Chapter 22

1273 Words
Ava's POV Dumating ang araw na hinihintay ni William. Kasalukuyan akong inaayusan. "Suotin mo na ang damit Madam." Sabi ng make up artist, siya ang pinapunta ni William dito sa bahay para ayusan ako. Hulmang-hulma ang katawan ko dito sa damit. Backless ito at may slit sa may leegs. Nagbagay rin ang kulay sakin dahil mas lalo akong pumuti. Pati sapatos walang patawad, ang taas ng heels tapos punong puno ng kumikinang na dyamante sa gilid. Ring ring ring "Hello." Bungad ko. "Are you ready?" Tanong niya na naghihintay sa labas ng gate. "Yes pababa na ako." Sabi ko, mabuti nalang pinaalaga ko muna kay Liza ang mga bata kaya walang istorbo. Paglabas ko ng gate tila nabighanin si William, nakatitig lang ito sakin. "Ano walang masabi?" "You're so beautiful." Sabi niya, kaya pinalo ko ang braso nito. "And you are so handsome. Let's go." May driver siyang kasama, sa likod kami umupo ng limousine. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan ngayong araw. Nandito ako para suportahan si William kasi alam kung mas kinakabahan siya, sabi niya ngayon lang siya pupunta sa ganitong uri party. Mabilis kaming nakarating sa venue ng party, napaka elegante ng buong paligid. Siguro isang taon itong pinaghandaan, mula sa entrance ng bisita hanggang sa table nila. Inalalayan ako ni William pagbaba ng sasakyan, kumapit ako sa braso nito at ngumiti. "Grabe ang gaganda nila." Mahinang bulong ko kay William. Ang gaganda kasi ng bisita, halatang mayayaman rin dahil maraming kolorete sa ibat-ibang parte ng katawan. "You're more beautiful." "Ewan ko sayo! Mga kalokohan mo." "Hindi ba talaga pwede maging tayo?" Tiningnan ko siya ng masama. "Joke lang haha." "Wait lang. Ayusin ko ang necktie mo." Sabi ko at humarap sa kanya. "Dapat nakaganito. Okay na." "Hindi ata marunong yung stylist ko hahaha." Natawa ako sa sinabi niya. Biglang may umubo sa gilid namin. Laking gulat ko nang makita si Evan, nakahawak sa braso niya si Kylie. Parang sumikip ang dibdib ko sa nakita. Nasasaktan parin pala ako. Lumapit sila samin. "Nice to see you again Mr. Evan Lee." Sabi ni William. Hindi naman ito sumagot at seryoso lang na nakatingin samin. Napahiya pa si William nang hindi nito tinanggap ang kamay niya upang makipagkamay. "Enjoy the party. Excuse us." Hinatak ako ni William sa magiging table namin. "Okay ka lang?" "Yeah." Pilit akong ngumiti. Napatingin ako kila Evan nang dumaan sila. Hindi ko maiwasang mainsecure kay Kylie, kahit anong ipasuot dito maganda parin. She looks like an angel na bumaba sa langit. 'Sana ako ang nandiyan, sana ako ang nakakapit sa braso ni Evan.' Ayokong umiyak, masisira ang make up ko. "Excuse me. Restroom lang ako." "Gusto mo samahan kita?" Tanong niya. "No, mabilis lang ako." Bulong ko kay William, tumango ito at humarap sa kausap niya. Pumunta ako sa cr at napasandal sa lababo. Huminga ako ng malalim. "Hindi ka dapat nasasaktan. Wala nang kayo." Pagkukumbinsi sa sarili. Nagretouch ako bago lumabas ng cr nang may humatak sa kamay ko. Pinasandal ako ni Evan sa pader. "What are you doing here? Where are the kids?" Tanong nito, amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito. Napakagwapo ni Evan halos lahat ng babae dito sa party, binibigyan siya ng nakakahangang tingin. "Nasa bahay nila Liza. Bukas ko sila kukunin." Nakayukong sabi ko, ayoko siyang tingnan. Huminga ito ng malalim at tumitig sa mukha ko. "Aalis na ako. Hinihintay na ako ni William." At mahina ko siyang tinulak. Nauna akong lumabas nang magkasalubong kami ni Kylie. Halatang may hinahanap ito at alam kong si Evan iyon. Naglakad ako papunta sa table namin. "This is my beautiful secretary. Ms. Ava." "It's nice to see you Sir." Nakipagkamay ako sa kanila. Ito yung last na kameeting ni William. Naging maayos ang takbo ng party, kumain na kami at kasalukuyang umiinom ng wine. Gustong gusto ko nang umuwi ngunit mukhang nageenjoy si William sa mga kausap nitong business tycoon. Lumipas ang ilang oras. Nakita ko si Evan na parang lasing na, magulo ang buhok nito at pagewang gewang sa paglalakad. Mabuti nalang at walang nakakapansin dahil lasing narin ang iba. Kahit ako tipsy na pero kaya ko pa naman. Nasaan ba kasi si Kylie. Bakit hindi niya bantayan ang boss niya? Hindi ko na kaya, nakakahiya na ang ginagawa niya, kumpanya ng Daddy ko ang pinahihiya niya, mabuti nalang sana kung sarili niya lang eh. Lumapit ako dito. "Halika na. Iuuwi na kita." Sabi ko at inalalayan itong maglakad. Tinulungan din ako ng isa sa staff ng party. Pinaupo muna siya sa sofa, ako naman tinawagan si Manong para ipasundo si Evan. Mabilis na dumating si Manong, sumama ako sa kanila para ihatid ito. --------- Pagdating sa bahay ni Evan, nagpatulong akong buhatin ito sa kwarto namin dati. Gusto ko sanang gisingin si Manang pero 1AM na. Huminga ako ng malalim. Tinanggal ko ang suot kong heels at tinali ang buhok ko. Kumuha ako ng face towel at binasa ito. Dito nalang ako magpapalipas ng gabi, sa kwarto ng mga bata. Pinunasan ko ang mukha niya para mahimasmasan man lang ito, tinanggal ko ang pagkakabutones ng polo niya. "Mmm..." "Sshhh... Wait lang. Malapit na, para lang mapreskuhan ka." Sabi ko at pinunasan sa bandang leeg nito. "Kylie." Boses niya, nagsimula nang tumulo ang luha ko. Ang sakit lang kasi Kylie parin kahit ako ang nagmamalasakit sa kanya. Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Ava." Dahan dahan ko siyang hinarap. Nakatitig ang mga mata nitong mapupungay, bigla niya akong hinatak upang magkadikit ang mga labi namin. Ramdam ko ang halik nito sa bawat hagod ng labi niya sa labi ko. Wala akong balak na pigilan siya, matagal ko nang hinahanap ang presensiya niya. Ni gusto ko siyang yakapin tuwing nakikita siya ngunit wala akong pagkakataon. Pumatong ako sa katawan niya, tinatanggal ko ang suot niyang polo at ganun din ang ginagawa niya sa suot ko. Hinalikan niya ang leeg ko kaya napaliyad ako sa dulot na kiliti nito. Nagpalit kami ng pwesto, siya na ang nasa ibabaw ko ngayon, nakatitig lang kami sa isa't isa. Tinanggal niya ang underware ko at ang slacks niya, pupwesto siya sa gitna ko. Naramdaman ko ang pagpasok sa masilang bahagi ng katawan ko. "Ahhh... Ohh.." Sabi niya. Napakagat ako sa labi. Hinatak ko ulit siya para mahalikan ang labi nito. Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa mata niya. Tila isang panaginip ang nangyayari ngayon, isang masayang panaginip. Ngayon ko lang siya malayang nahawakan at natingnan na para bang akin lang siya at sa kanya lang ako. "Ava." Ngayon ko lang narinig na pangalan ko naman ang tinawag niya. "I'm sorry." Bulong nito. ---------- Tulog na tulog ito habang ako nakayakap sa dibdib niya. Alam kong mali kasi divorce na kami at may mahal na siyang iba, panloloko bang matatawag ang ginawa namin? Ngayon malinaw na sakin, mahal na mahal ko parin siya na handa akong ibigay ang sarili sa kanya ng paulit ulit. Humalik ako sa pisngi nito, natuluan pa ito ng luha ko. "I'm sorry Evan. Alam kong mali." Huminga ako ng malalim. Tumayo ako at hindi nagiwan ng kahit na anong bakas. Gusto kong isipin niya na isa lang itong panaginip. ---------- Naggrab ako. 5:30AM ako nakarating sa bahay nila Liza. Wala ako sa sarili habang nagdo-doorbell. Binuksan naman ito ni Liza. "Ang aga mo naman. Anong nagyari sayo? Nar*pe ka ba?" Tiningnan ko ito ng mabuti pagkatapos napahagulgol at yumakap dito. "What happened?" Nagaalalang tanong nito. "I discovered that I'm still inlove with Evan, that i never stop loving him." Tila batang sabi ko. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD