Ava's POV
"Mommy where are you going?" Tanong ni Elli, nilagyan ko ng gatas ang baso niya.
"I have a work interview, pray for me okay." Ngumiti ito at tumango, nakabihis na ako dahil after ng breakfast aalis na ako.
"Goodmorning Everyone." Bati ni Dad, mukhang maganda rin ang gising nito kaya natawa kami ni Elli.
Kailan ko ba naramdaman ang ganitong saya? Kapag sa bahay kasi seryoso kami, ayaw kasi ni Evan ng maingay tapos bababa siya para uminom ng coffee magbabasa ng newspaper at aalis na para pumasok sa opisina. Ganun ang routine namin noon.
"Goodmorning Dad. I prepare breakfast, pwede bang sabay sabay na tayong kumain. Namiss ko ito eh." Nakangiting sabi ko.
"Yes, pababa narin ang Mom mo. Where's Elias?" Tanong niya, umupo na ito sa tabi ni Elli.
"Tulog pa po. Maaga lang akong nagising dahil nga my job interview ako." Naeexcite na sagot ko.
Nilagyan ko siya ng sinangag na kanin at tuyo.
"Good for you." At nagthumbs up ito. "Ako nalang ang maglalagay ng kanin anak. Naku ka! Hayan na ang Mommy mo."
"Mom let's eat." Pagyayaya ko.
Masaya ako dahil naaappreciate nila yung mga simpleng ginagawa ko na never ko naramdaman kay Evan.
"Wow, ang sarap naman niyan. Diet pa naman ako pero kakain ako anak." Umupo si Mom sa tabi ni Daddy.
"Wait check ko lang si Elias." Sabi ko, nakita ko itong kagigising lang. "Maganda ang gising ng baby namin." I kissed his
cheek, sinama ko siya sa dining at pinaupo sa high chair niya.
Nagkwentuhan kami habang kumakain, nagkwento din si Elli about sa mga new friends niya sa school.
Ding dong ding dong
Nakarinig kami ng doorbell ngunit hindi namin ito pinansin.
"That was funny Dad, i think highschool pa ako nun." Natatawang sabi ko. "Worst day ever ko yun."
May umubo sa likuran namin kaya napatingin kami dito. Nagulat ako nang makilala kung sino ito.
"Daddy." Tumayo si Elli at yumakap sa ama.
"Nandito ka pala Evan, halika na't sumabay ka samin kumain." Alok ni Dad. "Nagluto si Ava ng masarap na almusal."
"I'm done po. Thank you. Nagpunta lang ako para makita ang mga bata."
"Aalis na rin po ako Mom, Dad." Singit ko sa paguusap nila "Baka malate ako sa first job interview ko. Elli, don't forget to drink your vitamins. Okay?" Tumango si Elli.
Hindi ko maipagkakaila na umiiwas ako kay Evan pero hindi ako galit sa kanya. Kapag kinausap niya naman ako kakausapin ko rin siya.
----------
Dumating ako sa sss Corporation, napakalaki pala ng company nila. Kailangan ko ng magmadali dahil 15 minutes nalang magsisimula na ang interview ko.
Matraffic ngayon, naghanap pa ako ng parking ng sasakyan ko kanina.
"Uhm. Mr. Wilson po. I have an interview" Sabi ko sa receptionist.
"Ms. Lee? Yes po hinihintay ka na ni Mr. Wilson."
Tumango ako, hinatid ako nito kung nasaan ang board room. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko para akong nasa isang luxury hotel.
"Ms. Lee." Napatingin ako nang may tumawag sa pangalan ko. Matanda na ito, mga nasa 70's na ang edad.
"Goodmorning po Sir. I'm Ava Lee." Pagpapakilala ko.
"Nice meeting you Ms. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. You're hired as a new secretary of my grandson."
"Po? Hindi niyo na po titingnan ang resume ko." Nagtataka kong tanong.
Paano nalang kung masama akong tao, ang bilis naman niyang magtiwala sakin.
"No need, nakikita ko naman na mapagkakatiwalaan ka. I will offer you 60 thousand a month iba rin ang mga benefits mo. Kapag tumagal ka dadagdagan ko pa yan ng 20 thousand."
Napaawang ang bibig ko, hindi ako makapagsalita sa laki ng offer nito."T---thank you po." Masaya akong nakipagkamay sa matanda.
Nagbigay ito ng backgroud tungkol sa apo niya, matigas daw ang ulo nito at hindi sumusunod sa kanya. Isip bata daw at sobrang maloko. Pagdating naman sa trabaho seryoso at mainitin ang ulo. Last secretary niya, tinakot daw nito sa elevator dahil tatanga tanga, nagresign tuloy.
May konting kaba akong nararamdaman lalo na't first job ko ito, pero kakayanin naman para sa mga anak ko. Tsaka pwede naman ako magresign kapag hindi ko daw kaya.
Next week na ang start ko, excited akong umuwi para sabihin kila Dad ang masayang balita.
----------
Huminga ako ng malalim at nagpalit na naman ng pwesto. Hindi ako makatulog, parang namamahay ako kung kailan 1 week na ako dito sa bahay ng parents ko.
Tila may kulang at alam ko kung sino ito. Kamusta na kaya siya? Masaya kaya siya o nakakaramdam rin siya ng lungkot?
"Stop thinking about him. Paano ka makakamove on niyan." Pagsisita ko sa sarili.
----------
Kinabukasan maaga akong nagising dahil first day ko sa trabaho.
"I love you baby. I'll go ahead." Hinalikan ko ang pisngi ni Elli. "Mom, Dad i have to go." Pagpapaalam ko.
Dinala ko ang sasakyan para hindi ako mahirapang magcommute.
Pagdating sa opisina, late ako ng mga 3 minutes. Nandun na daw ang boss ko at hinihintay ako.
Tatlong beses akong kumatok bago binuksan ang pinto.
"Your late Ms. Secretary." Boses ng lalaki, napatingin ako dito. He looks so young, akala ko kasing edad ko ang magiging boss ko.
Nakapatong ang paa nito sa lamesa.
"Ikaw po ang boss ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumaas ang kilay nito. "Offcourse, i'm your boss dummy."
"Oh. You're Mr. William. I'm Ava your new secretary Sir." Ngumiti ako dito.
"Arrange my papers on the table." Utos nito, wala man lang please.
Tumango ako at akmang hahawakan ang mga papel nang. "Malamang hindi ka dito magaayos sa table ko, dun ka sa table mo."
Kinuha ko ang mga papeless sa ibabaw ng table niya at nilagay sa table ko. "Chronological order ha." Tumango ako at ngumiti. Bida bida siya!
Malaki ang opisina niya, buong 16th floor ang sakop nito, pagbukas mo ng elevator, lakad ka lang ng konti table ko na. Then my glass door para makapasok sa opisina ni Sir Willam.
Iba't ibang department bawat floor. Ako lang at ang boss ko ang magkasama sa 16th floor.
Napakamot ako sa ulo sobrang dami nito pero kailangan ko magpakitang gilas, first day ko eh.
----------
Tanghalian na, sumilip ako sa opisina nito. Hindi ko alam kung magpapaalam ako para maglunch o hindi.
Kumatok ako. "Sir maglunch lang po ako."
Hindi ako pinansin nito, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Masama talaga ang ugali! Kung kapatid ko to kanina ko pa tinuktukan ito.
Habang nasa pantry may mga naging kaibigan ako.
"Sobrang gwapo ni Sir William guys." Sabi ni Lea, finance department.
"Sinabi mo pa, makalaglag panty hahaha." Sabi naman ni Jefina, Jeffrey ang tunay na pangalan nito.
"Ui bakla hindi ka nagpapanty noh. Baklang to. Pero sino kaya ang maswerteng babae na magugustuhan ni Sir, biruin mo at the age of 21 successful na siya."
"Lalo na kapag nagkaedad, siguro kamukha niya si superman." Kinikilig na sabi nila.
Nakatingin lang ako sa kanila habang tumatawa, medyo nahihiya pa ako tsaka kailangan ko magmadali dahil may tatapusin pa ako.
"21 palang siya. Ang bata niya pala para maging Ceo ng isang company."
"Matalino si Sir William. Tsaka ang main reason talaga ay tumatanda na ang lolo niya. Siya nalang ang inaasahan ng company nila. Pero wag ka sobrang babaero yan si Sir, tsaka live a life to the fullest."
"Yeah alam ko yan last time nakita ko yan sa isang sikat na bar, kasama ang isang beauty queen. Grabe ang wild nila. Aray!" Binatukan siya ni Rii, isa sa treasury department.
Tumawa kaming lahat. "Kabastusan mo din Jelitita. May bago tayong kasama oh." Tinuro ako.
"Ikaw nagagwapohan ka ba kay Sir William?" Napatingin sila lahat sakin halatang naghihintay ng sagot ko.
"Uhm... I have to go 1PM na pala. Magusap nalang ulit tayo bukas." Sabi ko at nagpaalam sa kanila.
Nagretouch ako at bumalik na sa trabaho.
----------
Ring ring ring
"Hello baby." Bungad ko sa panganay ko.
"Are you going home na?" Tanong nito, napatingin ako sa orasan 7PM na pala hanggang 6PM lang kami. Hindi ko namalayan ang oras.
Infairness sa boss ko, hindi ito palautos, hindi ako tinawag ng buong araw kaya malaya kong ginawa ang pinagagawa niya.
"I'm going home na." Sumilip ako sa office nito. Nandun pa din siya. "I'll say goodbye lang to my boss. See you later." At nilagay sa bag ang phone ko.
"Sir tapos na po ako. San ko po ito ilalagay?"
"Your done? Chronological order?" Hindi pakapaniwalang tanong nito. Tumango naman ako. "Patapon nalang."
"What?"
"Hindi mo ako narinig? Patapon kasi kalat lang yan."
"P---pero, okay po." Tumalikod ako dito, inis na inis ako. Itatapon lang ang isang buong araw kong pinaghirapan.
Napahilamos ako sa mukha. Labag man sa loob ko pero sinunod ko ang utos nito.
Naiinis kong niligpit ang gamit ko, hindi na ako nagpaalam kasi baka matiris ko lang siya.
It's been a tiring day, I miss my kids.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.