CHAPTER 2

2127 Words
Tinandaan ko ang plate number niya. I even wrote it on my phone para hindi ko makalimutan. I hate to admit pero may pagka ulyanin talaga ako. Damn. Nakalimutan ko tuloy na tawagan ang nasa bahay nang makapagpasundo na ako dito. Inis akong napaupo sa isa sa mga bench dito. Halos wala ng tao sa school at iyong mga nag na-night class nalang ang mga andito. Dinial ko ang number ni Calvin, ang butler namin para magpasundo at ilang rings palang ay sumagot na ito. "Madame Kristen, yes?" Sagot nito. "Calvin, kanina pa ako nag aantay dito sa labas ng school. Any plans about picking me up?" "My apologies for making you wait, Madame. I'll send manong Ben to pick you up right away. Take care." Iyon lang at pinatay ko na ang call. Ilang minuto pa lamang ay andito na ang isa sa mga kotse namin, pinagbuksan ako ng pinto ni manong Ben at pagkatapos ay sumakay na ako 'dun. Nang makauwi na ako ay agad agad kong hinanap si Calvin na natagpuan ko lang naman sa kusina at nagsusuri ng mga pagkain na ihahain sa amin mamayang dinner. "Hey, Calvin!" Tawag ko dito. Agad na nagsipag yukuan ang lahat ng mga kasambahay nang makita ako. Nginitian at binati pa ako ng mga ito. "Madame?" Magalang na sagot ni butler Calvin. Agad agad itong lumapit sa akin. "What can I do for you?" "Nasaan si lolo?" Tanong ko. "He has meeting to attend to tonight and can't make it on dinner, Madame." Napatingin ako sa lamesa at pabalik kay Calvin. "Bakit ang daming nakahain?" "Your lolo told us to prepare all of your favorite foods para may mapagpipilian ka daw ng makakain." Napailing ako. "No, just keep one. Tapos 'yung iba, para na sa mga kasambahay. And 'yung matitira, pakibigay nalang sa mga tao na walang makain 'dun sa kalsada." Napangiti si Calvin. "Yes, madame. Ikinagagalak ko na makarinig ng ganun mula sa inyo. Napakabusilak parin ng iyong kalooban, Madame." "Yeah yeah whatever, Calvin." Irap ko. "Anyway, I need you to do something for me." Nag umpisa akong lumakad papunta sa living room at naupo. Sumunod naman si Calvin at nakatayo lang siya doon habang inaantay ang sunod na gagawin at sasabihin ko. "What is it Madame?" "I need you to look for the owner of the matte black Lamborghini Aventador car." Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita ang tinipa kong plate number kay Calvin. "Iyan ang plate number. I need it tonight, Calvin. And once you found out who the owner is, research more about that person. His family background and all." Tumango tango si Calvin. "I'll send it to your email later, Madame. Don't worry about it, I got this. But as of now, maghapunan muna po kayo." Tumango ako at ngumiti. "Asahan ko yan, Calvin." Nang matapos na akong maghapunan at ginawa ang lahat ng night routine ko, nahiga na ako sa kama at binuksan ang laptop ko. Saktong pagkabukas ko ay natanggap ko kaagad ang email na pinadala ni Calvin. Napangisi ako at binasa iyon. Kumpleto at walang kulang ang sinent sa akin ni Calvin na impormasyon tungkol sa lalaking iyon. I get to intrude his private life in just a click. Ang kulang nalang is 'yung pagmumukha niya. Calvin didn't included any pictures and kahit sinearch ko sa internet and on my social media accounts, walang lumalabas kahit isa. Well, I ain't named Kristeniah Vlauren for nothing. I will find another way para makilala ka, Ezlarre Mauzeth Galve De Ville. And I will make sure na makikilala mo rin kung sino ang binara bara mo kahapon. Punyeta ka. Napangisi ako nang mabasa ang pangalan niya at ang lahat lahat ng tungkol sa kaniya. I even found out about his family background. Your family is in the world of business and politics pala ah? You're just making it easier for me. Napangisi ako. Sinarado ang laptop ko at natulog na. It excites me. I have a serious business to do tomorrow. Umaga na at agad agad akong nagbihis para pumasok na sa school which is very unusual for me. Excited akong pumasok ngayon para sa plano ko. Humanda lang talaga sa akin ang lalaking iyon. Gulat na gulat si lolo nang makita akong bihis na bihis na pagkababa ng hagdan. Agad akong pumunta sa dining room at sinabayan siyang kumain ng almusal. "Kristeniah!" Bulalas nito nang makalapit ako, still in shock. Kahit si Calvin at ang mga kasambahay ay tila natulala nang makita akong nag aagahan kasama ang lolo. Usually, lolo leaves at 7:30 para magpunta sa office. 7:30 din ang pasok ko during MWF, at 8:30 naman kapag TThS. But I never ever woke up and go to school early. Pumapasok ako, depende sa kung kailan at ano'ng oras ko gusto. Palagi akong late and bihira lang na maabutan ko si lolo sa bahay sa tuwing umaga kaya I can't blame them for acting this way. It's very unusual for me. "Good morning." Bati ko sa kanilang lahat. Nginitian ko si lolo at tsaka kumuha ng pagkain. "Wow. You must have woke up on the right side of the bed for the first ever time." Nakangiting ani nito. Masayang masaya. "Good morning, hija. Are you good? May dinaramdam ka ba? May lagnat-" "You're overreacting, lolo." Irap ko. "I just have to do something today at school kaya maaga akong nagising." Pinangliitan niya ako ng mata. "Kabalastugan na naman ba iyan, Kristeniah?" Agad akong napasiring. "Of course, not, lolo! I'm done with those." Pakikipagplastikan ko. Napangiti naman ito. Lolo looks so happy and his smile is just so genuine. "I'm so happy for you hija. Kung alam ko lang 'nung una pa na iyon lamang ang makakapagpatino sa iyo edi sana matagal ko nang ginawa para hindi ka na mas lalo pang mahirapan. Sana lang ay tuloy tuloy na iyan." Nakaramdam ako ng kaunting guilt. Kaunti lang naman. Hays. Gagawa parin ako ng kalokohan. Ngumiti nalang ako. "Sana nga lolo." Sambit ko nalang at patuloy na kumain. Nang matapos na ako ay nagpaalam na ako kay lolo, at ilang saglit pa lamang ay nasa loob na ako ng campus. Atat na atat sa gagawin. My class will start in about 10 mins pero wala akong paki 'dun. Ang plano ko ngayon ay gumanti. Medyo marami rami na rin ang mga estudyante kaya panigurado ay andito na iyon. Sa pagkakaalam ko, he is a honor student kaya early siyang pumapasok dahil teacher's pet nga siya. Which makes it more easier for me. Napangisi ako at dagliang tinungo ang dean's office. Walang kung anu ano ay agad akong pumasok na siyang ikinagulat ni Mrs. Paulington. Ang dean ng school. "M-miss Angeles! Good morning! What brings you here?" Pagbati nito. "Have a seat." Itinuro niya ang upuan sa harap ng lamesa niya at agad naman akong naupo doon. "I came here to report one of my schoolmates, dean." Malumanay na ani ko. I have to act innocent this time. At kailangan talagang mag cooperate ng sarili ko. Kunot noo at naguguluhan akong tinignan ni dean. "What?" Napailing siya. "I'm sorry, Miss Angeles, but, am I hearing that right? You're here to report one of your schoolmates?" Napayuko ako. "I know what you're thinking, dean. this may be unusual for me dahil ako ang nagreport this time sa kapwa ko estudyante. Sanay kayo na sila ang palaging nagrereport sa akin at aminado naman ako 'dun. But I think, I still have the rights to report someone who did something rude to me, diba?" Kunwaring malungkot na ani ko. "I'm sorry for making you feel that way. Can you tell me what happened?" "I was disrespected." Agad agarang sagot ko. "Look, dean, you know I am not a good student, and not even a good person. But I am trying my best para lumihis sa mga bagay na kinasanayan ko noon dahil this is my last chance left na ibinigay ni lolo. Sinusubukan kong maging mabuting tao not just for myself but also for my lolo. Karma really is a b***h. I'm trying to change for the better pero ako naman iyong naabusado. Hindi ko alam kung ano ang problema sa mga tao. if you're good, you'll get abused, but if you try to defend yourself, masama ka sa paningin nila." Gusto kong palakpakan ang sarili ko for my great acting skills and for coming up with words that I never thought would come out great. And can I just appreciate 'yung effortlessly na pag luha ng mga mata ko? I know, right? I'm the greatest. Hinawakan ni dean ang kamay ko as a way of comforting me. Naluluha narin siya. "I'm sorry to hear that, Kristen." Mangiyak ngiyak na ani nito. "Don't worry, kung sino man ang gumawa sa iyo niyan, he needs face the consequences. Tell me what happened." "Nasa parking lot ako 'nun kahapon while waiting for my sundo, medyo natagalan ako. Dumidilim na rin. Nakatayo ako doon and biglang mayroong humila sa akin at itinulak ako sa pader. Nagsisigawan at nagpupumiglas ako pero he was just too strong, I can't. Out of nowhere, bigla niya akong hinalikan." Napasinghot ako at patuloy na pinaagos ang mga luha sa aking mga mata. "I don't know who he is and it was my first time to meet him, dean. After he kissed me, agad agad siyang umalis as if nothing happened at iniwanan ako doon mag isa. Nakita ko ang plate number ng kotse niya at pinahanap ko iyon sa butler namin and I found out that he is Ezlarre Mauzeth De Ville." Naalis ni dean ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko sa sobrang gulat nang marinig niya ang pangalan ng taong tinutukoy ko. At kitang kita kong naguguluhan siya. "M-mister Ezlarre?" Hindi makapaniwalang ani niya. "I-I don't think that he can do that, Kristen. He's way too good. Napakabait niyang bata. Baka nagkakamali ka lang-" "Oo nga pala, dean. Nakalimutan ko. Kapag pala mabait ka at nakagawa ka ng masama, mabait ka parin sa paningin nila. Pero kapag masama ka at nakagawa ka ng mabuti, masamang masama ka parin." Natawa ako ng marahan. "Some people will only act good if they know that someone's watching them. Natatandaan ko pa 'nung last semester, wala akong ginawa 'nun but then ako ang napagbintangan ninyo na nag lock kay sir Reyes sa abandoned room when in fact I was in the classroom and taking up exams at 'yung anak lang pala niya mismo ang may kagagawan 'nun para makapaglampungan sa jowa nito. Napagbintangan ako, I failed my exam kasi hindi ko natapos. They took much of my time for something I didn't do and yet, I don't owe an apology just because I am bad. Everything always ends up being my fault. Ako ang napagbibintangan everytime na may nangyayaring hindi maganda kasi ako naman talaga ang kilalang masamang estudyante at tao dito diba?" Akmang tatayo na sana ako nang biglang hinawakan ni dean ang kamay ko. "No, no, Kristen. Maupo ka ulit." "'Wag na dean, wala din namang saysay itong ginagawa ko." Natawa ako. "Sino naman ang maniniwala sa akin eh isa akong dakilang demonyo diba?" I swear, I deserve a Grammy Award. Ang galing ko talaga. I connected some scenarios in the past to make it look like I really am the victim. Bahala kang makonsensya diyan. "Aminado naman akong malandi ako, pero kahit naman papaano pinapahalagahan ko parin ang dignidad ko bilang isang babae. Hindi ako kaladkarin, and no one has the right to just kiss me whenever they want to kasi pinapahalagahan ko rin naman ang sarili ko. Masama ako, malandi ako, pero hindi naman ako pokpok. I mean, I'm sorry for the words dean, pero I just can't take this anymore." Mangiyak ngiyak na ani ko. Tumayo si dean at tsaka niyakap ako at sinapo ang likod ko. Pinaupo niya ako ulit at pinakalma pagkatapos ay naupo siya sa harap ko. "Don't worry, Kristen. As what I have said earlier, kung sinuman ang gumawa sa iyo niyan will face his consequences. I'll call out mister Ezlarre from his class at papapuntahin siya dito. I am very disappointed at him." Napapailing ani niya at nasapo ang noo. Bumaling siya sa secretary niya. "Miss Fernandez, I need you to excuse Ezlarre Ameiroux from his class right now. I need to talk to him." Agad namang kumilos ang sekretarya nito at pinatawag nga si Ezlarre. "I am truly sorry, Miss Kristen." Sinserong ani ni dean. Ngumiti lang ako at tumango. Ilang saglit pa lamang ay napalingon kaming pareho ni dean sa may pintuan nang may kumatok dito. Oh, the moment I've been waiting for. Pinagbuksan ito ng sekretarya ni dean at gulat ako nang makita kung sino ito. "Good morning, dean." No way in hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD