Ava's POV
"Aray!" Sigaw niya nang itulak ko siya.
"Sorry William." Hinging pasensya ko. Nalilito naman itong tumingin sakin.
He is falling inlove with me? Seryoso ba siya ang bata bata niya para sa edad ko.
"May mali ba akong nasabi? Bakit nagsosorry ka?"
"William i don't think that your inlove with me. Your to young for me at alam ko ang nararamdaman mo. Ganyan na ganyan sila nung collage days ko, tingnan mo ako ngayon. I'm divorcing my husband kasi nagpadalus dalos ako."
"Oh my God. I'm sorry." Napahawak ito sa bibig at nahihiyang yumuko.
"Nagkwento ang Lolo mo sakin tungkol sayo. Kaya alam kong hindi love ang nararamdaman mo, you just want attention na kapag may nagaalala sayo akala mo inlove ka na, na kapag may nagtanong sayo kung kumain kana. Akala mo pafall na ako. Hindi ako ganito noon, unti unti ko lang itong natutunan mula nang naging Mommy ako, i care for my kids, to the people i loved at sa mga taong nakikilala ko. Ganun lang talaga ako maalaga." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Now i know." Malungkot na sabi nito. "This is so freaking awkward."
"I know." Natawa ako ng mahina. "Kaya ikaw bata ka pa para mainlove sa isang katulad ko. Isipin mo ng mabuti ang pagkakaiba ng love at attraction. Your attracted to me because i'm always taking care of you. Ganun kasi yung naramdaman ko sa ex husband ko, akala ko siya na kasi kakaiba siya, lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko siya. Sobrang maalaga yung baliw na yun eh, kaya tinamaan ako." Huminga ako ng malalim. "Actually you look like a brother to me that i never had at hanggang dun lang yun." Pilit akong ngumiti sa kanya pagkatapos tumayo at iniwan itong magisa para makapagisip.
Hays! Mga kabataan talaga. Ang bilis mafall, hindi nila alam kung anong problemang pinapasok nila.
"Oh nasan si Sir William?" Tanong ni Jeffina, halatang tumakbo ito dahil hingal na hingal pa.
"Gusto niyang mapagisa kaya bumalik nalang tayo sa kwarto at magkwentuhan."
"What! Kasi ang tagal ng pagtae nitong babaeng ito eh. Kainis! Wag niyo akong kakausapin." At nagpapadyak na naunang naglakad patungo sa kwarto.
Pakamot kamot naman ng ulo si Rii, kaya umakbay ako dito. "Kasalanan ko ba?" Tanong niya.
"Hindi noh. Tara na nagiinarte lang yun. Pakitaan mo ng sexy photo, mawawala ang galit nun." Natawa kami ng mahina.
----------
Kinabukasan, maaga akong nagising para puntahan si William. Gusto ko itong kamustahin, naging harsh ba ako sa kanya kagabi? Tama naman ako diba, dapat direct to the point para hindi na siya umasa at masaktan sakin.
"Goodmorning." Nakangiting bungad ko. "Ipapaayos ko na yung maleta mo para malagay na sa sasakyan."
"Thanks."
"Galit ka ba sakin? Sa nangyari kagabi?" Tanong ko.
"Offcourse not. I think your right, let's be friends." Nilahad nito ang kamay niya.
"Friends, lagi lang akong nasa tabi mo William promise." Yumakap ako dito. Gusto ko sana guluhin ang buhok nito ngunit baka magalit.
Pinasabay niya ako sa private plane nila. Mauuna na sana kaming mga empleyado dahil maaga ang oras nang flight namin ngunit pinaiwan ako ni William.
Naglunch lang kami at nagkwentuhan tungkol sa masasayang nangyari sa team building kahapon.
"Inis na inis si Jeffina kagabi. Sinisisi niya si Rii." Natatawang kwento ko.
"That's so funny. Sana nakita ko yung mga mukha nila. Oo nga pala ako na ang maghahatid sayo sa bahay niyo."
"Okay." Pagpayag ko, wala naman sakin susundo dahil busy si Evan sa mga bata. Tsaka bakit ako magpapasundo sa kanya.
Ano ko ba siya?
Naglanding na ang eroplano, sinalubong kami ng driver niya, sabay kaming naglakad palabas ng airport. I really missed my kids.
"I feel bad to jeffina."
"Hahaha. Okay na yun."
"Mommy." Napatingin ako sa gilid ng marinig ang boses ni Elli. "Mommy."
"My babies is here." Nang makita ako ni Elli sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap.
"I missed you Mommy."
"I missed you too. Sino ang kasama mo?" Tanong ko. Tinuro niya ang Daddy niya na naghihintay habang karga karga si Elias.
"May sundo na pala ako William. I have to go, see you on Tuesday." Sabi ko dahil rest day namin bukas. Yumakap ako dito. "Take care." At naglakad palapit kila Evan.
"Hi baby Elias, did you missed Mommy?" Tanong ko at kinuha ang bunso ko sa ama niya.
Mukha namang magaling magalaga si Evan ng mga bata, malinis naman sila. Natuwa pa ako dahil parehas silang nakatali ang buhok.
Sumakay ako sa sasakyan ni Evan, nandito pala ang driver niya. "Saan tayo didiretso? Pwede mo na kaming ihatid sa mansion nila Mom."
"Dun na muna kayo magpalipas ng gabi sa bahay. Ihahatid ko kayo bukas ng umaga." Tumango ako, halata ang pagod nito sa mukha. Ganun ba kakulit ang mga anak niya?
Humalik ako sa pisngi ni Elias, miss na miss ko sila ng sobra.
-----------
Evan's POV
"We're so excited to be with you Daddy." Sabi ni Elli at pumasok sa loob ng bahay.
Hinatid sila ni Ava dito sa bahay dahil may team building daw ito. Naiinis ako kasi bakit kailangan pa ng ganun, mas kailangan siya ng mga bata.
Si Elias tila namamahay dahil ayaw magpababa, nagiinarte ito. "You want milk?" Tumango naman ito.
Ang dali dali magalaga ng bata eh. I don't need the list of Ava. Nagtimpla ako ng gatas at inabot kay Elias, pinahiga ko ito sa sofa.
"Manang they want lasagna. Magoorder nalang ako---"
"Wag na hijo, magluluto nalang ako." Singit ni Manang.
"Sige po." O diba, ang sarap ng buhay. Tahimik lang silang dalawa habang busy sa panunuod ng tv.
Tumabi ako kay Elias na nakahiga sa sofa, Frozen ang palabas paborito daw nila ito sabi ni Elli.
Nakaramdam ako ng antok kaya minabuti ko munang mag-idlip sa tabi ni Elias. Hahayaan ko muna silang manuod kasi i'm sure behave naman sila.
----------
"Daddy wake up, i'm hungry." Boses ng panganay ko.
Akmang tatayo na ako nang mapansing basa ang damit ko at malagkit. "What the f*-- " Tumingin ako sa paligid. "What happened? Lumindol ba habang tulog ako."
"Hindi, naglaro ang mga bata. Halika na Elli pakakainin na kita." Sabi ni Manang. Sumunod naman si Elli.
Napahilamos ako sa mukha. Ang kalat ng sala, nilabas nila lahat ng laruan. Pati ang maleta nito nakabukas na at nakakalat ang mga damit. Hindi lang yun dahil malagkit ang sofa. Mukhang natapunan ng gatas ni Elias.
"Broom broom." Gusto ko mainis ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"Come here. I'll wash you." Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang dedean niya, butas ito. Mukhang nginatngat ng daga. Ginawa niyang titter yung tsupon niya.
Hinilamusan ko ito sa lababo. "Don't waste your milk again. Look at your hair." Natuyo na kasi ang gatas sa buhok nito kaya tumigas na.
"Didi. Hehe." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Isusumbong kita sa Mommy mo."
"Mimi." Natawa naman ako sa sinabi niya, kesa mainis napalitan ito ng panggigigil sa matambong nitong pisngi.
'This moment, simple pero ang lalim ng pagkalabit sa puso ko.'
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.