Chapter 3

2838 Words
"Come in, Ezlarre." Ani ni dean. Agad naman itong pumasok at naupo sa upuan na katapat ko at doon niya lang ako napansin. Ezlarre Mauzeth De Ville... Siya iyong lalaki sa cafeteria na gustong gusto ipalandi sa akin ni Zewy. Gusto kong matawa. Akalain mo iyon? Nginitian ko pa siya tapos napagkamalan ko pang torpe. Demonyo rin naman pala, bagay talaga sa kaniya ang apelyido niya. I knew it! Hindi talaga ako nagkakamali. Tsk! Takhang tinignan niya ako ng matagal, syempre, hindi ako nagpatalo at tinignan ko rin siya. Nang hindi niya kinaya ay siya rin naman ang umiwas at hinarap na si dean. "I am very disappointed with you, Ezlarre." Napapailing na ani ni dean. "I can't believe that you would do such thing. Napakalaki ng tiwala ko sa iyo." Kunot na kunot ang noo niyang tinignan si dean. Naguguluhan. Syempre, iyon naman talaga ang isa sa mga plano ko. Ang kabahan siya at sumakit ang ulo niya sa kakaisip kung ano ang problema niya. "I have no idea what you're talking about, dean." Naguguluhang ani niya. "Is this why you called me?" Tumango si dean at napasinghap. "I bet you already know the lady who is sitting in front of you." Nabaling ang tingin niya sa akin nang nagtataka. "I do." Sagot niya at tinignan ulit si dean. "She's the baddest in this school, right?" Napairap ako ng palihim. Sa pagiingat na baka ay makita ako ni dean, yumuko na lamang ako. Mahirap na at baka mabisto pa ako. "The way you describe her proves that miss Angeles is right. I am very very discouraged, Ezlarre. Pero hindi rin naman kita masisisi, it's just me who got my hopes high on you. I expected way too much on you. Napakataas ng tingin ko sa iyo ever since you transferred to this school at wala pang isang linggo ay maganda na iyong mga feedbacks na naririnig ko mula sa ibang mga teachers, and 'nung natapos ang first semester ay nakuha mo agad ang highest rank. I was way too impressed to the point na na disappoint ako sa iyo ng ganito." Oh? Transferee pala ito? No wonder he doesn't look familiar. Wala rin naman akong pakialam sa mga nerds na with highest rank dito. They are all losers. And this one in front of me is a big evidence. Tinignan niya ulit ako. Nalilito parin siya sa kung anuman ang nangyayari ngayon. "Dean, I have no idea. Tell me, what did I do wrong?" Bumaling siya sa akin. "Was it about what happened yesterday?" Bingo. Natuwa ang kaloob looban ko sa tanong niya sa akin. You're making it easier for me, Ezlarre. Tinutulungan mo pa akong kumbinsihin si dean na totoo nga ang sinabi ko sa kaniya. You're making it way too realistic. Akala ko ba matalino ito? Napatango tango si dean. "Do you remember now?" Napasinghap siya at siniringan ako. "You're way too immature! Parang iyon lang palalakihin mo na? For God's sake." "Miss Angeles right here is just defending herself, Ezlarre. She's not immature. You disrespected her as a woman, and she has the rights to report you." Ani ni dean. "Wala akong ginawa, dean. Disrespect? I don't think so. She called me and then-" "And kissed her?!" Pagputol ni deansa sasabihin niya. Napatayo siya sa gulat. "What?! Kissed?!" Tinignan niya ako. "Hindi ko matandaan na hinalikan kita, miss. And for your information, hindi ako gan'ung klaseng lalaki na bigla bigla nalang hahalik sa babaeng hindi ko naman kakilala!" "Huwag ka nang magmaang maangan pa." Sambit ko at umiyak. "What?! You're way too desperate to accuse me such things. Ang natatandaan ko lang ay iyong inakusahan mo ako na ako iyong nakapulot at nagsauli ng cellphone mo. I already said no, but then nagpupumilit ka na ako nga iyon!" "Tapos hahalikan mo na ako?!" "Man, you're crazy!" Bulalas nito. "Napaka assumera mo. Ni hindi nga kita hinawakan, ikaw nga iyong kumalabit sa akin!" Sigaw niya. "Kung bakit ba naman kasi napaka arogante mo!" Sigaw ko pabalik. "QUIET!" Inis na sigaw ni dean kaya nanahimik kaming dalawa. "Hindi ko na alam kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo!" "Dean, you know I wouldn't do such things kasi ayokong masira ang pangalan ko. You know that." "And doesn't mean that I am bad, ako nalang palagi ang mali." Pagdedepensa ko. "Will you just please stop making stories?! You need a psychiatrist!" "And you need an electric chair!" "MAGSITIGIL KAYO!" Sigaw ulit ni dean, and this time, napatayo na siya. "I don't know which is which anymore. Kaya ang mabuti pa, pareho nalang kayo ang paparusahan ko!" "What? Dean, that is so unfair. Ako na nga ang biktima dito-" "At dinamay mo pa akong babae ka?! Pathetic! Ni hindi nga kita inano!" "Community service for two weeks sa cafeteria or suspendido? Pumili kayo!" No way in hell na masususpended na naman ako. Baka palayasin na ako ni lolo. Goodness! Nagkatitigan kami ng masama ni Ezlarre. Inirapan niya ako at bumaling kay dean. "My apologies dean, but I am not accountable for doing something I am not responsible of." "No! This is all your fault." Ani ko. Hindi niya ako pinansin at inirapan lang ako. Napailing si dean. "I'm waiting for your decisions." "I would rather clean the dirtiest part of this school than miss my classes." Sambit ni Ezlarre. Tinignan naman ako ni dean, nag aantay ng sagot ko. Nag aalanganin pa ako pero wala din naman akong choice. Bwiset. "I don't want to get suspended again, dean. Not anymore." "Good. Mag uumpisa kayo ngayong hapon after your last class. Dismiss." Ani ni dean. Tinignan ko muna ng masama ang lalaking kaharap ko at ganoon din siya. Inirapan ko siya at saka ako umalis. Pagkalabas ko ay napasinghap ako ng hangin at napangisi. It doesn't matter kung mag co-community service ako, ang mahalaga ay natupad ang plano ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumalabit sa akin sa braso. Napatingala ako at nakita ko ang galit na galit na si Ezlarre Mauzeth. "Ano ba?! Where the hell are you taking me?! Let go of me!" Pagpupumiglas ko nang bigla niya akong hinila papalayo sa office at dinala sa pinaka dulong bahagi ng hallway na kung saan walang tao ang masyadong dumaraan. Nang makarating na kami doon ay agad niya akong binitawan ng malakas at napasiring ako dahil halos matumba ako. "How dare you do that to me! Ugh!" Tinapat niya ako. "What was that?!" Inis na ani niya at tsaka itinuro sa may likuran niya ang dean's office. "What the hell was that all about, huh?" Nginisian ko siya. "Part of my plans?" Sarkastikong ani ko. "That's what you get for being rude to me yesterday." "Are you crazy? Dahil jan sa kabobohan mo, I had to pay for something I haven't done! Alam mo ba na nagambala mo ako? You're making up stories and worst, sumama pa ang tingin sa akin ni dean!" "At iyon nga ang plano ko, Ezlarre." Nakangising ani ko and I can tell na bwisit na bwisit na talaga siya sa akin dahil sa umiigting niyang mga panga at ang kaniyang galit na malalalim na itim na mga mata. "Ano? Now you know that you shouldn't mess with someone like me!" Imbes na makipagsagutan sa akin ay nanahimik siya. He was just staring at me and I can feel his aura that sends me chills and makes me shiver. I don't like this feeling. It makes me uncomfortable and weak. Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata at tumagal kami ng ganoon at doon ko napansin that he has a very perfect face. Napaka gwapo niya and there's something about him na parang hinihigop ang lahat ng lakas at kakayahan ko. He makes me scared pero hindi ko alam kung ano ang rason. I've seen many guys before, pero walang makakatapat ng kaniyang kagwapuhan at appeal. Mula sa katamtamang hugis ng kaniyang mukha na mas lalong pinapanaig ng kaniyang mga perpektong pagkakagawa ng mga panga. Ang kaniyang katamtamang kapal na itim na mga kilay na nababagay sa kaniyang malalalim at itim na mga mata, ang kaniyang matangos at magandang hugis na ilong hanggang sa kaniyang katamtamang nipis at mapupulang mga labi na nababagay sa kaniyang hindi gaanoong kaitim na kutis. He looks like an art and it seems like he's God's favorite because he was created by Him perfectly. "B-bakit ganiyan ka makatingin?" Bulalas ko nang mapagtantong matagal na kaming nagkakatitigan. Imbes na sagutin ako ay siniringan nalang niya ako at tsaka umalis habang nakapamulsa. "Bastos ka talagang lalaki ka, kinakausap pa kita tapos tatalikuran mo na ako?! How dare you!?" Inis na ani ko ngunit parang wala lang sakaniya iyon at patuloy na umalis hanggang sa hindi ko na makita ang kaniyang rebulto. I should’ve followed after him para makaganti, but I found myself walking to my classroom, feeling so pissed. Ugh! Why am I letting someone like him do this to me?! Nakakairita! Pasalampak kong inupo ang sarili ko sa upuan ko, since masiyado pang maaga, tatlo pa lang kami sa room with my nerd classmates. Bwiset. If I only knew na ganito rin naman ang patutunguhan ng plano ko, edi sana hindi na ako nakapag effort pa. “Oh? Ano tinitingin tingin mo jan?!” Iritableng tanong ko sa ubod ng pangit na kaklase ko na mukhang walang ibang alam kung hindi ang magbasa. Agad naman itong umiling at tsaka yumuko at nagbasa ulit kaya inirapan ko na lamang siya. Minutes had passed at oras na para sa aming first period, as expected, ako na naman ang napansin ng professor namin dahil sa sobrang ka earlyhan ko. And of course, kasi nga badtrip ako, malas niya kasi triple ang pambabarang magagawa ko sa kaniya pero dahil sa swerte yata siya kasi tamad akong magbigkas ng kahit na anong salita ngayon, pinalampas ko nalang ang pang iinis niya ngayong araw. Basta ba’t babawi ako bukas. Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Lintek na ‘yan, siya lang ang may kakayahang ganun ganunin lang ako ha? Wala ba talaga siyang ideya kung sino ako? Sunod sunod ang klase ko pero hindi nawala ang pagkabusangot ng mukha ko. Masyado na akong nababagabag ng demonyong iyon kaya kailangan ko siyang gantihan. Kaya 'nung nag umpisa na ang klase ay wala akong maintindihan kahit isa dahil lumilipad ang utak ko at walang ibang iniisip kung papaano ako makakaganti sa hinayupak na iyon. Mabilis tumakbo ang oras at lunch time na kaya agad akong nabuhayan. Tinignan ko ang cellphone ko at saktong may text si Zewy sa akin na nagsasabing nasa cafeteria na siya at nag aantay. Speaking of cafeteria… Lintik. Mas lalong nagdagdagan ang inis ko dahil naparusahan pa pala ako dahil sa napalpak kong plano for the first time in my life. What the f**k!? "Hoy! Anong nangyari sa’yo at ganiyan ang itsura mo? Daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa, ah?!” Ani ni Zewy nang makarating ako at doon lang ako nahimasmasan na andito na pala ako dahil sa sobrang inis ko, hindi ko na namalayan kung papaano ako nakarating dito kaagad. “Tigil tigilan mo ako, Zeweena. Mainit ang ulo ko, kung ayaw mong matagpuan kang patay ng mga pamilya mo sa labas ng bahay ninyo, manahimik ka.” Inis na ani ko sa kaniya at inirapan siya. Syempre, ang gaga hindi nagpatinag. Tinawanan pa ako. Bwiset. “Chill ka nga! Alam ko na ang dahilan ng problem mo. Hmm, is it about your lolo’s plan? Naku, don’t worry about it too much. You can have fun naman, with limits nga lang. I got you!” Kumindat pa siya at humalakhak. “Hindi iyon, Zewy. Mag order ka nalang ng makakain natin bago pa kita bigwasan.” “Okaaay, master!” Tatawa tawa niyang sagot at tsaka umalis sa harapan ko para mamili. Blanko ang aking isipan pero nararamdaman kong tila may nakatitig sa akin. Isang lalaki na nasa kabilang lamesa sa bandang tapat ng pwesto ko. Nakatingin siya sa akin ng diretso at walang mababasang kahit na anong ekspresyon sa kaniyang mukha. Blanko ito at ang mga titig niya sa akin ay palalim ng palalim na tila ako hinihigop ng mga ito. Awtomatikong nagtama ang mga kilay ko at kumuyom ang mga kamao ko sa sobrang inis, ramdam ko rin ang init ng ulo ko na paniguradong pati tenga ko ay umuusok na dahil sa nakikita ko. Halos mamatay na ako sa inis at galit sa kaniya dito, tapos siya parang wala lang kung makatitig sa akin?! As if hindi siya naaapektuhan ng nangyayari?! Ang kapal talaga ng mukha! Sa sobrang galit, wala sa sariling tumayo ako at sinugod ang lamesa nila. Nandoon na ako at nakatayo sa tabi ng kanilang lamesa, malapit sa kanya. Napatingin ang lahat ng mga kaibigan niya sa akin maliban sa kaniya na hindi man lang gumalaw o kumurap man lang. Bwiset! Abnormal yata ito eh?! "S-Sten!" Gulat na ani ng isa niyang kasama na maputi at chinito na gwapo. "Uy, S-Sten?! May problema ba?" Tatawa tawa pero halata ang pagka nerbyos niya dahil sa boses nito. Hindi na ako nagtaka kung bakit kilala nila ako. Of course, I’m notorious. "Wala. Pero sa tingin ko, itong kaibigan mong 'to ang may problema sa akin eh." Inis na sabi ko at inilipat ang tingin sa lalaking katapat ko. Hindi man lang inangat ang ulo. Tss. Siniko naman siya ng katabi niyang si Jacque at doon niya na naibaling ang tingin niya sa akin. “Ano na naman ba ang problema mo?! Anong pagdedeliryo at pag aassume ang tumatakbo diyan sa makitid mong utak, huh?!” Walang ganang tugon niya na tila wala lang sa kaniya ang presensya ko. Ang yabang talaga ng hayop na ito! “Hindi pa ako tapos sa’yo, ha?! Nananahimik na ako, bakit ang lakas mo paring mang insulto?!” “Inaano ba kita?!” Sabat niya. "Bakit mo ako tinitignan?! Ano? Gusto mong ipamukha sa akin na pumalpak iyong plano ko sa’yo kanina?! Pwes, nagkakamali ka dahil masaya ako at nagtagumpay ako dahil naparusahan ka rin at nasira pa ang imahe mo." Pang aasar ko sa kaniya pero mukhang ako pa yata ang naasar dahil sa reaksyon ng mukha niya na tila nakatingin lang sa walang kwentang bagay. Walang emosyong tinitigan niya ako. "You’re being too delusional again. Why the hell would I stare at you?" "Ah, eh, Sten... pasensya ka na ha? Gan'yan talaga 'yan makipag usap. Hehe. Baka kase hindi naman talaga ikaw 'yung tinititigan niya. Hehe. Baka nagkamali ka lang, Sten. Kase laging lutang 'yan eh." Singit ng isang kasama niya. Maputi din ito at may itsura, matangkad at maayos ang katawan. Actually, sa napansin ko, magaganda ang hubog ng katawan nilang magkakaibigan. Masculine, tall and manly. Lalong lalo na si Ezlarre. "she was just hallucinating- or maybe just assuming." Sagot nito. "May sakit yata ito sa utak.” Aniya na may ngising pang aasar. “I was looking right at the white floor tile, and not you. I'm sorry. But nice try, you caught my attention." Ang kapal ng mukha! "Ah... HAHAHAHAHAHAHA- ah eh, Sten, hindi alam niyan ang pinagsasabi niya. Pagpasensyahan mo na tala-" ani ng kaibigan niya na nagsalita kanina. Ito yata ‘yong palatawa at maingay sa kanila. "Stop explaining nonsense bullshits, Louvann. I am telling her the truth." Tukoy niya sa kaibigan at tumayo siya sa harap ko. Napatingala ako dahil sobrang tangkad niya, and I can't deny that he is so drop dead gorgeous. He is too close to the point that I can smell his out of this world cologne. "There. I am finally staring at you. You don't have to be delusional anymore. Wish granted. You're welcome." Ang dami dami kong gustong sabihin sa lalaking ito. Gusto ko siyang murahin, sapakin, sabunutan, hampasin, kalmutin at saktan dahil sa sobrang yabang niya at naiinis ako kase ang angas angas niya! "Ang angas mo rin ano?! You’re just a nerd, at wala ka sa posisyon para yabangan ang isang katulad ko." He chuckled at binaling ang ulo sa gilid saglit na tila natatawa na at the same time ay nauubusan ng pasensya dahil sa inis. Agad ding napawi ang tawa niya at biglang sumeryoso nang tinignan ako ng diretso sa mata. Yumuko pa siya ng bahagya para magkatapat ang mga mukha namin at magkalapit, nakapatong pa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang tuhod. He’s so close to the point that I can smell his scent and the fresh mint coming out from his mouth. Aaminin kong nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko dahil bumibilis ang t***k ng puso ko nang diretso niyang tinitignan ang mga mata ko. Napalunok ako ng bahagya pero hindi ako nagpahalata. Matagal kami sa ganoong posisyon at naiinis ako lalo sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa at masabi. Damn, Kristen! Where did your charisma go?! Hindi ba’t wala lang sa iyo ang mga ganitong titig?! But why the hell is his stares making me so weak?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD