EPISODE 11 Few days have passed and so far, maayos naman ang naging performance namin nila Trixie at Dos sa hospital. Unti-unti na ring nawala ang kaba ko sa tuwing magkakaroon ng mga operations dahil na rin sa tulong sa amin ni Doc Jay. Si Primo naman, araw-araw pa rin akong pinupuntahan dito kahit na alam namn naming dalawa ni Dos na napaka-busy niya sa trabaho. Ayoko man sanang mag-assume, pero pakiramdam ko ay mas nagiging malapit na kami ni Dos sa isa't-isa. "Shift's done! Ano guys, do you want to eat something outside?" Nagkatingin na lang kaming tatlo dahil sa pag-aaya ni Doc Jay sa aming kumain. Magkasabay kasi kami ng shift pati si Doc kaya may time pa kami for early dinner na magkasama. "Gora po ako diyan, Doc," tugon pa ni Trixie. "Ako rin!" Itinaas ko na ang kamay mo i

