Napadungaw na kaagad ako sa veranda at nanlaki ang mga mata ko na madilim na nga. Noong nagising kasi ako kanina ay akala ko, namamalik-mata lang ako kaya feeling ko ay gabi na talaga. Hindi ko naman akalain na totoo pala...
Bumaba na kaming dalawa para kumain at napansin kong parang okay naman na si Primo. Hindi na siya ganoon ka-init kaya hindi ko na lang ito tinanong pa tungkol sa sakit niya.
"Kuya, okay ka na ba? Are you still not feeling well?" tanong sa kaniya ni Dos habang kumakain kaming apat.
Napangiti naman na si Primo sabay tingin sa akin. "I felt good after Samara took care of me kaya nga nakatulog na kaming dalawa while embracing—"
"Buti naman po at magaling ka na!!"
Bigla kong hinampas si Primo sa balikat dahil baka kung ano pa ang masabi niya at ang lakas pa namang mang-asar ni Dos.
"What's that for, Sam?" natatawang tanong sa akin ni Primo. Mukhang hindi manlang siya nasaktan sa paghampas ko kanina kaya natawa na lang din ako.
"Wala po."
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain hanggang sa makatapos na kami.
After dinner, tumigil na muna ako sa kwarto ni Leng para makipag-bonding naman sa kapatid ko. Pero habang nasa kalagitnaan kami ng paglalaro sa kaniyang cellphone, biglang pumasok sa loob si Dos na may bitbit na kumot at popcorn kasama si Primo na parang napilitan lang ang mukha.
"Hey! Let's watch some movie together!" Hinatak na ako ni Dos pati si Leng. "Tara sa movie room."
"Ha? A-ano, hindi dito na lang kami—"
"Let's go, Sam, let's bond for a while since weekends naman na bukas," usal pa sa akin ni Primo sabay hawak sa braso ko.
Sumunod na lang kami sa kanilang dalawa at hindi namn namin alam ni Leng na mayroon pa lang movie room iton mansiyon ni Primo. Nakarating na kami sa tapat ng isang kakaibang pinto na parang papasok ka talaga sa loob ng sinehan.
Nakakanood lang ako ng mga palabas sa sinehan kapag nililibre ako ni Trixie kaya maninibago talaga ako ngayon kapag nakapasok dito sa movie room nila Primo.
Pumasok na kaming apat sa loob habang inabutan din ako ni Primo ng isang bucket ng popcorn at drinks pati na rin si Leng. Namangha ako sa ganda at lamig ng aircon sa loob. Para kasi talaga kaming nasa totoong sinehan pero mas maganda pa rin dito dahil puwede kang humiga.
"Leng, what movie would you want us to watch?" bungad na tanong ni Primo nang tuluyan na kaming maka-upo sa mga pwesto namin.
"Horror po, Kuya Primo!"
Napatingin naman ako sa kapatid ko. "Grabe ka naman, Leng. Sigurado ka na ba diyan?"
Alam ko naman kasi na paborito talaga ng kapatid ko ang horror movies dahil nga noong mga bata pa kami at buhay pa si Papa, hilig talaga nilang manood ng mga asian horror movies lalo na Thai at Japanese.
"Sige, game ako diyan!" tugon pa ni Dos.
"Sam, what about you?"
Napasulyap na ako kay Primo at marahang tumango sa kaniya. "S-sige, sige lang kung ano ang gusto ng nakakarami doon na lang din ako."
Ayoko namang masira ang momentum nila dahil lang ayokong manood ng mga horror movies. Hindi ko lang din kasi kayang manood simula dati sa hindi ko rin alam na dahilan.
Habang nasa kalagitnaan na kami ng panonood, mas mauuna pa yatang maubos itong popcorn keysa matapos itong movie na pinapanood namin. Kanina pa ako takip nang takip ng mukha ko habang sila Leng naman at Dos ay tuwang-tuwa sa pinapanood nila.
Yumuko na lang ako para hindi ako ganoon matakot at hindi na rin ako makaabala sa kanila pero maya-maya pa ay napansin kong may umaakbay na sa akin. Sisigaw na sana ako sa takot pero napagtanto ko na lang na si Primo pala iyon dahil hinawakan niya ang kabilang kong kamay nanginginig.
"I got you, don't worry," bulong nito sa akin.
Doon na ako napakalma. Hindi ko rin alam kung bakit biglang nawala na lang ang takot ko hanggang sa matapos na rin namin ang movie. Kahit papaano ay naintindihan ko naman ang palabas dahil sa pagtulong sa akin ni Primo.
Kinaumagahan, maaga pa akong nagising para maka-exercise ulit si Leng habang naglalakad kami rito sa malawak na bakuran nila Primo. Ang ganda rin kasi ng design ng landscape sa tapat ng bahay nila lalo pa at may fountain kaya pakiramdam mo ay gumagala ka lang sa isang park.
“Pagkatapos nating mag-exercise maligo ka nang maaga, Leng, ha?” usal ko kay Leng habang naglalakad kami.
Tumango naman na siya sa akin. “Sige, Ate. Pero gusto ko po ulit kumain. Ang sarap po kasi ng ulam natin kanina.”
“Saan dun?” Ang dami rin kasi ng ulam namin araw-araw kaya hindi ko alam kung ano ang gusto ni Leng. “Itlog? Hotdog? Bacon?”
“Ayon! Iyong bacon po, Ate.”
“Nako.” Ginulo ko na lang an buhok nito sabay ngiti sa kaniya. “Siya halika na sa loob at—”
“Sam, do you have a moment?”
Napalingon na ako nang marinig ko ang boses ni Primo. Nakatayo siya sa tapat ng main door ng mansiyon niya habang nakahawak sa magkabilang bulsa ng kaniyang pants. “Yes po? Bakit?”
“Can you come with me?”
“Po? Saan po tayo pupunta?” kunot-noo kong tanong pa sa kaniya.
Lumakad na siya palapit sa aming dalawa ni Leng sabay akbay sa kapatid ko. “I have to go and meet an investor today. Mind if you can come with me?”
“S-sige po, sasamahan po kita.” Lumapit na ako kay Leng. “Pumasok ka na sa loob at sasamahan ko muna ang Kuya Primo mo, ha? Kumain ka na lang din at manghingi kay Manang.”
“Sige, Ate!”
Tuluyan nang pumasok si Leng habang ako naman ay minadali na ang pag-ayos para hindi maghintay nang matagal sa akin si Primo. Nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at jeans pero nang makita ako ni Primo ay bigla niya akong pinigilan.
“Here, may nga natira pang damit si Mikana rito before she left.” Iniabot niya sa akin ang ilang mga dress na halatang mamahalin lahat. “I guess you two are identical so you can wear that with ease. I’ll buy you some dresses the next day, don’t worry”
“S-sige po…”
Pumili na ako sa isa sa mga dress at ang napili ko ay ang kulay white na dress dahil ito lang sa lahat na dress ang mukhang formal. Lumabas na rin ako ng walk in closet at naghihintay pala sa akin si Primo habang naka-upo sa kama.
“Okay na po ba ‘to?” nahihiyang tanong ko sa kaniya.
Nakatitig lang sa akin si Primo nang halos ilang segundo bago ito tumayo. “Y-you’re…gorgeous.”
“Thank you po!” Yumuko na lang ako dahil nahihiya pa rin ako kay Primo dahil sa suot.
Umalis na rin kaming dalawa pasado alas-otso ng umaga. Nasa byahe kami nang mapansin ko na lumabas na kami ng city. Gusto ko sanang magtanong kung saan kami pupunta pero hindi ko na lang ginawa at in-enjoy na lang ang daan.
“Have you ever been abroad, Sam?”
“Po?” Napatingin na ako kay Primo. “H-hindi pa po, e. Hindi pa nga po ako nakakaalis ng siyudad na ‘to.”
“What country do you want to go if you’re given a chance?”
Napa-isip na ako habang nakangiti. “Barcelona po. Any country of sa Europe ang gusto kong puntahan.”
Ang mga bansa kasi sa Europe ay mayroon talagang kakaibang uniqueness keysa sa iba. Hindi ko lang ma-distinguish kung ano pero dream place ko lang talaga doon.
Bahagya na ring napatawa si Primo kaya napatingin na ako sa kaniya. “Kayo po? Saan ang gusto ninyo puntahan? Kahit alam kong ang dami n’yo nang bansang napuntahan.”
“Well, to be honest, I haven’t been into many countries, and you know what?” Napasulyap na siya sa akin. “My dream destination is Amsterdam. They have world class museums and incredible nightlife. I’d love to go there with someone I love someday…”
Napansin ko ang pag-iba ng kaniyang mukha kaya naman ay marahan ko na lang ito na tinapik sa balikat. “Mangyayari po iyon. Malay n’yo po, babalik naman po si Miss Mikana sa inyo, paniguradong hindi na kayo malulungkot pa…”
Hindi ko alam kung bakit pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay may kirot akong nararamdaman. Naaalala ko tuloy ang mga panahong nagkahalikan kami. Napapa-isip tuloy ako kung naalala ba ‘yon ni Primo.
Pero parang maayos na rin na hindi niya maalala…at dapat ay kalimutan ko na rin dahil kahit ano pa ang panaginip kong gawin ngayon, hinding-hindi kami magiging possible ni Primo.
Langit siya, nasa lupa lang ako, baka nga lumot lang ako sa buhay niya.