Evan's POV
"Alam kong marami akong kasalanan sayo at gusto kong itama lahat ng yun. I tried everything para mahalin mo ako pero wala parin. Nasasaktan ka lang at nasasaktan din ako."
"Galit ako sa sarili ko kasi umabot pa tayo sa ganito, yung mawala ang anghel sa buhay natin. This is all my fault." Tumulo ang luha nito sa mata.
Napabangon ako at tumingin sa paligid. It's been 1 week na akong ganito, hindi makatulog ng maayos parang may kulang sakin at alam kong mga anak ko yun. I need to see them tomorrrow.
Napahilamos ako sa mukha, bakit ko ba laging napapaginipan ang paalam ni Ava.
I should be happy dahil kapag tuluyan na kaming nagdivorce malaya na kami ni Kylie.
Pinilit ko ulit makatulog at inalis sa isipan ang lahat.
Kinabukasan.
"Magkape ka muna Evan." Napatingin ako kay Manang, ganitong oras nagbreakfast na ang mga anak ko. May nakahanda na rin akong kape na gawa ni Ava.
Ngumiti ako at tinikman ang kape, napaubo ako. "Sige Manang, nagmamadali na ako. Sa office nalang ako magcoffee." Ang pait ng tinimpla ni Manang, hindi ko ito gusto.
-----------
"Goodmorning." Humalik si Kylie sa pisngi ko. "Bad morning?"
"Nope. Kulang lang ako sa tulog. But i'm okay nakita na kita eh." Namula ang pisngi nito.
Kylie Kitt the women that I love mula noon hanggang ngayon.
"Bumabawi kasi hindi nakapunta sa birthday ko last week." Natatawa niyang sabi. "But thank you for the flowers, i really appreciate it."
Last week ang birthday nito, gusto ko sana siyang surpresahin ngunit marami akong tinapos dito sa opisina. Dito na ako nakatulog.
Akmang hahalikan ako nito nang magring ang phone ko.
"Hello baby."
"Daddy, i missed you. Can you visit me after your working hours." Paglalambing ni Elli.
Binigyan ko siya ng phone para may contact kami sa isa't isa. Last time kasi sa phone ako ni Ava tumatawag.
"Oo naman. You want pasalobong? I'll buy you and Elias."
"Uhm... Donut, spaghetti and pancake."
"Okay. I'll see you later. I love you." Pagpapaalam ko.
Umupo ako sa swivel chair ko at ginawa ang dapat gawin. Pumirma ng sandamakmak na papeless at contrata.
"Coffee." Sabi ni Kylie at kinindatan ako.
Hindi kami makapagmoment kapag nandito sa office, were so busy minsan hindi na ako nakakain ng tanghalian.
Kapag uwian naman, hinahatid ko siya sa condo niya bago ako umuwi ng bahay. Minsan nagstay ako dun for hours at dun na rin ako kumakain ng dinner. Paulit ulit lang ang ginagawa ko araw araw, nakakasawa pero ganun talaga ang buhay.
Ang mga anak ko ang stress reliever ko but sad to say tulog na sila kapag dumadating ako.
----------
"I need to go. Magkikita kami ng mga friends ko." Humalik ito sa labi ko.
"Aalis na rin ako, dadaan pa ako sa mga bata." Tumango ito.
Alam niya na magdidivorce na kami ni Ava, masaya ko itong binalita sa kanya. For now tiis tiis lang muna kapag okay na ang lahat yayayain ko na rin siyang magpakasal.
Bahala na si Ava kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya, basta maalagaan niyang mabuti ang mga bata okay na ako dun.
Bumili ako ng pasalobong for my kids. Nakapagusap na rin kami tungkol sa mga bata, hahayaan niya akong dumalaw kung kailan ko gusto. Pwede ko rin silang hiramin para ipasyal o matulog sa bahay ko.
"Baby." Masaya kong sinalubong si Elli. "Did you miss me?"
Mahigpit itong yumakap sakin. "Yes Dad. I missed you so much."
"Here's my pasalobong." Inabot ko sa kanya ang dala ko. "Where is Elias?"
"His with Lolo." Bumungad ang ama ni Ava sa harapan ko kaya nagbless ako dito.
"Goodevening po. Pwede ko po bang kargahin si Elias?"
"Oo naman, walang bukang bibig yan kundi Didi. Kapag wala naman si Ava Mimi."
Napatingin ako dito, wala si Ava? Diba siya ang nagbabantay sa mga bata. Ano na naman kayang ginagawa nito? Bakit ba ako nagtatanong? Hindi niya na ako asawa at wala na akong pakialam sa kanya.
Nagkwentuhan kami ni Dad tungkol sa opisina pagkatapos hinayaan niya akong makipaglaro sa mga bata.
Tapos na din kaming kumain ng dinner.
Lumipas ang ilang oras. "9PM na po pala." Pagpapapansin ko, wala parin kasi si Ava sigurado akong nakipagchismisan pa yun kay Liza.
Napailing ako. Akala mo walang anak kung makauwi ng gabi. "Naku! 9PM na pala, pauwi narin yun si Ava. Nagovertime na naman siguro."
"Po? Nag-overtime."
Tumango si Dad. "May trabaho na si Ava, sa sss Corporation. Akala ko alam mo."
"B---bakit po hindi sa company natin?" Nalilito kong tanong.
"Ewan ko ba dun pero natutuwa ako. Hindi na siya umaasa samin ng Mommy niya, may sarili na itong desisyon at nang dahil yun sa tulong mo Evan." Ngumiti ito.
"Sana kahit hindi na kayo, wag mong hayaan na masaktan ang anak ko. Alam kong mabait kang bata at hindi mo pababayaan ang mga anak mo, sana ganun ka din kay Ava. Alam mo naman yun may saltik."
"Maiintindihan mo rin ang sinasabi ko kapag nagkaroon na ng sariling pamilya ang mga anak mo." Makahulugang sabi nito. "Sympre we want the best men or women for our children, hindi natin hahayaan na masaktan sila."
"I know Dad, kaya i'm verry thankfull to you. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga ginawa mo para sakin." Sabi ko bago huminga ng malalim. "Kailangan ko narin pong umalis."
"Magiingat ka. Ang bilin ko sayo ha." Ngumiti ito sakin, yumakap ako dito ng mahigpit.
Ibang iba ang Daddy ni Ava sa sarili kong Ama. Nung una nagalit siya pero nung tumagal tinuring niya akong parang anak at hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila.
Flashback
"Wag kana kasi magaral. Gastos lang yan kung ipangkain mo yan sa mga kapatid mo." Kinutungan ako ng malakas ni Ama.
Hindi naman kami mahirap, may pera naman kami na pinapadala ni Inay na nagtatrabaho sa Saudi. Kaya lang kasi itong Ama ko, pinangiinom at pinangsusugal ang mga panggastos dito sa bahay.
Yung sinasabi niyang kapatid ko, not totally kapatid ko. Anak niya yun sa pagkabinata na pinaako niya narin kay Inay.
"Bigay naman ito ni Inay, tsaka tinitipid ko naman po."
"Sumasagot ka pa." Akmang susuntukin ako nito nang may kumatok sa pinto. "Hindi pa tayo tapos."
Binuksan ni Ama ang pinto. "Sino ka?"
"Nakabuntis ang anak niyo, kailangan niyang panagutan ang anak ko."
"Ta*gin*a kang bata ka!" Sinuntok ako ni Ama sa mukha. "Ayan ba yung makakapagtapos? Nakabuntis! Asan ang yabang mo ngayon! Hindi kana nahiya sa Inay mo."
"Tama na po." Pagmamakaawa ko.
"Stop that. Anak mo yan." Maotoridad na sabi ng Daddy ni Ava.
Tumawa ito ng mahina. "Hindi ko ito anak, gag* ito! Dapat una palang binenta ko na ito sa sindikato eh. Edi nagkapera pa sana ako."
"Then how much?" Walang sabi sabing tanong nito.
Napatingin kami sa kanya. "Niloloko mo ba ako? Sige P100,000 thousand sayong sayo na ito. Wala na itong halaga sakin."
Napaiyak ako sa sinabi niya, hindi ko akalain na P100,000 lang ang halaga ko pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko sa pamilyang ito. Dapat last year pa ako nakapagtapos sa pagaaral ngunit huminto ako ng isang taon dahil nagastos nito ang tuition na pinadala ni Inay
"Nabibigla ka lang."
"Then i'll give you P200,000. I can't believe na sa ganung halaga mo lang ibebenta ang anak mo. Hindi ka dapat tinuturing na Ama. Let's go." Kahit masakit sa loob ko, sumunod ako sa Daddy ni Ava.
"They will only see how important you are when you are gone." Makahulugang sabi nito.
Binigyan niya ako ng condo, sagot nito ang lahat ng gastusin ko. Ang hiling lang nito ay pakasalan ang anak niya na si Ava.
End of Flashback
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.