Ava's POV
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Masakit ang likod ko tila isang buong araw akong nakahiga.
Tumingin ako sa paligid, nakita kong natutulog si Evan sa gilid ko.
It's already 3:30PM, hindi ito pumasok sa trabaho para bantayan ako. Napatitig ako sa maamong mukha nito, wala na yung Evan na kilala ko noon. Nabalutan na ito ng galit at sakit nang dahil sakin.
'Bakit ko siya sinasaktan? Gusto niya lang naman mahalin ang babaeng nilayo ko sa kanya. Ang sakit lang kasi ako yung naging thirdwheel sa love story nila.'
"Your awake. Tatawag ako ng Doctor." Nagaalalang sabi niya.
"No need. Pahingi nalang ng water please."
"Sure ka?" Tanong niya, halatang wala pa itong tulog. "Here, ubusin mo yan."
"Thank you." Pasasalamat ko.
"Ava. May kailangan kang malaman." Malungkot nitong sabi.
Nagtataka akong tumingin dito. "Bakit?" Wala akong idea sa nangyari, ang alam ko lang nahilo ako at nawalan ng malay. "What happen Evan?"
"You were 3 weeks pregnant. We loss the baby." Napaawang ang bibig ko, hindi makapaniwala sa sinabi nito. "I'm sorry."
Nagsimula nang tumulo ang luha ko. "Gusto ko muna mapagisa Evan."
"But--"
"Please. Hayaan mo muna ako."
Tumango ito at lumabas ng kwarto. Hinawakan ko ang tiyan ko. "M---my baby, bakit kailangan madamay ka pa. Ang sakit sakit! Hindi man lang kita naramdaman." Umiiyak na sabi ko.
Ilang minuto rin akong umiyak hanggang sa napagod at nakatulog.
----------
"You should eat a lot of fruits anak, kailangan mong magpalakas. Hinihintay kana ng mga apo ko."
Huminga ako ng malalim. "Mom, Dad." Napatingin sila sakin. "Totoo po yung sinabi kong gusto ko na makipaghiwalay kay Evan."
"Are you crazy Ava? Nagaway lang kayo, part ng relationship yan. Kapag okay kana think again." Kalmadong saad ni Daddy.
"No need Dad, hindi ko na po mahal si Evan. Desisyon ko po ito, walang kinalaman si Evan dito." Umiiyak na sabi ko.
Huminga ito ng malalim. "Paano ang mga bata? Lalaki silang walang buong pamilya."
"We can be parents kahit na hiwalay kami. Gusto ko lang din muna makahinga, alam kong mali na nagmadali ako. Hindi ko naman mababalik ang nakaraan pero may pagasa pa akong itama ang lahat."
"Fine. It's your life, siguraduhin niyo lang na hindi makakaapekto sa mga bata ang desisyon niyo."
"Thanks Dad." Yumakap ako dito. Kahit galit palagi ang Daddy sakin, ramdam ko na mahal na mahal niya ako. Ginagawa niya lang ang nakakabuti sakin na anak niya.
----------
Nakauwi na ako ng bahay, hindi alam ni Evan na nakalabas na ako ng hospital.
Ayoko siyang istorbohin kasi birthday ni Kylie bukas, sigurado akong naghahanda ito ng surprise para sa babae.
"Mommy welcome home. I missed you." Pagsalubong ni Elli sakin.
Napangiti ako nang may hawak pa itong bond paper. She's really cute, yung mga ganitong bagay nalang ang nagpapasaya sakin.
"Thank you baby. I missed you too, kayo ni Elias." Sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanila.
3 days lang ako sa hospital pero yung pagkamiss ko sa mga anak ko parang isang taon akong nawala.
Nagbonding kami ng buong araw, pinagluto ko sila. Si Elias pakarga ng pakarga sakin, naglalambing ayaw magpababa.
Gabing gabi na nang umuwi si Evan, hindi kami nagkita kasi dito ako natulog sa kwarto ng mga bata.
Nagkasalubong kami sa kusina pero dedma lang ako. Hindi ko siya ginawan ng coffee kaya siya ang nagtimpla para sa sarili niya.
Tama nga ako na birthday ni Kylie kinabukasan, hindi kasi umuwi si Evan, sabi niya may tatapusin pa siya at umaga na siya makakauwi.
----------
Tulog na ang mga bata, nandito ako sa labas ng terrace nagpapahangin at nagiisip.
Hindi ko namalayan na pumunta pala siya dito sa kwarto ng mga bata para silipin ang mga anak niya.
"Nandito ka pala. Lumalamig na pumasok kana." Sabi niya, akmang tatalikod na ito nang tawagin ko ang pangalan niya.
"Evan."
Ngayon ko lang ulit siya kinausap kaya nagulat ito. "Why?"
Humarap ako dito. "Bukas lilipat na kami kila Mommy." Nalilito siyang tumingin sakin. "Pumayag na sila na magdivorce tayo."
Bilog na bilog ang buwan at kumikinang ang mga bituin sa kalangitan, magkakahiwalay sila at napakagandang tingnan. I think this is the sign.
"Alam kong marami akong kasalanan sayo at gusto kong itama lahat ng yun. I tried everything para mahalin mo ako pero wala parin. Nasasaktan ka lang at nasasaktan din ako."
"Galit ako sa sarili ko kasi umabot pa tayo sa ganito, yung mawala ang anghel sa buhay natin. This is all my fault." Tumulo ang luha ko sa mata.
"Sorry naging makasarili ako. I'm really sorry Evan. Sana dumating ang araw na bumalik yung dating ikaw. Sana maging magkaibigan ulit tayo." Dahan dahan akong lumapit dito para yakapin siya.
Dinama ko ang katawan nito. I will miss everything about him, yung pagsusungit niya, yung pagpapagalit niya na akala mo naman nagseselos sa iba.
"I don't know what to say." Mahinang sabi niya.
Humalik ako sa pisngi niya. "I love you Evan. I'm letting you go. Please be happy." Bulong ko at iniwan siyang magisa.
Sobrang sakit! Pero sa una lang yan, kapag dumating ang araw na hindi ko na siya mahal. Itatawa ko nalang yung mga ganitong alaala.
----------
"Ingatan niyo po ang bahay Manang. Ikaw na muna ang bahala kay Evan." Bilin ko sa kasambahay.
"Oo naman, magiingat kayo ha. Dumalaw kayo dito sakin."
Tumango ako at ngumiti. "Sympre naman po. Kayo na pong bahala sa lahat. Kapag nagising si Evan at hinanap ang mga bata. Pakisabi nasa bahay sila ni Daddy."
Napamahal narin sakin ang bahay na ito. For five years dito kami tumira, dito nabuo ang pangarap kong masayang pamilya.
Nakakalungkot lang kasi hindi na yun matutupad dahil sa kasakiman ng ugali ko.
Kinarga ko si Elias at pinalagay sa driver ang lahat ng maleta namin.
"Let's go Elli." Malungkot na sumunod si Elli sakin.
----------
"Daddy, dito muna kami pansamantala. Bukas maghahanap po ako ng trabaho." Sabi ko.
Kararating lang namin dito sa bahay ng parents ko, pinapaayos lang sa kasambahay ang kwarto ko kaya nandito pa kami sa sala.
"Ang dami mong alam Ava, anong ginagawa ng companya natin. Hindi mo na kailangan magpasa ng kahit na ano. Pumasok ka nalang."
"Dad, kaya ko ang sarili ko. Ayokong umasa sayo at sa companya natin." Sabi ko, sa totoo lang tama si Dad, pwede ako pumasok nalang bigla sa companya namin. Hindi lang siguro ako ready na makitang magkasama si Evan at ang secretary nito.
"Bahala ka! Malaki ka na." Lumapit ito sakin at kinarga si Elias. "My handsome baby Elias, kamukha ka ni Lolo noh. Stress na ako sa Mommy mo. Ang tigas ng ulo."
Ngumiti si Elias at nagpapadyak ng paa. Ang swerte ko sa parents ko, mahal na mahal nila ang mga anak ko.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.