Chapter 18

1170 Words
Ava's POV "Tabi tayo sa kama Ava." Sabi ni Rii. Magkahiwalay kasi ang kwarto ng babae at lalaki. "Sigurado akong sobrang saya ngayon ni Jeffina, andami niyang lalaki duon." Napatawa naman ako. Hindi ko alam kung naiinggit ba ito o sadyang naiinis lang kay Jeffina. Napatingin ako sa phone ko. May tatlong tawag si Evan, napakamot ako sa ulo. Kararating lang namin dito pero tawag na ito ng tawag. "Mauna na ako sa cr, magpapalit na ako. 1PM daw ang activity natin." "Sige. Mauna kana. May tatawagan lang ako." Lumabas ako sa kwarto namin at tinawagan si Evan. Ring ring ring "Hello. Don't drink that baby. Oh God!" "Hello, what is happening?" Nagaalala kong tanong. "Manang patulong naman kay Elias please." Sigaw ni Evan halata ang pagkainis sa boses nito. "Evan what the h*ll is happening?" Napabuntong hininga ito. "Nothing. Why did you call?" "Kasi tumawag ka ng tatlong beses, akala ko kung ano nang nangyari. Kumain na ba sila?" Tanong ko. "Yes. Sobrang kalat nila kumain, Elias is crying the whole time gusto niyang magsolo, kaya binigyan ko siya ng plate with food, hinulog niya at tinatapon yung pagkain niya. I'm so stress." Para itong bata kung magsumbong. Ngayon nafefeel mo na hindi biro magalaga ng bata. "Okay relax Evan. I'll help you. It's time para mag-nap na sila. Timplahan mo na si Elias ng gatas, kasi kapag nanghingi yan gusto meron kaagad. Check mo yung list." Gumawa ako ng lahat ng activity ng mga bata, hindi niya siguro ito nasundan. "Ava, bilisan mo anong oras na." Si Rii ang nagsalita. "I have to go, i'll call you later. Bye." Nilagay ko ang phone ko sa bulsa at nagpalit na ng damit. "Una na ako. Pupuntahan ko pa si Sir William." May sarili itong kwarto, sympre pang VIP yun. Tatlong beses akong kumatok. "Hi, are you ready? 1PM ang first activity." "Yeah i'm done." Sabay kaming naglakad kung saan gaganapin ang activity. "Hi Everyone. Thank you to each and every one of you for being here with us today. We are very pleased to be able to welcome those of you that have been with us for a long time now as well as those who are new to the sss Corporation." Nagsimula na ang groupings. Ako nasa tabi lang ni William, as a secretary baka may ipautos ito. Tawa ako ng tawa nang magsimula na ang activity, para silang tanga kakatakbo. Napansin kong tumingin si William sakin. "Gusto mo bang sumali sa kanila?" Tanong niya. "Ha? Ahh." Nahihiyang sabi ko. "Sige, you can join them. Nagpunta tayo dito hindi para bantayan ako kundi para magenjoy kayong lahat." Ngumiti ako at parang bata na tumakbo sa kanila. Sa groupo ako ng girls napunta. Nagsimula na ang mga activity, ang saya saya grabe. Ang tagal ko bago naexperience ulit yung ganitong pakiramdam, para akong bata kung makatakbo. Nagulat din ako nang sumali si William, kahit madumi kami dahil nasubsob sa putikan wala siyang pakialam, wala siyang arte sa katawan. ---------- "Grabe ang pogi ni Sir William, lalo na yung naghubad ito ng shirt. Ay naku sherep!" Kinikilig na sabi ni Jeffina. Magbibihis na kami dahil tapos na ang activity namin, kakain na kami ng hapunan. "Naku! m******s ka talaga bakla. Sige na't dun kana sa kwarto mo." "Sige, punta ako mamaya diyan chickahan ha. Babush." Tumango kami. Naligo na ako at nagbihis. "Kanina pa ring ng ring ang phone mo." Sabi ni Rii. "Ha? Sige salamat." Tumingin ako sa phone ko, 21 missed calls mula kanina. Ring ring ring "Hello Evan." Bungad ko. "Bakit ngayon mo lang sinagot? Kanina pa ako tumatawag." Naiinis na sabi niya, pero mas nagfocused ako sa naririnig kong paiyak ni Elias. "Bakit umiiyak si Elias?" "He wants milk, hindi ako makapagtimpla dahil nasira ang tsupon niya kakangatngat. Ano ba ito daga?" Tahimik akong natawa, actually gusto ko nang humalakhak ngayon. "Dapat kasi pagkaubos ng milk niya, inaalis mo na sa yung tsupon niya." "Kasalanan ko pa? Tsskk! Ang sabihin mo ang tagal mo kasing sumagot. Ano yung bottle brand niya?" "Pigeon, yung maliit lang yung butas. What about Elli, anong ginagawa niya?" Tanong ko. "She's watching tv." Sagot niya "Baka kanina pa yan, yung eyes niya. Nakapagpatak na ba siya ng eye drop?" Tanong ko, minsan kasi kapag nabababad si Elli sa tv, naluluha ang mata nito at namumula. "Ayy oo nga pala. I forgot." Sabi ni Evan, napakamot ako sa ulo lahat nalang nakalimutan niya. "Ava let's go, sorry may kausap ka pala." Si William na naghihintay samin sa labas ng kwarto. "Sige na Evan, I need to go. Bye." Pagpapaalam ko pagkatapos nilagay ulit sa bulsa ang phone ko. Kumain muna kami ng hapunan, bago nagpunta sa camp fire. Kwentuhan lang ito ng mga nakakatakot mong experience. Ang saya! Ngayon lang ako nakahinga ng ganito. Kahit na medyo namimiss ko na ang mga bata, kung pwede lang na isama sila dito, sinama ko na. ---------- Lumipas ang dalawang araw. "Ano kaya pa?" Tanong ni William, kami ang team mates sa activity ngayon. Tawa ito ng tawa kay Jeffina nang mahulog ulit sa putikan. "Yeah." "We have a winner guys." Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko kaya hindi ko ito pinansin. Sobrang stress ako kay Evan kanina, tawag ng tawag bawat isang oras. Paano ako mageenjoy kung ginugulo niya ako. "We have a free time later. Tara maglakad lakad tayo kasama sila Jeffina." Pagyayaya ni William. "Sige ba. Sigurado akong matutuwa ang mga yun." Sabi ko. Bumalik kami sa sari-sarili naming kwarto upang maligo at magpalit ng damit. Bukas ng maaga ang flight namin. May free time kami ngayong gabi. Sabay na kaming kumain ng hapunan. Pagkatapos ay tumawag ako kay Evan para kamustahin ang mga bata. Miss na miss ko na sila. "Let's go to the beach. I'm sure masaya ito." Sabi ni William kaya mabilis akong nagpaalam kay Evan. "Uhm... Sir mauna na kayo ni Ava, masakit kasi ang tiyan ko eh." "Okay ka lang ba Rii?" Hinawakan ko ang noo ni Rii kung mainit ba ito. Mabuti nalang at hindi. "Sasamahan po ako ni Jeffina magbawas kaya kayo nalang muna ni Ava, kapag okay na ako susunod po kami promise." "Okay. Let's go." Ngumiti ako kay William at sumunod sa kanya. Ang yaman talaga ng binatang ito, kaya pala may special treatment siya dito sa Cebu kasi may share ang pamilya niya sa pagpapatakbo dito. Haciendero talaga. "Dito nalang muna tayo." Umupo kami sa gilid ng camp fire malapit dito sa dalampasigan. Ang sarap ng hangin na tumatama sa aking balat, yung ingay at amoy ng dagat sobrang nakakarelax. "Ang sarap ng ganitong pakiramdam, specially na kasama kita." Nagulat ako sa sinabi nito kaya napatingin ako dito. "T---thank you." Nauutal na sabi ko. Ano bang pwede kong isagot? "Seriously, i think i'm falling for you Ava." Seryoso nitong sabi pagkatapos tumitig sa mata ko at dahan dahan lumapit sa mukha ko. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD