"Teka! Teka! Teka! Am I hearing that right?!"
Bumuntong hininga ako. I can't tell her right now about what my lolo told me. Baka magdrama na naman ito and worse, maging cringey sa pagpapaalala sa akin whenever I try to do wrong.
Why would I be guilty about making an innocent boy into a bad guy?
I've done that many times. Kung hindi lang ako binantaan ng lolo ko, baka nakakandong na ako sa hita niyan at nilalandi ko na 'yan. But no kissing this time. I don't kiss a random stranger easily, baka mamaya kung ano pa ang makuha kong sakit.
The guy at the bar that I kissed that night?
Honestly, kaibigan lang naman siya ng kaibigan ko but I don't know what his name is.
I always set my standards high when choosing guys. Always very very high. Gusto ko palagi 'yung gwapo, manly, sexy, hot, and of course malinis at mabango. In short, 'yung halos perpekto. At tsaka maingat din naman ako, it's not like I'm giving my v card right away. Duh, virgin pa ako!
"Ngayon ka pa na guilty, Sten?" Hindi parin makapaniwalang ani ni Zewy.
"Bawal ba?" Sarkastikong sagot ko.
"Hindi ako makapaniwala. What is wrong with you?"
"Nothing's wrong with me, Zeweena. I'm perfect."
"Teka! Bakit ka umaayaw na?"
"Hindi ako umaayaw. It's just that, hindi ako kumbinsido na torpe 'yan. Malay mo ay baka nag totorpe-torpehan lang siya. His look is way too manly para maging torpe, mukha pa nga 'yang chickboy."
"Eh ano naman masama 'dun? Diba gan'un naman talaga 'yung mga tipo mo? Like him?"
This girl knows me well enough than myself.
"Zewy, if you like him, go for him. I'll support you nalang."
"I like him for you! Bagay na bagay kayo!"
"You know I don't settle for a stable relationship, Zewy. Kahit jowain ko 'yan, hindi naman ako magtatagal 'jan. Mabuti pang manahimik nalang."
Napatakip siya sa bibig niya at kulang nalang ay lumuwa ang mga mata niya.
"Mananahimik ka na?! You're getting weird, Sten! May lagnat ka ba? Sinapian? Hindi ikaw 'yung best friend ko!"
I rolled my eyes at inalis ang kamay niyang kanina pa kapa ng kapa sa mukha ko. "Ako pa rin ito, bobo. I'm just too tired, okay?"
Nilapitan niya ako at sinuri ang mukha ko nang may panliliit ang mga mata. Malapit na malapit ang mukha niya. It's creepy kaya tinulak ko iyon papalayo sa akin. "Stop this nonsense, Zeweena." Napabuntong hininga ako. I have no choice but to tell her. Tss. "I'm no longer playing games, okay?"
She gasped. Gulat na gulat. "What?! So does it mean that you're settling for a serious one na?!" Masayang sambit niya. "OMG!!!! Himala happens!"
Napatampal ako sa noo ko. I can't even imagine bakit ko ba siya naging best friend.
"No." Mabilis na sagot ko. "That would never happen. Look, Zewy... I played too much game, I had too much fun, and all of those has it's ending. I can no longer have fun, I mean I can, but not like what I used to. Kung ipagpapatuloy ko lang naman iyon, I will no longer have fun forever. Like, mawawala na talaga ang lahat. I will no longer be free. Lolo was so fed up about me and everything I do, kaya binantaan niya ako na kung hindi pa ako aayos ay pababalikin na niya ako ng New York. And I don't want that to happen. This isn't easy for me okay? Hindi madali ang biglang baguhin ang kinasanayan ko. 'Yung bigla kong ititigil ang kinasanayan ko. Cooperate with me, Zewy. I don't wanna go back there, and I know you don't want too. Help me with this one."
She pouted her lips and her eyes starts watering. God, ito na nga iyong iniiwasan ko.
"Iiwan mo na ako?" Unti unti na ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya kaya napasinghap nalang ako.
"No. Kaya nga tulungan mo ako. Tigilan mo na ako sa panunukso mo, nadadala ako."
"Sige na nga! Tutulungan kitang maging good na."
Inirapan ko nalang din siya at kumain. Habang kumakain ay napapasulyap ako sa lalaking iyon, tumatawa siya ngunit hindi katulad ng mga kasama niya na todo hagalpak. Napakahinhin niya tumawa and his smile... damn. It's beautiful.
Napatingin siya sa gawi ko at nung nagtama ang aming mga mata ay agad na napawi ang ngiti niya at yumuko na lamang.
Well then, that's cute.
Napangisi nalang ako at kumain. Nang tapos na ang break time, pumasok na ako sa next class ko at gan'un narin si Zewy. Hindi kami magkaklase since iba ang kursong kinuha niya.
Business Strategic Management 101.
The most boring class ever. Tss.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay agad agad akong umupo sa pwesto ko. Nakatitig sa akin ang lahat ng mga kaklase ko na para bang nakakita ng multo.
"Omg, pumasok na siya."
Tinignan ko ng masama ang mga nagbubulong bulungan na mga kaklase ko. Ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay iyong mga chismosa. Tsk. Kaya ayoko pumapasok sa school eh.
Agad naman itong umayos ng upo at naging tahimik narin sila. Ilang saglit pa lamang ay pumasok na si professor Callahan.
Inikot ikot niya ang kaniyang paningin sa mga estudyante niya nang makatayo siya sa platform. Nang tumapat sa akin ang mga mata niya ay tila nagulat siya nang makitang nan'dun ako.
"W-wow, miss Angeles. Himala at pumasok ka na sa klase ko, for the first time sa loob ng whole semester na ito." Nakangising ani niya.
"Iyon ba ang topic natin for today?"
Natawa siya. "No, miss Angeles. I was just surprised na andito ka."
"Sana nagpaparty ka. Nakakahiya naman sa akin, ikaw pa ang nasurpresa imbes na ako."
Narinig kong nagbungisngisan ang mga timang kong classmates kaya tinignan sila ni Prof ng masama at agad din naman silang tumigil. Iyong iba ay nagpipigil parin.
"Well then, I guess, it's a pleasure to have you in my class. I thought you got kicked out?" Pambabara nito sa akin nang nakangisi.
Napaka usisero naman ng hayop na ito. "Money makes the world go round, Callahan. I'm a rich ass person. Gusto mo pati ikaw bilhin ko?" Pang iinsulto ko.
Halatang nainsulto siya sa sinabi ko at dahil duwag siya, tumigil na lang din siya at nagturo nalang. Eventually, it got boring kaya natulog nalang ako the whole discussion hanggang sa matapos.
Nagising ako nang nagpaalam na si Callahan, dali dali kong kinuha ang bag ko at lumabas na. Nasa hallway na ako, pauwi na sana nang may naalala ako.
Kinapa ko ng paulit ulit ang bulsa ng skirt ko, hinalungkad ko ang bag ko ngunit hindi ko matagpuan ang cellphone ko.
What the heck.
Dali dali akong bumalik sa classroom at pumunta sa kinauupuan ko kanina but there was nothing but a piece of paper with a note on it.
"Hi, I found your cellphone above your armchair. Thought u will be coming back here to find it so I left a note. I'm in a hurry for my next class, so if it's okay, please wait for me at the parking lot and I'll be returning it to you. Have a good day!"
Inis kong kinuyom ang paper sa kamay ko. Kung hindi ba naman siya tanga ay sana imbes na note ang iwan niya, edi sana cellphone ko nalang o di kaya ay iwan nalang niya sa dean's office para ma claim ko sa lost and found.
Ang bobo ng mga tao. Ugh!
How dare that engkanto living in a human flesh make me wait.
Pasalamat siya at importante sa akin iyong files sa loob 'nun kung hindi, hindi talaga ako magsasayang ng oras kakaantay don.
Alas singko na ng hapon at mahigit dalawang oras na akong naghihintay dito sa parking lot. 'Yung sundo ko ay wala pa rin. Bwiset. Hindi ko man lang din matawagan kase wala nga akong cellphone hindi ba?
"Sten?" Napalingon ako sa gawi ng tumawag sa akin.
"Zewy, bakit?"
"Ako dapat nagtatanong sayo nyan. Kanina pa kita hinahanap sa campus andito ka lang pala. Tapos hindi ka sumasagot sa texts and calls ko. Ano ginagawa mo rito?"
"Inaantay ko cellphone ko. Naiwan ko sa classroom tapos may nakapulot. Sa sobrang kabobohan hindi nalang iniwan 'dun sa armchair imbes na pesteng note ang ilagay."
Natawa naman siya. "Himala ah? Nag antay ang kaisa isang Kristeniah Vlauren Angeles. That person should brag about making you wait. Ako nga hindi ka pinag aantay."
"Napakadaldal mo Zeweena. Umuwi ka na nga lang!"
Tinawanan lang ako ng loka. "Ayaw mo na sumabay?"
"Hindi na. Susunduin naman daw ako eh."
"Sige, drink and drive pa more." Natatawang ani niya. "I'll go ahead. Mag iingat sila sa'yo. Love you!" Bineso muna niya ako saka siya tumakbo papunta sa kotse niya.
Siraulo talaga.
Ilang minuto pa ang nakalipas simula 'nung nakaalis si Zewy nang makarinig ako ng malakas na ringtone at laking gulat ko nang makita na nand'un na 'yung cellphone ko sa tabi ko.
Inikot ko ang paningin ko sa kabuohan ng parking lot. Hindi pa siguro nakakalayo iyong nakapulot ng cellphone ko. Kailangan ko siyang bigwasan para naman alam niya kung ano ang ginawa niya. Bobo. Tsk.
And I was right. I saw a tall, masculine and manly figure wearing his hoodie and walking slowly to i don't know where. Siya lang iyong tao maliban sa akin dito kaya malamang, siya yung nakapulot at nagsauli nito. Hindi pa siya masyadong nakakalayo. Like 3 meters aways.
"HOY!" tawag ko. Ngunit patuloy lang siya sa paglalakad as if walang narinig. Pota. "Huwag ka ngang bastos, tinatawag kita!"
Agad naman itong lumingon. Medyo madilim ang kabuohan ng parking lot dahil dumidilim na at kaunti lang iyong streetlights na nakabukas banda dito hindi kagaya ng nasa dulo ng parking lot.
Tinuro niya ang sarili niya as a way of asking na "ako ba ang tinatawag mo?"
Napairap ako at napasinghap. Napaka tanga naman nito masyado. "Malamang! May iba ka pa bang kasama? Sige, siya nalang iyong tatawagin ko." Sarkastikong sambit ko.
"Ah? Wala akong kasama eh. Kaya wala kang tatawagin. Mag abang ka nalang ng ibang students diyan tapos sila tawagin mo." Inosenteng sagot nito.
What the heck. Napaka bobo!
"May utak ka ba?! OF COURSE, IKAW ANG TINUTUKOY KO!" Inis na sigaw ko. "LUMAPIT KA NGA DITO!"
Matagal itong nakatitig sa akin, like 5 seconds, and after that, tinalikuran lang ako at patuloy na naglakad.
The nerve of this guy!
"HOY! 'WAG KA NGANG BASTOS! KINAKAUSAP PA KITA! ANG SABI KO LUMAPIT KA DITO!"
Hindi man lang siya lumingon at patuloy parin sa paglalakad. Bwisit.
Baliw ba ang lalaking ito?!
Inis akong lumakad ng mabilis papalapit sa kaniya nang maabutan ko siya. Agad kong kinalabit ang braso niya and damn, he was too masculine I can't grip it kaya ang ginawa ko ay sinuntok ko ang likuran niya.
Hindi man lang natinag at lumingon.
"Hoy! Bingi ka ba? Napaka bastos mo ah, kanina pa kita tinatawag! Sabi ko, lumapit ka."
"It's you who needs me, and not me who needs you kaya ikaw ang dapat na lumapit at hindi ako." Kalmadong sagot nito which made his voice too manly and sexy. Ugh. "See that? Kaya mo rin naman palang lumapit sa akin ang dami mo pang daldal."
Why the hell?
Who do he think he is at kaya niya akong barahin ng ganito?!
Inis akong lumipat sa harapan niya at hinarangan siya. Naka hoodie siya at medyo nakayuko dahil mas matangkad siya kaysa sa akin and since madilim nga ay hindi ko parin maaninag mukha niya.
"How dare you talk to me like that? Do you even know who you're talking to?" Inis na sagot ko habang dinuduro duro siya. "Take off your damn hoodie and talk to me!"
"Why would I? At tsaka, ano ba ang kailangan mo sa akin?" Halatang inis na sagot nito. "I don't know who you are and this is my way of talking."
Mas lalo akong naimbyerna. Huh! Hindi niya alam kung sino ako? Well, ipapakita ko sa'yo.
"Kristeniah Vlauren Angeles is standing in front of you, mister. Magbigay galang ka."
"Should I bow to you, then?"
Inis na inis na ako and I hate this feeling. Kinokontrol ko nalang ang sarili ko dahil ayokong makagawa na naman ako ng kagaguhan. And worse, iyong kinakatakutan mismo ng sarili ko.
Napasinghap ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Dahil kung hindi ay baka hindi ko na mamalayan ang sarili ko at baka kung ano pa ang magawa ko dito.
"Ikaw ba iyong nakapulot at nagsauli ng cellphone ko?"
"What cellphone?"
"Do I still have to define you what's the meaning of it?" Sarkastikong sagot ko.
"I mean, ano'ng cellphone ang tinutukoy mo? I have no idea."
Inis kong inilabas ang cellphone ko at ipinakita iyon sa kaniya. Agad naman siyang umiling. "I have no idea what you're talking about really. Wala akong napulot at isinauli na cellphone. Why would I? It's not like my responsibility."
"Wow. Ako ba ang ginagawa mong tanga dito-"
"Bakit? Tanga ka ba?" Pagpuputol niya ng sinabi ko. "Hindi ko na responsable sagutin ang mga tanong mo. Hindi ako ang nakapulot ng cellphone mo at lalong lalo na hindi ako ang nagsauli. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka jan. Now if you excuse me, aalis na ako."
Iyon lamang ang sinabi niya at nilampasan na ako. His words got me in shocked.
Inabangan ko siya hanggang sa makasakay na siya sa kaniyang kotse.
Lamborghini Aventador in matte black.
If I wasn't mistaken, iyong kotseng iyon ang palagi kong nakikita. It's like one of the cars that got my attention in this school. Those type of cars always stands out for me. But whenever I had one, I always get to wreck it or just buy another one kapag nagsawa na ako.
I treat my car just like boys, but maybe just too well than boys. Pero kapag nagsawa na ako, agad agad kong pinapalitan. Those were expensive cars, but I keep on ruining them.
Napataas ang kilay ko nang bumalik sa isipin ko ang lalaking iyon. Akalain mo? Ang yaman pala 'nun.
Hinabol ko ng tingin ang plate number nito at tsaka napangisi.
You messed with the wrong person, mister.
You don't know who you're talking to?
I'll make you know, then.