KABANATA 9

1793 Words
EPISODE 9 Tumigil kaming dalawa ni Primo sa tapat ng isang seaside restaurant. Nakita ko na ito dati sa social media pero hindi ko naman akalain na ganito pala kaganda sa personal. "Have you been here before?" Umiling-iling na ako kay Primo habang patuloy pa rin sa pagtitig sa buong lugar. Ito talaga ang mga lugar na gusto kong hingin ng taong mapapangasawa ko ang kamay ko para makasama habang buhay. Wala na rin kasi akong mga magulang kaya sa ilalim na lang ng paglubog ng araw magaganap ang proposal. “Hold my hand, Sam.” Napabalik na ako sa aking diwa nang magsalita na ulit si Primo kaya napatingin na ako sa kaniya. “Ano po ulit ‘yon?” “Hold my hand,” he repeated habang nakangiti sa akin. “H-hold your hand? S-sige po…” Dahan-dahan ko nang hinawakan ang kamay ni Primo at naglakad na kami papasok ng restaurant. Yumuko na lang ako dahil halos lahat yata ng mga nandito ay nakatitig na sa amin at nag-umpisa na ring magbulung-bulungan. Hindi na ako nagulat doon dahil alam ko naman kung gaano kasikat ang pamilya ng mga Buenavista rito sa bansa na naririnig ko lang sa mga kaklase ko dati. Pero ngayon, ito, nakaka-holding hands ko na nag isang mayamang tagapagmana ng mga Buenavista. “Chin up, Sam, you’re stunning,” mahinang bulong sa akin ni Primo nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Pakiramdam ko ay siya pa lang ang unang tao na tanggap ako dahil kahit minsan, hindi naman talaga ako natutuwa sa mukha ko at palagi akong sinasabihan nila Tita Mae at ng mga step-sister ko na pangit naman daw talaga ako. Ngayon nga lang din ako naglakas loob na magsuot ng dress kaya medyo natuwa ang puso ko sa naging compliment sa akin ni Primo. Tumigil kaming dalawa ni Primo sa isang pinto. Ito yata ang VIP area nila. Mayroon nang sumalubong sa aming dalawang babae habang may dala-dalang mga menu. Nang makapasok na kami sa loob, tumambad sa amin ang isang may edad nang lalaki at babae. Sa tingin ko ay mag-asawa ang dalawang ito. “Finally, Mr. Buenavista!” “It’s nice to finally meet you, Mr. and Mrs. Salvador,” tugon din naman ni Primo at umupo na kaming dalawa sa harapan nila. Napatingin sa akin ang matandang babae sabay turo pa nito. “Oh, I didn’t know that Mikana wouldn’t even speak. The last time I remember she was really jolly and cheerful.” “A-ah, h-hindi po ako—” “She’s not Mikana, Mrs. Salvador.” Hinawakan na ni Primo ang kamay ko. “She’s—” “Mikana has a twin?! Perfect!” usal pa nito. Umiling na lang sa kanila ni Primo at marahan akong hinawakan sa braso. “This is Samara and she’s not even connected with Mikana. She’s my…girlfriend.” “Oh, I’m really sorry, Hijo. I really thought that she was Mikana. I mean, look at her,” saad pa nito sabay turo niya sa akin. “She was like the perfecf replicate of your girlfriend.” “That’s enough, Luminada,” pagpigil pa sa kaniya ng kaniyang asawa sabay ngiti kay Primo. “I’m really sorry about my wife, Mr. Buenavista. You know that they had this closeness with Mikana back then. Anyway, let’s talk about business so we can finish this early.” Tumango-tango naman na si Primo. “Yeah, I think we should get into business since we are all busy person here.” Habang nag-uusap sila ay panay naman ang interview sa akin ni Mrs. Luminada. Mabait naman pala siya at nagulat lang talaga ito nang malaman na hindi ako si Mikana. “How did your talk go with Mrs. Salvador, Sam? Did she say anything bad to you?” Napa-iling na ako kay Primo nang makalabas na kami ng restaurant. “Nako, ang bait nga niya sa akin, e. Nagulat lang talaga siya kanina na hindi pala ako si Mikana. Na-curious na tuloy ako kung ano ang mukha ng Mikana na ‘yan.” “Do you want to see her photos?” tanong pa niya sa akin at kinuha na ang kaniyang cellphone. “Sige, sige.” Nang maipakita na ni Primo ang mga pictures ni Mikana ay kahit ako nagulat din. Magkamukhang-magkamukha kasi talaga kaming dalawa maliban na lang sa balat sa kaniyang balikat. “See?” “Kaya nga po, hindi ako makapaniwala na kamukhang-kamukha ko po siya pero kulang lang siguro ako ng mga limang ligo keysa sa kaniya,” usal ko pa kay Primo. Napatawa na lang ito sa akin at itinago na rin ang kaniyang cellphone. “I really like you, Sam…” “Po?!” Bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa sinabi nito. “I mean, I really like your humor. You’re really funny.” Ginulo-g**o na niya ang buhok ko at naglakad na rin pabalik sa sasakyan nito. Nakatayo lang ako rito habang iniisip na baka dumating ang araw na mahulog ako kay Primo kaya dapat ngayon pa lang ay pigilan ko na ang sarili ko at baka ako lang din ang kawawa sa huli. Pabalik na kami ng siyudad nang mapatigil si Primo sa gitna ng isang road excavation. Mayroong sira ang daan at maraming tao ang nandoon kaya hindi kami makadaan. Mayroon nang lumapit sa aming isang lalaki. “Pasensiya na po, Sir, pero sa kabilang daan na lang po muna kayo dumaan. Bumigay po kasi ang lupa kani-kanina lang kaya nagkaroon po ng landslide dulot po ng mga naputol na puno sa baba.” “Is there any way for us to get home, Sir? I’m not familiar with this place so I can’t find any other route for us to get home,” saad ni Primo sa kaniya. Bahagya namang natigilan si Kuya Manggagawa at kaagad ko naman itong na-gets kaya dumungaw na lang ako sa pwesto nito. “Ah, Kuya, ang ibig sabihin po ng kasama ko ay kung may ibang daan pa po ba rito na madadaanan namin para maka-uwi pabalik ng siyudad.” “Meron po, Ma’am.” Itinuro na ni Kuya ang rough road na nasa kaliwa ni Primo. “Medyo malubak nga lang po ang daan at masikip pero kapag deritso n’yo lang po iyang tatahakin ay makakalabas po kayo ng Circumferencial Road.” “Gano’n po ba? Salamat po!” Ngumiti na ako kay Kuya kaya sulyap kay Primo. “Oh, doon daw po tayo dumaan at lalabas din iyon ng Circumferential Road.” Napataas lang siya ng kilay sa akin. “Are we really sure about this, Sam? Do you trust that guy?” tanong nito sa akin sabay kuha ng cellphone niya at binuksan na ang maps. “Fvck! There’s no reception of signal here.” “Huwag po kayong mag-alala, kadalasan po, iyang mga pareho pa kay Kuya Manggagawa ang may mabuting puso para tumulong,” nakangiti kong paliwanag sa kaniya. “Alright, as you said, I trust you.” Umalis na rin kami kaagad doon at dumaan na si Primo sa may lubak-lubak na lugar. Sanay na ako sa mga ganitong daan dahil doon sa amin ay hindi naman sementado ang ilang mga daanan. Hindi ko lang alam dito kay Primo dahil pakiramdam ko ay hindi pa siya nakakadaan sa ganitong kalsada. Inabot na kami ng halos kalahating-oras at pasado alas-onse na rin ng tanghali. Mabuti na lang dahil makulimlim ang langit kaya hindi mainit ang panahon. Tumigil na ang sasakyan sa kalagitnaan ng daan kaya napatingin na ako kay Primo. “Bakit po tayo tumigil? May problema po ba?” “I think the car’s broken.” Dali-daling lumabas si Primo ng sasakyan kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Nadatnan namin ang isang gulong sa kotse na flat. “Nako po, maliit lang na problema pala. Nasaan po ang bagong gulong ninyo at aayusin po natin ‘to.” “You know how to change tires, Sam?” hindi-makapaniwalang tanong pa niya sa akin. “Kung hindi n’yo po naitatanong, mayroon pong vulcanizing shop ang tito ko kaya high school pa lang ako ay nagraraket-raket na ako sa kanila para may pangdagdag ng baon ko,” taas-noo kong paliwanag. Hindi ko naman kasi ikinakahiya ang buhay ko dahil sa mga paghihirap ko na ‘yon, ito, graduating na ako sa college ngayon. Pero sa kahit anong paliwanag ko ay hindi pa rin ako pinayagan ni Primo na magpalit ng gulong kasama siya. Nga sampung minuto niya lang din ginawa iyon hanggang sa matapos na ito. “Ano po, alis na tayo?” tanong ko sa kaniya. Wala akong sagot na natanggap galing sa kaniya. Nakatitig lang ito sa paligid na parang natatakot kaya naman ay nilapitan ko na ito. “Primo, ayos ka lang ba?” “This place…it looks familiar. It’s like the place where the scary people in the movie Wrong Turn are getting their victims…” Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil tawang-tawa ako sa sinabi ni Primo. Akala ko ako lang ang takot sa aming apat noong nanood kami ng horror movie pero pati siya ay takot din pala. “Talo pa pala tayo ni Leng, e! Hindi ko naman akalain na pareho pala tayong takot sa mga horror movies,” natatawang pahayag ko sa kaniya. Pasado alas-dose y media na nang tanghali nang maka-uwi kaming dalawa sa bahay. Nadatnan naming kumakain ng lunch sila Dos at Leng kaya sumunod na lang din kaming dalawa sa dining area. “Ang tagal n’yo naman brother, nag-date pa ba kayo pagkatapos ng meeting?” bungad na pang-aasar na naman sa amin ni Dos. Tinapik ko na lang ito sa balikat at umupo na rin sa table. “Kung alam mo lang ang nangyari kanina, Dos.” “We have encountered some road excavation so we had to take another route which was beyond worse than my expectation,” ani Primo. “Sus! Akala ko pa naman ay dinala mo na doon si sister-in-law sa Paradise Beach.” Napatigil na si Primo sabay tayo. “You know I don’t want to talk about that, Dos. Keep that to yourself.” Umalis na ito sa hapagkainan nang walang pasabi dahil mukhang napikon talaga siya sa sinabi ng kapatid nito. “Ano’ng ginawa mo? Tsaka ano ba ‘yung Paradise Beach, Dos?” mahinang tanong ko pa kay Dos nang makaalis na si Primo. “Iyon kasi ang lugar kung saan magpo-propose si Kuya kay Mikana, pero three days before the proposal, iniwan siya ni Ate Mikana.” Tumango-tango na lang ako at lumingon habang pinagmamasdan si Primo na naglalakad paakyat ng kwarto nito. “Mukhang ang hirap nga talaga para sa Kuya mo na kalimutan si Mikana kaya siguro niya ako kinuha…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD