Chapter 21

1040 Words
Evan's POV "Daddy please. Sunduin natin si Mommy sa airport." Pangungulit ni Elli. Mula paggising nito yan lang ang bukang bibig niya. Ang alam ko 10AM ang flight ni Ava pabalik ng Manila. "Fine. Get ready." Sabi ko, suko na ako sa kakulitan nito. Nagpalit lang ako ng t-shirt, pagbalik nalang ako maliligo it's already 9:30AM baka malate kami. Sinakay ko sila sa sasakyan. Tahimik lang sila habang nasa byahe halatang excited na makita si Ava. Pinark ng driver ang sasakyan habang naghihintay kay Ava. Lumipas ang isang oras wala parin ito. May naglanding ng eroplano tsaka may nakita rin akong poster na nakapangalan sa company nila hudyat na dumating na sila. Inisip ko na baka delayed ang flight niya kaya naghintay parin kami ng mga bata. Kung ako lang tatanungan hindi na niya kailangan sunduin. "Baka mamaya pa ang Mom niyo." "No Dad, let's wait for her." Huminga ako ng malalim. Ano pa nga bang magagawa ko. Lumipas ang ilang oras, may naglanding ulit na eroplano. Sana naman siya na yun. "Mommy." Masayang sabi ni Elli. "Look baby Elias, Mom is here." Napatingin ako sa tinuro ng panganay ko. Nakita ko siya. Masaya itong kausap ang boss niya habang si William naman dala ang maleta ni Ava. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, parang nagslowmo yung ngiti niya na matagal ko nang hindi nasilayan. Bumalik ang alaala ko na naganap nung collage years. Yang ngiting yan ang nakikita ko tuwing kasama siya. Sa malilit na bagay napapatawa ko siya. ---------- Ava's POV "Galit ang Daddy mo?" Tanong ko kay Elli. Nagkibat balikat naman ito. Mula nung dumating ako parang wala ito sa sarili, hindi ko alam kung galit ba siya kasi bumalik na ako. "Mommy i missed you." Yumakap ulit si Elli, naglalambing ang anak ko. "I miss you too." Nang dumating kami sa bahay niya dumiretso si Evan sa kwarto namin. Pati ang mga bata hindi nito pinansin. "Kamusta ka Ava, namiss kita." Bungad ni Manang. "Okay lang Manang. Kayo po?" "Okay lang din, nabalitaan ko ang nangyari sa Daddy mo. Alam kong magigising ito. Naghanda ako ng makakain, sigurado akong gutom na kayo. Kanina pa sila umalis umaga at ngayon lang nakabalik." Sabi ni Manang. Kanina pa silang umaga sa airport? nakaramdam naman ako ng pagkainis sa sarili. 10AM nga pala ang sinabi ko kay Evan. Ibig sabihin kanina pa nila ako hinihintay. Ngayon alam ko na kung bakit nagagalit si Evan, sayang ang oras niya. Kinagabihan, hinatid ko na sila sa dating kwarto nila. "Nagenjoy ba kayo sa Dad niyo?" "I'm happy Mommy, Dad tried to cook my favorite pancake but it's burn." Natawa ako sa kwento nito. "Lagi namin katabi si Daddy sa room niyo. He also read us bedtime stories." Napangiti ako sa sinabi ni Elli, mukhang masayang masaya sila sa puder ni Evan. "But he is so stress with Elias. Sshhh ka lang ha." Sabi niya. "Baka marinig tayo ni Elias, sobrang pasaway niya kay Daddy. Nagcry siya sa gabi kaya patutulugin siya sa stomach ni Dad. Tinapon niya pa yung milk niya sa face ni Dad, he also popo at nagkalat. Muntikan na madulas si Dad." "Okay. Sleep na." Hinalikan ko ang pisngi nito. Si Elias tulog na tulog na, hindi sumabay magdinner si Evan, mula nung dumating kami dito sa bahay hindi siya lumabas ng kwarto. Naisipan kong pumunta sa kusina para uminom ng tubig bago matulog. Pagbaba ko bukas ang ilaw sa kusina, nakita ko si Evan na naghahanap ng makakain sa ref. "Goodevening." Nagulat naman ito at napatingin sakin. "Umupo ka nalang sa dining table. Ipagiinit kita ng pagkain." Sumunod naman ito, nagtira talaga kami para sa kanya. Ininit ko ang mga ulam sa trapperware. Binigyan ko ito ng plato, kutsara at tinidor. "Mainit ito. You can eat now." Umupo ako sa harapan niya. Actually ang awkward pero gusto ko magpasalamat sa kanya, nakita ko effort niya sa pagaalaga sa mga anak namin. "Thank you Evan." "For what?" Tanong niya. "For taking care of our children. I really appreciate it." Nakangiting sabi ko. Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain. "Babalik na ako sa kwarto ng mga bata. Diyan mo nalang sa lababo ang pinagkainan mo." Akmang aalis na ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ava." Sabi niya. "Thank you." At umiwas ito ng tingin. Bumalik ako sa kwarto para tumabi sa mga bata. Mabilis akong nakatulog dahil narin sa pagod. ---------- After 2 Days "Bakit mo ako pinatawag?" Tanong ko kay William. "Pwede ba ako huminga ng favor sayo?" Nalilito akong tumango. "My business ball na gaganapin next week, required akong umattend dahil isa ang business ko sa mataas na revenue this year. Pwede bang samahan mo ako?" Nahihiyang tanong niya. Parang narinig ko na yun dati sa company ni Evan, hindi ko lang alam kung pumupunta siya sa ganung gathering. "Ha? Oo naman. I'm your secretary remember." Nakangiting sabi ko. Sino ba naman ako para humindi, simple lang naman ang favor niya. Tsaka kailangan ko siyang suportahan at ang company namin. "Don't worry. Sagot ko ang lahat, damit, sapatos at accessories basta kahit ano." "Okay." Natatawa kong sabi. Akala niya siguro hindi ako papayag. "Sa friday pupunta ang magsusukat dito sa office." "Sige, yun lang ba? babalik na ako sa trabaho." Marami akong inaasikaso ngayon kailangan ko itong matapos dahil deadline na sa finance bukas. Napaisip ako, hindi ko na kailangan magpaalam kay Evan. Gabi naman ito gaganapin tsaka sigurado akong tulog na ang mga bata sa mga oras na yun. Nakita ko ang invitation sa ibabaw ng lamesa ko, all of the business tycoon in the Phillippine are invited. Grabe ang mahal siguro nang magagastos nila dito. Invitation palang may touch of gold na. ---------- Royal blue ang kulay ng gown ko, ganun din ang kulay ng tuxedo ni William. Nasa 150k ang nagastos niya sa susuotin namin. "Ang mahal naman William. Anong gagamitin na karayom diyan? Ginto." Natawa naman ito. "Masyado kang Oa. Wag kang magalala ako na bahala. Tsaka kaibigan ko ang designer ng damit natin, nakabase siya sa US." Napakamot ako sa ulo. Talagang siya ang bahala dahil wala akong pambayad ng ganung kalaking halaga. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD