Ava's POV
"Yes Dad. Anong oras ulit ang meeting niyo?" Tanong ko.
"2PM. Your husband will join me later."
"Okay. Ingat ang goodluck." Pagpapaalam ko. May kausap silang client galing ibang bansa, kailangan nila magkaroon ng contrata dito upang makilala ang negosyo namin sa ibang bansa.
Binaba ko ang telepono at binuhat ang bunso kong anak.
"Stop playing na, you should eat na."
"Didi." Boses ni Elias, napangiti ako at hinalikan ang matambok na pisngi nito.
"What about Mommy? Say Mimi." Panguuto ko ngunit inartehan lang ako at nagpupumilit na bumaba. "No baby, we will eat na with Ate."
Sumunod naman si Elli sakin. "Mommy i have an assignment. Daddy told me that he will answer it later pagdating niya."
"Okay. Sit down and eat plenty."
Nilagay ko sa highchair si Elias at binigyan ng prutas, pinaglaruan lang naman niya ito.
"Eat some fruits din Ate." Nilagay ko sa harap ni Elli ang mangko na puno ng prutas.
Masaya akong nakatingin sa kanila, sila ang nagpapasaya sakin ngayon.
"Kumain ka na rin Hija." Sabi ni Manang.
"Sige lang po, busog pa ako. Ang dami kong nakain kanina." Nginitian ko si Manang at pinasabay na rin sa pagkain ng mga bata para isang ligpitan nalang.
----------
Napatingin ako sa orasan, It's already 4PM gusto ko sanang kamustahin sila Daddy ngunit baka hindi pa tapos ang meeting nila.
Tinawagan ko ang receptionist nila sa office.
"Hi Bernadeth, It's Ava nandiyan pa ba sila Evan?" Bungad ko.
"Mrs. Lee nasa office na po si Mr. Evan and your Dad. Katatapos lang ng meeting nila mga 15 minutes ago."
"Okay." Hindi naman ako makapagtanong ng schedule ni Evan dahil hindi ito ang personal secretary niya.
"Kasama po ba kayo sa dinner nila later Mrs. Lee?" Tanong niya.
"Dinner?" Huminga ako ng malalim. "Tell me about it."
"Your husband set a fancy dinner later po, ako po yung pinatawag niya sa restaurant dahil busy po ang secretary niya."
"Give me the complete address of that restaurant and the time. Thank you."
Nagpaalam ako dito pagkatapos niyang ibigay ang address ng restaurant. Nagset si Evan ng dinner para sa parents ko without even inviting me. How stupid na hindi ko malalaman ang plano niya.
"Manang ikaw na muna ang bahala sa mga bata may pupuntahan lang ako." Tumango naman ang matanda.
----------
Nagayos ako, nagbihis at nagsuot ng sexy na damit. Ngayon ko lang ulit makikita si Kylie at hindi ako magpapatalo sa kanya, ayokong makita niya akong parang katulong.
Dalawang oras ko inayos ang sarili ko. Tamang tama may 30 minutes pa ako papunta sa restaurant. 7PM ang schedule nila duon.
Nagpaalam ako kay Manang, nagulat pa nga ito nang makita ako. Bakit daw ako nagpaganda? Naninibago siya, sana ganito nalang daw ako palagi.
Dinala ko ang sasakyan ko at nagpark sa harapan ng restaurant. Nakita ko rin ang sasakyan ni Evan, mabuti naman at nauna silang dumating.
"Goodevening Ma'am." Bungad ng isang staff.
"I'm looking for Mr. Lee. I'm his wife." Nakangiting sabi ko ngunit grabe ang kaba ko.
Tinuro niya kung saan sila Evan nakaupo. Habang papalapit sa kanila tila bumagal ang pagikot ng mundo. Ramdam ko ang sakit sa bandang dibdib ko.
I feel betrayed. Magkatabi si Mom and Dad, ganun din si Evan at Kylie. They seemed happy that I was not with them, feeling ko sa mga oras na ito nakalimutan nila ako.
May tumulong luha sa mata ko. Pinunasan ko ito at tumakbo papunta sa cr. Napahagulgol ako at tumingin sa salamin. Nagflaflash back sa utak ko yung nakita ko kanina, masaya silang naguusap halatang comportable sa isa't isa.
May umubo sa likuran ko kaya masama akong napatingin dito.
May lalaki sa harapan ko, may hawak itong tissue. "Don't waste your tears."
"Who are you? Bakit ka nasa cr ng babae? Manyak ka noh."
Tumawa ito ng mahina. "Ako manyak, baka ikaw."
Dahil sa pagkainis ko sinampal ko siya sa pisngi. "Kapal ng mukha mo, ikaw ang manyak."
Naiinis na rin ang lalaki ngunit nagtitimpi lang ito. "I think your in the wrong restroom. Pakicheck nalang yung signage. Excuse me i'm going to pee."
Napatingin ako sa signage at laking gulat ko na panlalaki ang napasukan ko. "Oh God. Sorry." Nahihiyang sabi ko. "Sa kabila pala dapat ako. Sorry talaga, masakit ba?" Tanong ko, namumula kasi ang pisngi nito.
"Malamang. Umalis ka na nga, baka silipan mo pa ako."
Mabilis akong lumabas ng cr at nagretouch sa girls restroom. Hiyang hiya ako sa lalaki, mukhang bata pa naman ito. Pagkatapos kong mag-ayos, pumunta na ako kung nasaan sila Evan.
"What did I miss?" Sabi ko sa kanila, lahat sila ay napatingin sakin.
Humalik ako sa pisngi ni Dad at Mom.
"Ahh, hon what are you doing here?" Tanong ni Evan.
"I'm here because my parents is here." Sagot ko sa kanya with a plastic tone.
"Sit here." Akmang tatayo siya sa kinauupuan niya nang pigilan ko ito.
"No need. Waiter can I have some chair here please." Sabi ko kaya binigyan ako kaagad ng upuan. Umupo ako sa gitna.
"I thought your busy. Pinatawagan kita kay Evan sabi niya hindi ka makakapunta." Si Dad. Napatingin ako kay Evan.
Sinungaling talaga! Pati parents ko dinadamay niya sa kasinungalingan niya.
"Yes Dad, busy kasi ako kanina. Pero buti na lang nakaabot ako. Actually i'm hungry." Tumango si Dad at tinawag ulit ang waiter para sa order ko. "So what did I miss?"
"Your Dad got a contract anak." Si Mom.
"Omg talaga Mom. Congratulations Dad."
"Thank you and that's because of Evan. Kilala mo naman ang secretary niya right?"
"Yes. Kilalang kilala." Makahulugang sabi ko. "Hi Kylie, it's nice to see you again. How are you?"
"I'm good. Thank you." Nagiwas ito ng tingin. Mas lalo itong gumanda kaya siguro patay na patay parin si Evan sa kanya. "What about you Ava?"
"I'm verry good." Sagot ko.
Masayang nagkwento si Dad sa nangyari kanina sa meeting.
Naaawa ako dito, sobra sobra ang binigay nilang tiwala kay Evan. Hindi nila alam na niloloko lang sila pati na rin ako na anak nila.
Tila naiilang ang dalawa kasi nandito ako. Kung kanina pabida si Evan ngayon hindi na ito nagsasalita.
"The food is delicious." Masayang sabi ni Mom. "We really enjoyed it Evan. Thank you."
"Your welcome po."
Ring ring ring
Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko, ngunit sa hindi inaasahan nabitawan ko ito kaya nahulog sa sahig, yumuko ako para kunin.
Laking gulat ko nang makitang magkahawak kamay si Kylie at Evan sa ilalim ng lamesa.
"Did you find it anak?" Tanong ni Dad, tumango ako at hindi makapaniwala sa nakita.
"Strawberry pudding po ang favorite dito ni Elli." Singit ni Evan.
'Tutal nandito na ang lahat. Tapusin na natin ito Ava Cecil.' Bulong ko sa sarili.
"Mom, Dad." Napatingin sila sakin. Akmang hahawakan ni Evan ang kamay ko nang iniwas ko ito. "I want a divorce."
"Anong sabi mo Ava?" Galit na tanong ni Dad.
"I want to divorce Evan." Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.