Chapter 20

1101 Words
Evan's POV "Pick up the f*cking phone Ava." Naiinis na sabi ko. Kanina pa iyak ng iyak si Elias kasi hindi ko makita ang gatas nito. "Wait baby, i'm calling your Mom na." Pangalawang araw na nila sakin. Kahapon naubos na ang isang pack ng gatas niya, ang hinanap ko ngayon yung pangalawang pack. Kagigising lang nito kaya sinusumpong. "Dad it's so noisy. I can't sleep na." Kahit si Elli naiiyak na dahil sa lakas ng pagiyak ng kapatid. Nagtakip ito ng unan sa mukha. Dapat pala kagabi ko pa ito niready. "Hello." Bungad ni Ava. "What happen to Elias?" "Kanina pa ako tumatawag, saan mo nilagay yung isang pack ng milk ni Elias?" Tanong ko. "Sorry, nakatulog ako. Nasa blue bag, sa tabi ng pampers niya." Sagot niya naman. "Wait! I'll find it." Pumunta ako sa sinasabi niyang bag at hinalungkat ito. "Nakita ko na. Bye." May sasabihin pa sana ito nang patayin ko ang tawag, paulit ulit nalang ang bilin niya sa mga bata. Nakakarindi na. Mabilis akong nagtimpla ng gatas ni Elias at sinubo ito sa kanya. Nanahimik naman ito. "Thanks God. I can sleep now." Maaga pa naman 6AM, may time pa ako para magidlip. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, kabilin bilinan kasi ni Ava na lagi silang tingnan. Para tuloy akong tanga na sa bawat oras sisilipin sila. Pinikit ko na ang mata ko nang. "I'm hungry Daddy." Si Elli naman ang nagsalita. Gusto ko nalang magtago sa kabinet at matulog duon para walang istorbo. Napahinga ako ng malalim. "Let's go. I'll cook pancake." Sabi ko. Namamaga naman ang mata ni Elias kakaiyak, mabuti nalang at tapos narin itong maggatas kaya masasama ko na siya sa baba. Binuhat ko ito at pinasunod si Elli sakin. Umalis si Manang ngayong umaga, mamimili ito sa palengke. Wala akong choice kundi magluto ng pagkain namin ngayong umaga. Dapat pala pinahanda ko muna si Manang ng almusal bago siya umalis. Nilagay ko sa high chair si Elias. "Behave, i'll cook food for the both of you." Nilabas ko ang pancake na binili sa grocery, mabuti nalang at may instructions ito. 1 cup of water, 2 eggs, sugar and butter. Mixed it well and done. "My very own pancake ala Daddy. Taste it baby." Pagmamayabang ko. "Why it's dark? Diba dapat yellow?" Nagtatakang tanong ni Elli. "Iba yun baby, brown sugar ginamit ko dito." Tinikman niya ito at iniluwa. "Daddy it's bitter. I don't like it." Nasusuka nitong sabi. Tinikman ko ito. Oo nga, siguro dahil nasunog ang butter niya. "I'll make another one." Inulit ko ang proseso. Nang tikman niya ulit, wala naman itong lasa kaya hindi niya na naman ito kinain. Gumawa ulit ako ng bago, tinulungan niya ako, nakikita niya si Ava kapag nagluluto ng pancake kaya tinuruan niya ako. "Dad ilagay mo na ang butter." Sabi niya."Wait, standby. Go na Dad ilagay mo na yung pancake and then flip it." Ang hirap pala magluto, akala ko madali. Nilagay ko sa plato ang ginawa namin. "This is it. Sana masarap na." Nilasahan na ng panganay ko. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan para akong sumali sa isang cooking show at si Elli at Elias ang judges. "Is it yummy?" Kinakabahang tanong ko. "It's perfect." Nagthumbs up pa ito. "Bon appetit Daddy." 'Bakit ako napangiti? Ganito ba talaga ang pakiramdam? Sa maliit na bagay punong puno ang puso ko. Isang achievement ito para sakin.' Sinubuan ko lang si Elias kasi alam kong paglalaruan niya na naman ito. "Didi." Boses ni Elias at tumawa. Akala mo hindi gumawa ng kasalanan kanina. Kung maririnig mo ang pagiyak nito akala mo may kinakatay na baby pig, mabuti nalang at sounds proof ang kwarto namin ni Ava kundi pati kapitbahay mabubulabog namin. Lumipas ang oras tinatawagan ko ulit si Ava, itatanong ko kung ilang beses ba itong iinom ng vitamins. "Hello Evan." "Ilang beses iinom ng vitamins si Elias and Elli." Tanong ko. Maingay ang background niya kaya medyo hindi ko ito marinig. "3 times a day. Nandun yan sa note ko. Sige na, mamaya kana tumawag. Nagmamadali kasi ako. Bye." Sabi nito at pinatay ang tawag. 'Dejavu.' ---------- Naging okay naman ang araw na ito. Wala silang ginawa kundi maglaro ng maglaro at kumain. Kinagabihan, hinilamusan ko sila at pinahiga na sa kama. I want to cuddle them ngunit inaantok na sila. Humiga si Elias sa dibdib ko at humikab. Hala nasanay na! Tinapik tapik ko ang likod nito para mabilis makatulog. Ring ring ring "Hello." Bungad ko. Sa wakas siya naman ang tumawag. "Hi, kamusta ang mga bata?" Tanong niya. "Okay naman. Matutulog na, mukhang napagod kakalaro." Sagot ko. "Pinainom mo na ba sila ng vitamins? Tsaka nagtoothbrush na ba sila, yung eye---?" "Yeah, okay na lahat. Don't worry." Narinig ko ang paghinga nito ng malalim. "Okay. I missed them." Bulong niya, hindi ako nagsalita. "Let's go to the beach. I'm sure na masaya ito." Nakarinig ako ng pamilyar na boses. That's William, bakit sila magkasama ngayong gabi? "I have to go Evan. Bye." Pagpapaalam ni Ava. Mali na makaramdam ako ng ganito. Hindi ako nagseselos, naiinis ako kasi gabi na kasama niya parin ang lalaking yun. Napatingin ako sa mga munting anghel ko. Grabe yung naranasan ko ngayong araw, pagod na pagod ang katawan kakahabol sa kanila. Para akong nagalaga ng limang bata. Pero ito yung moment na hindi ko ipagpapalit sa anumang bagay. Naramdaman ko yung hirap ni Ava sa pagaalaga sa kanila. Kung ako nga parang gusto ko nang sumuko, paano pa kaya siya na araw araw inaalagaan ang mga bata at wala akong narinig na kahit na anong reklamo galing sa kanya. Flash back Ring ring ring Kanina pa ako tinatawagan ni Ava, naiinis na ako, hindi ba siya makaintindi na may meeting ako. "Excuse me. I'll just go to the restroom." Sabi ko sa mga kameeting ko. Ring ring ring "Hello! What the f*ck? Hindi ka ba makaintindi na nasa meeting ako." Galit na sabi ko. "Evan, i'm sorry. Si Elli kasi naubusan ng gatas." Bakas sa boses nito ang takot. "Ano ba naman Ava, yan nalang ang gagawin mo, magcheck kung anong wala at meron sa bahay. Sinabihan kita na wala pang kalahati sabihan mo na ako kaagad para mabili ko." "Naninibago pa kasi ako. Hindi madali para sakin ang magadjust Evan." "Bahala ka sa buhay mo! Nagmamadali ako bye." Sabi ko at binabaan siya ng tawag. Napakatanga talaga, parehas lang kaming nagaadjust sa buhay magasawa, kung hindi siya matututo walang kahihinatnan ang relasyong ito. End of flashback --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD