Chapter 11

1233 Words
Ava's POV Isang buwan na akong nagtatrabaho dito sa sss Corporation, nakakainis lang kasi hindi ko makuha ang kiliti ng boss ko. Laging mainit ang ulo nito, minsan pinagtitripan ako. Tsaka binabawi ko na ang sinabi ko, puro utos pala ito, timpla ng coffee, magprint, ibigay ang mga papeless sa ibat ibang departmart kahit siguro pagtapon ng basura ako parin. Monday palang pero ang trabaho ko pang thursday na. "Yung coffee ko, ano ba? Wala ka sa sarili." Sigaw niya. "Sorry po Sir. Ito na yung pinaprint niyo." Inabot ko sa kanya ang mga papel. "Sabi ko short diba?" "Hindi po kasi kasya kapag short." "Ang tigas ng ulo mo. Mas marunong ka pa sa boss." Sabi nito at pinunit ang papel sa harapan ko. "Where's my coffee?" "Gagawa na po." Napalunok ako, wala talaga ako sa sarili ngayong araw. Pinatong ko sa table niya ang kape. Biruin mo bababa pa ako sa 15 floor para lang ipagtimpla siya ng kape. Kamusta naman ako diba! Kailangan ko pang magot mamaya, aayusin ko ang lahat ng schedule nito para sa next week meeting niya. "Hoy teh. Wala sa sarili, pinagalitan ka na naman ni Sir William noh." Tanong ni Rii, lunch na pala at wala akong gana kumain. "Hindi naman, may iniisip lang ako." "Ikwento mo na kung bakit kayo naghiwalay ni Papsi Evan. Nakita ko sa sss sobrang pogi pala nun. Grabe! Akin nalang kaya." Kinikilig na sabi ni Jefina. Hindi ko pa pala natatanggal ang mga picture namin ni Evan sa sss. "Hay naku mahabang kwento." "Third party?" Tanong ulit nito. "Pssttt. Tama na nga yan. Private matters na yan." Ayokong isipin nila na kawawa ako kaya nagsinungaling nalang ako. "Hindi noh, sadyang hindi na namin mahal ang isa't isa." "Kaloka naman! Sayang bagay na bagay pa naman kayo sa picture. Isang gwapo at maganda." Pilit akong ngumiti. ---------- Bumalik ako sa trabaho. Kahit anong tawa ko ngayong araw, hindi ko parin maiwasang magisip. "Did you get the documents to Ms. Anna?" Tanong ni Sir William. "Hindi pa po, sorry sir nakalimutan ko." "Ano ba! Kanina ko pa yun pinapakuha." Galit na sabi niya. Nakakababa man sa pagkatao ko na sigaw sigawan ako but its part of my job. Kasalanan ko rin naman kasi nakalimutan ko. Mabilis akong bumaba sa 3rd floor para kunin ang mga documents na pinakuha nito. "Ito po, pasensya na sir." "Damn! Anong oras na cutoff na, anong gagawin ko dito." Tinapon niya sa harapan ko ang mga papel. "Isang buwan ka na dito pero hindi mo parin magampanan ang pagiging empleyado mo." Flashback "Ano ba Ava? Bakit iyak ng iyak si Elias?" Galit na sabi ni Evan. "Hindi ko alam gagawin ko, iyak lang siya ng iyak." Umiiyak na sabi ko, kanina pa umiiyak si Elias at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lahat ginawa ko na pero ayaw talaga nitong tumigil. "Akin na ang anak ko. Ilang taon ka nang nagaalaga ng bata hindi mo parin magampanan ang magiging nanay mo." Sabi nito at pinatahan ang bata. "I'm sorry." Tumawag siya sa private doctor namin para icheck up si Elias. Hindi ako sumagot kay Evan. Alam ko sa sarili ko that i'm doing my best for my children. Ang sakit lang na marinig sa kanya na para bang wala akong kwentang ina. Sabi ng Doctor may kabag lang si Elias kaya iyak ng iyak. End of flashback. "I'm sorry." Sabi ko at pinulot ang mga papel. Nagwalk ito. 'Bawal umiyak, challenge lang yan.' Pagkukumbinsi ko sa sarili. ---------- Habang nagpiprint, biglang nagring ang phone ko. "Hello Liza." Bungad ko. "How are you? I have a good news." Masayang sabi nito. "Wait lang. Nandito kasi yung boss ko. Aakyat muna ako sa rooftop" Sabi ko at sumakay ng elevator. Maganda ang rooftop dito, smoking area ng ibang empleyado. Dito ang pinakamalakas na signal sa buong building. "Anong goodnews?" Nalilito kong tanong. "Yung pinaguusapan natin kagabi na baka mapaaga ang divorce papers mo." Alam kong mali ngunit nakakaramdam ako ng lungkot."Hawak ko na, sa wakas makakawala ka na kay Evan. Hello are you there?" "T---thank you. Uhm... mamaya nalang tayo magusap." Pinatay ko ang tawag nito kahit hindi pa ito nagsasalita. Kaya balisa ako buong araw dahil dito. Parang hindi ko makita ang sarili ko na pumipirma sa divorce papers namin ni Evan. Siguro dahil hanggang ngayon mahal ko parin siya. Tumulo ang luha ko. "I told you not to waste your tears." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko. "Sorry Sir." Inabot niya ang panyo sakin. "Wag na po." "Kahit papaano makabawi ako. Pagkatapos mo diyan you can go home." Sabi nito at iniwan akong magisa. Kinuha ko ang bag ko at umuwi na, wala ako sa sarili habang naglalakad papunta sa parking ng sasakyan. Pagdating ko sa bahay. Humalik ako kay Elias at Elli. "Mom, tita Liza is here kanina. May iniwan daw siyang papers." "Yeah. I'll change my clothes muna and i'll cook." Sabi ko. Dumiretso ako sa kwarto at nilock ang pinto pagkatapos binuksan ang laman ng envelope. 'Divorse Papers of Mrs. Ava Lee and Mr. Evan Lee.' Umiling ako, hindi ko pa talaga kayang pirmahan ngayon but one day sana makayanan ko na. ---------- Lumipas ang mga araw tila bumait sakin ang boss ko. Hindi na ito masyado naguutos, more on pagtimpla nalang ng coffee. "What is my schedule today?" Tanong niya. Mukhang good mood ito. "You have a meeting sa Emperial Company at 2PM." Sagot ko. "Get ready." Napatingin ako dito. "Po? Kasama ako." "Offcourse, your my secretary." Masaya akong tumingin sa kanya. Nang makarating kami sa restaurant, hindi ko maiwasang mamangha, lahat ata ng tao dito business man. Umupo ako sa tabi ni William. Bilib na bilib ako sa explanation nito. Imagine at the age of 21, nakikisabak na siya sa magulong mundo ng pagnenegosyo. Ako noong 21 years old ako, puro party lang inaatupag ko. Hinahayaan ko si Daddy na magtrabaho kasi business niya yun. Mabilis na natapos ang meeting. "Thank you so much for your time Sir." Sabi ni William at nakipagkamay sa kameeting. "Thank you Mr. William. Is she your girlfriend? You look good together." Namula ang pisngi ko sa sinabi nito, nagkatinginan kami ng boss ko. His cute, bakit kaya wala pa itong girlfriend? Siguro pihikan. "Nah, shes my secretary." "Okay. Thanks again." At nagpaalam na sila. "Let's go back to the office. But i'll go to the restroom first." Tumango ako at niligpit ang gamit ko. Tumayo ako at naisipang hintayin nalang siya sa labas ng restaurant. Akmang palabas na ako nang hindi sinasadya ng waiter na matalisod. Napaatras ako ngunit may yumakap sakin. Tila bumagal ang pagikot ng mundo, ang lapit ng mukha namin sa isat isa ng boss ko. "Sir William." Naramdaman ko ang init ng kape sa kamay nito. "Oh gosh! Are you okay?" Nagaalala kong tanong. Ako sana ang matatapunan ngunit humarang ito. Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakayakap sakin, mabuti nalang at may suot itong coat, kung wala siguro, sigurado akong malalapnos ang balat niya sa init ng kape. "Here may tissue ako." Sabi ko at kaagad na pinunasan ang kamay niya. "Let's go Mr. Evan." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likuran namin. "You can go. I can manage." Laking gulat ko nang makita ang asawa ko na walang emosyon na nakatingin samin. "Evan." --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD