Chapter 7

1207 Words
Ava's POV Hinawakan ni Evan ang braso ko. "I'm sorry po, maguusap muna kaming magasawa." Pagkatapos ay hinatak ako nito palabas ng restaurant. "Ano ba nasasaktan ako." Pagpupumiglas ko. "Wag ka gumawa ng eksena dito, nakakahiya sa mga tao." Galit na sabi niya. "Nakakahiya? ikaw ang dapat mahiya. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo, sa harap pa talaga ng magulang ko Evan." Pinasakay ako nito sa sasakyan niya at pinatakbo ng mabilis. "Ano bang pumasok sa utak mo at sinabi mo yun? Nagiisip ka ba Ava." "Oo, hindi ako tanga Evan. You should be verry happy kasi sa wakas natupad na ang pangarap mo. Yung makalaya sakin. You should thank me kasi ako na naman ang gumawa ng paraan. F*ck! Stop the f*cking car." Sigaw ko, hininto naman niya ang sasakyan kaya mabilis akong bumaba. "Ava. Ano ba? T*ngina naman!" Tumigil ako sa paglalakad at pinikit ang mata. Pagod na ako, pagod na pagod na. "Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" Lumapit ito sakin. "Minahal lang naman kita. Limang taon akong nagtiis at umasa na darating ang araw na mamahalin mo rin ako. Nagtanga tangahan ako, pinagtanggol kita sa kanila. Ginagawa ko yung gusto mo kahit nakakababa sa pagkatao ko. Wala akong hininging kapalit kundi mahalin mo lang ako." Napahawak ako sa ulo nang makaramdam ng pagkahilo ngunit binalewala ko lang ito. "Ava tumigil kana please." "Galit ka sakin? Then i'm sorry, inaako ko na ang kasalanan ko. Nang dahil sakin hindi ka naging masaya, nang dahil sakin nasira ang buhay mo ang pinapangarap niyo ni Kylie." Umiiyak na sabi ko. "Nakakapagod na Evan. Sobrang sakit na paulit ulit mo akong pinagtatabuyan. Palayain na natin ang isa't isa. Hayaan mo akong makabangon ulit kasi hindi ko na kaya. Maawa ka naman sakin at sa mga anak mo, wag na tayo maglokohan." "Ava your bleeding." Nakita ko ang pagaalala sa mukha nito. Napatingin ako sa legs ko, may dugo ito kaya nakaramdam ako ng takot. "Oh God No. Please help me." Napahagulgol ako. Kinarga ako nito at pinasakay sa sasakyan. Mabilis niyang pinaandar upang makarating sa pinakamalapit na hospital. Iyak lang ako ng iyak, hindi ako makapagisip ng maayos. Pinahiga ako sa hospital bed at tinakbo papunta sa ER. "Evan please i'm scared. Don't leave me here." Sabi ko habang mahigpit na hawak ang kamay nito. Sa totoo lang takot ako sa hospital, gusto ko laging may kasama. "I'm here. I'm not gonna leave you Ava." Hindi ko naintindihan ang sinabi nito. Nagblurred na ang paningin ko at unti unting bumagsak ang mata ko. Evan POV Palakad lakad ako sa labas ng ER, hinihintay ko na lumabas ang doctor. Masama ako kay Ava at aaminin ko yun, pero tao ako may pakiramdam. Nagaalala sa mga taong nakapaligid sakin lalo na't siya ang ina ng mga anak ko. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung tama ang kutob kong buntis siya pero bakit hindi niya sinabi. Bakit kailangan ngayon ko pa malalaman? Lumabas ang doctor sa ER. "What happen to her Doc?" Tanong ko. "Your wife is having a miscarriage. She's 3 weeks pregnant. May alam ka ba dito?" Tila nanlambot ang buo kong katawan. Ang sakit! "What! H---hindi ko alam." Napasabunot ako sa buhok at hindi makapaniwalang tumingin sa doctor. "You wife needs you right now, miscarriage is not a joke and i'm sorry for your loss. " Huminga ito ng malalim."Ililipat na siya ng kwarto." Tumango ako. May tumulong luha sa mata ko. This is all my fault, i'm such a bad father. Napatingin ako sa phone ko, tumatawag si Kylie. Hindi ko ito sinagot bagama't tinawagan ko ang parents ni Ava at pinaalam ang nangyari. ---------- "What happen to our daughter Evan?" Nagaalalang tanong ni Dad. "Dad, hindi ko po alam na buntis siya. We are just fighting then nakita ko may dugo na. I'm really sorry." Napayuko ako. Napapikit ang Daddy ni Ava pagkatapos ay huminga ng malalim. "It's not your fault." Napakabait sakin ng pamilya ni Ava, alam kong mali ang ginagawa ko ngunit mahal ko si Kylie. Noon hanggang ngayon si Kylie parin ang laman ng puso ko, mali sa mata ng tao at sa diyos pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Inaamin kong nagkagusto ako kay Ava noong collage kami ngunit pinigilan ko ito dahil alam kong may girlfriend ako. Ang pamilya ni Ava ang tumulong sa pamilya ko, nagpaka-asawa siya sakin at nagpaka-ina sa mga anak ko. Alam kong mahal na mahal ako nito ngunit binalewala ko. Lahat ginawa niya para sakin at nakikita ko yun. Nakikita ko na pinipilit niya ang sarili sakin. 'I don't deserve her love, hindi ako ang taong makapagpapasaya sa kanya. Mali ang naging desisyon niya na mahalin ako." Ayoko itong makitang umiiyak ngunit sa limang taong pagsasama namin. Patago niyang tinatago ang emosyon. Hindi nito pinapakita sa mga bata kung gaano kasakit ang mga salitang binibitawan ko sa kanya. ---------- Pinauwi muna ako nila Mom para makapagpahinga. Wala ako sa sarili habang papasok sa sala, nakita ko si Elli na gumagawa ng assignment niya. Sinabi ko pala dito na ako ang magtuturo sa kanya sa assignment niya. Nakalimutan ko na naman. "Baby. What are you doing? Bukas na yan." "It's okay Dad, i know your tired. Ako nalang gagawa ng homework ko. And i'm also waiting for Mommy. I can't sleep without her." Sabi ni Elli, kung magsalita ito akala mo matanda na. Huminga ako ng malalim. "Baby your Mom is in the hospital. Tomorrow pa siya uuwi. Let's just sleep, tatabi muna ako sainyo ni Elias." Nakita ko ang pagaalala sa mukha nito ngunit tumango nalang at niligpit ang gamit niya. Humawak ito sa kamay ko. Alam kong may tanong ito sa isip niya, ganun naman ang mga bata diba, pero mas pinili niyang manahimik. Akmang papatulugin ko na ito nang tumunog ang phone ko. Kylie is calling. "Wait me here, i'll just answer this." Tumango si Elli. Pumunta ako sa labas ng kwarto. "Hello." "Evan what happen to Ava? Nasa hospital daw kayo?" Napangiti ako sa boses nito halatang nagaalala kay Ava. "She's in the hospital pero ako nakauwi na sa bahay. Pinagpahinga muna ako nila Dad. What about you paano ka nakauwi?" "Naggrab nalang ako." Yan ang nagustuhan ko kay Kylie. Hindi siya mahirap mahalin, she's caring kahit sa mga taong kagalit niya. "Thanks god that your safe. Sige na matulog kana. I love you." "I love you too. I'll see you tom." Hindi ako sumagot dito, sabi ng doctor kailangan ako ni Ava ngayon. Bilang asawa nito sa papel, i need to help her moving on. Kahit naman ako masakit para sakin ang nangyari, ni minsan hindi pumasok sa isip ko na idamay ang mga bata sa galit ko kay Ava. Nilagay ko sa bulsa ang phone ko at bumalik sa kwarto ng mga bata. Nakita ko silang mahimbing na natutulog. Kanina sa crib natutulog si Elias, nilipat ko lang ito sa kama para madali kong mapatahan kapag umiyak. Tinitigan ko sila, napangiti ako nang yumakap si Elli sa kapatid. 'Being a father of Elli and Elias is the best part of my life na hinding hindi ko pinagsisisihan.' --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD