Ava's POV
Lumapit si Evan sa harapan ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko "Come with me."
"A---ano? Ayoko!"
"I said come with me." Galit na sabi nito.
"Excuse me! I'm her boss. Ayaw niyang sumama sayo, nakakaintindi ka b---"
"Wag kang makialam, usapang magasawa ito." Singit nito Evan, hindi man lang pinatapos na magsalita si Sir William.
Napatingin ako sa paligid, pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Napayuko ako. Wala akong nagawa kundi sumama kay Evan. Ayoko ng eksena lalo na't nandito ang boss ko.
"I'm sorry." Sabi ko kay Sir William.
----------
Dinala ako ni Evan sa parking lot.
"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?" Galit na tanong nito.
"Anong sinasabi mo?" Naguguluhang sabi ko.
"Alam mong hindi pa alam ng mga empleyado sa company na hiwalay na tayo tapos makikita ka nilang may kayakap na lalaki. Ano nalang sasabihin nila? Are you even thinking Ava?"
"Bakit? Ikaw rin naman ah. Kasama mo si Kylie." Gusto ko siyang galangin bilang ex husband ko, pero paano kung ginaganito niya ako.
Hindi niya na hawak ang buhay ko, i'm done with him.
"Kylie is my f*cking secretary kaya normal lang yun."
"Yun naman pala eh. Sayo na rin nanggaling. I am Mr. William secretary at normal lang yun." Napahinto ito sa pagsasalita tila may malakas na hangin na nagpatigil sa kanya. "Next time, wag mo akong ipapahiya sa harapan ng boss ko."
Tumalikod ako dito ngunit nagring ang phone ko.
Ring ring ring
"Hi Mom. Why are you crying?"
"Tinakbo namin sa hospital ang Dad mo." Umiiyak na sabi ni Mommy, nakaramdam ako ng labis na pagaalala kay Dad.
"What! Sige sige papunta na ako."
Lumapit si Evan sakin. "What happen?"
"Si Dad tinakbo daw sa hospital."
"What! Sumakay kana, let's go to the hospital." Sinunod ko naman ang sinabi nito, wala akong time para magmatigas. My parents needs me.
Mabilis kaming nakarating sa hospital.
Nakasunod si Evan sakin, halata rin ang pagaalala nito. "Ms. may dinala ba dito na---" Hindi ko na natapos ang pagtatanong sa reception nang makita si Mommy na naghihintay sa waiting area. "Mommy." Sigaw ko.
Nakatulala ito sa kawalan habang umiiyak.
"Mom, where's Daddy?" Tanong ko.
"Nasa ER, hindi ko alam ang nangyari. Ginigising ko siya kanina pero hindi siya nagigising." Yumakap ako dito.
Lumabas ang Doctor galing ER.
"Doc what happen?"
"Your Dad suffers a heart attack while sleeping. For now were observing him."
Tila nabingi ako sa sinabi ng doctor, pumatak ang luha ko. 'Oh God not my Dad please.'
Lumapit si Evan kay Mommy at inalalayan ito. "He will wake up soon po. Malakas si Dad."
Napatingin ito sakin kaya pinunasan ko ang luha ko at lumapit kay Mom para patahanin ito.
Hindi ito ang tamang oras para umiyak ako, kailangan ako ng Mommy ko ngayon.
----------
William's POV
Flashback
"She's different."
"I know." Napangiti ako.
"Ito na ang mga kailangan mo. Diyan mo makikita ang lahat ng tungkol kay Ms. Ava Lee."
"Thank you. You may go now." Sabi ko sa tauhan ko.
Nagpabackground check ako kay Ava, natutuwa kasi ako sa kanya. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko pa masabi kung ano.
8 years ang agwat namin sa isa't isa ni Eva. She's married to Mr. Evan Lee the president of ADM company, may anak itong dalawa. Isang lalaki at babae. Ayon sa source na nakalap nila nagfile na ng divorce papers si Ava sa asawa.
Hindi ko alam kung saan nagsimula ang interest ko sa kanya, basta isang araw tila may kakaiba nang t***k ang puso ko na never ko pang naramdaman sa ibang babae.
Yes i'm young, I should call her ate nga but i can't. Basta I don't know what is happening to me kapag kasama ko siya tila buo na ang araw ko.
----------
Naisipan ko siyang isama sa meeting ko, alam kong nagugulat ito kasi iba na ang pakikitungo ko sa kanya this past few days.
"Kasama po ako sa meeting niyo?" Tanong niya.
"Offcourse, your my secretary." Sagot ko.
Masaya itong nagayos ng sarili. Ito na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Malapit lang sa opisina ang restaurant kaya mabilis lang kaming nakarating.
Nagsimula na ang meeting ko, nagorder ako ng maraming pagkain para sa amin at sa kameeting ko.
This restaurant is my favorite halos lahat ng business meeting ay ginaganap dito.
Napatingin ako kay Ava, nagtatake down notes ito habang kumakain. Napangiti ako kasi mukhang nagustuhan niya ang pagkain na inorder ko.
"It's settled then. Thank you so much for your time Sir." Ngumiti ako at nakipagkamay sa kanila. "Is she your girlfriend? You look good together."
"Nah, she's my secretary." Sagot ko at nagpaalam sa kanila. "Let's go back to the office. But i'll go to the restroom first."
Tumango naman ito, papasok palang ako ng restroom nang may makitang lalaki at babae.
"You did a good job. I'm so proud of you." Sabi ng babae, inaayos nito ang necktie ng lalaki.
So sweet but i think this is not the proper place para magganyanan sila.
"Thank you." Humalik ang lalaki sa labi ng babae. "Let's go."
Naghugas ako ng kamay at nagpatuyo. Paglabas ko ng restroom, tumingin ako sa table namin ngunit wala na si Ava duon.
Tumingin ako sa paligid, palabas na pala ito ng restaurant. Sumunod ako sa kanya nang maout of balance ang isang waiter na kasunod nito. Napaatras si Ava ngunit niyakap ko ito.
"Sorry Sir." Hinging paumanhin ng waiter.
Sobrang init ng laman nito may posibilidad na malapnos ang balat ko kapag nabuhusan ako, mabuti nalang at nakasuot ako ng coat.
"Sir William. Are you okay? Ito may tissue ako dito." Nagaalalang tanong ni Ava habang pinupunasan ang kamay ko.
"Let's go Mr. Evan." Napatingin kami sa lalaking nagsalita sa likuran namin.
"You can go. I can manage myself." Seryosong nakatingin ang isang lalaki samin.
"Evan." Bulong ni Ava ngunit rinig na rinig ko. Napabalik ang tingin ko kay Ava.
"Come with me." Galit na sabi ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Ava.
"A---ano? Ayoko!"
"I said come with me."
Humarang ako sa gitna nila dahil lumalakas na ang boses ng lalaki, ayoko lang rin ng scandalo. "Excuse me. I'm her boss. Ayaw niyang sumama sayo, nakakaintindi ka b---"
"Wag kang makialam, usapang magasawa ito." Nagulat ako sa sinabi nito kaya hindi ako nakapagsalita.
Siya si Evan! Hindi ako makapaniwala na ang lalaking nasa cr na may kahalikang babae at ang asawa ni Ava ay iisa.
Napayuko si Ava."Im sorry." At sumunod sa lalaki.
Napahawak ako sa batok. 'I can't f*cking believe this! Why am i angry?'
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.