EPISODE 10 Today is the day! Sabik na sabik na akong umalis dahil ito ang unang araw namin sa duty sa hospital at ito ang magiging last semester namin bilang interns. Isinuot ko na ang uniform ko habang ngiting-ngiti sa harap nang salamin nang biglang lumabas si Primo galing sa shower room na naka tuwalya lang. I can even see his v-line pero umiwas na lang kaagad ako—pretending like I didn't see anything. "Oh, your uniform looks good on you, Sam." "S-salamat, Primo," nauutal kong tugon sa kaniya habang umiiwas pa rin na mahagip ang kaniyang katawan. "Ayos nga, e, mukha na akong white lady kapag gabi dahil mahaba na nga ang buhok ko, sobrang puti pa ng uniform ko. Hahaha..." Alam kong waley ang banat ko sa kaniya pero ginawa ko na lang iyong way para makaalis sa ka-awkwardan naming da

