“Love, are you okay?” Napasulyap na ako kay Primo sabay takbo at niyakap ito nang mahigpit. Doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko dahil sa dami ng mga nalaman ko ngayon tungkol sa pamilya ko. Sa ilang taon nang nakalipas, naniwala ako sa lahat ng kwento ni papa na puro lang naman pala mga kasinungalingan. “Kakaawa naman ikaw, Suseng, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo pagkatapos maghiwalay ng mga magulang n’yo,” pahayag pa ni Manang Dorothy. “Alam kong galit ang tatay mo kay Teresita pero hindi ko naman alam na itatago ni Richard ang tungkol kay Selena. Ano ba ang nangyari at nakalimutan mo na ang kakambal mo?” Kaagad akong napatayo habang unti-unting ininiisip ang mga natitirang alaala ko noong bata ako. “Ang natatandaan ko lang po dati ay nagkaroon kami ng aksidente noong

