Ava's POV
"Ui, tulaley ka diyan. Ano nagpaalam ka na ba para sa team building na gaganapin sa Cebu?" Tanong ni Jeffina.
Napahawak ako sa batok, hindi ko pa pala nasasabi kay Evan. May team building kami sa Cebu at required na sumama ang lahat ng empleyado lalo na't ako ang secretarya ni William.
Wala akong choice kaya kay Evan ko muna iiwan ang mga bata. Medyo matagal ito, 3 days and 2 nights. Kung sakali first time kong hindi makakasama ang mga anak ko.
"Hindi pa eh. Wala pa akong lakas ng loob." Tapos tumawa ako ng mahina.
"Hala ka! Sa Friday na kaya yun. May 2 days ka nalang para sabihin, kaya sabihin mo na."
"Oo, tamang tama pupuntahan niya ang mga bata mamaya. Sige na't tapos na ang lunch break natin. See you tom." Ngumiti ako sa kanila bago nagpaalam.
Bumalik ako sa trabaho, nakaleave si William ngayon kaya ako lang mag-isa sa floor namin, ang alam ko pinatawag siya ng Lolo niya.
Dumating ang oras ng uwian, 7:30PM na ako nakauwi dahil may tinapos pa ako. Dala ko ang sasakyan ko kaya hindi ako nahirapan, mabuti nalang at wala rin traffic sa daan.
Nakarating ako sa hospital kung nasaan ang Dad ko, nakacoma pa rin ito. Sabi ni Doc okay naman ang vital signs niya, improving.
Humalik ako sa pisngi ni Mom. "How's work anak?"
"Okay lang Mom. How about you? May mga pasalobong ako sayo."
"I'm good. Gusto ko nang magising ang Dad mo. It's been months." Nalungkot ang expression ng mukha nito. "I missed him so much."
Yumakap ako dito. "We all miss him. Pero hindi gusto ni Dad na malungkot tayo, tiwala lang kay lord. Malay natin bukas gigising na siya."
"Mabuti nalang lagi kayong nandiyan ni Evan sa tabi ko. Pinapalakas niyo ang loob ko." Ngumiti ito. Salitan kami ni Evan sa pagpunta dito para dalhan si Mom ng mga needs niya. "Speaking of Evan, sigurado ka ba sa divorce niyo?"
"Actually, i already signed it. Binigay ko na kay Atty." Pilit akong ngumiti.
"Why anak? Alam mo kung nandito ang Dad mo, kukurutin ka nun sa singit."
"Yeah i know." Napatawa naman kami. "Namimiss ko na yung malakas niyang boses. Yung pagpapagalit niya sakin, alam mo naman yun kamping kampi kay Evan."
Hindi ko alam kung bakit ganun ang trato nila Dad kay Evan, minsan gusto kong sabihin sa kanila na ako ang anak niyo, ako ang kampihan niyo.
"Kasi kilala namin si Evan anak, he is different. Hindi man niya pinapakita yung mga loving gestures niya sayo pati sa mga bata, ramdam namin na mahal na mahal niya kayo." Sabi ni Mom.
"I don't think so. Siguro sa mga bata but me." Umiling ako. Never niyang pinakita na mahal niya ako.
"Hindi ko nakukuha yang sinasabi mo, may hindi ba kami nalalaman tungkol kay Evan?" Seryosong tanong ni Mom. Ayoko nang dagdagan ang stress niya kaya umiling nalang ako.
"I have to go Mom. Hinihintay na ako ng mga bata." Pagiiwas ko sa tanong niya.
"Okay. Ingat sa pagdrive, ikiss mo ako sa mga apo ko." Tumango ako at nagpaalam na.
----------
Mabilis akong nakauwi ng bahay. Nandito narin pala si Evan, nakita kong nakapark ang sasakyan niya sa garahe.
Napapikit ako at napayuko sa manibela. Gusto ko ng magpahinga nang may kumatok sa bintana ko.
"Goodevening po."
"Goodevening Manong, pakipark nalang ng maayos yung sasakyan ko." Sabi ko pagkatapos binigay ang susi kay Manong.
Pagpasok ko sa loob ng bahay, bumungad sakin ang makalat na laruan sa sala.
"Mommy, Mi." Tawag ng dalawang anghel ko, yumakap ako sa kanila.
"You're so dirty, pawis na pawis kayo. Stop playing na, it's sleeping time." Sabi ko sa kanila at kinarga si Elias.
Nakakalakad na si Elias, ngunit parang matutumba parin kaya kinakabahan ako.
"Your here. Ako nalang magpapatulog sa mga bata, you should rest." Bungad ni Evan, galing ito sa cr.
"Okay, hilamusan ko lang sila."
Hinilamusan ko ang dalawang bata at pinalitan ng damit. Ganito ang gawain ko paguwi ng bahay, hindi pa ako nakakapagpalit ng damit sila na ang aasikasuhin ko. Nakakapagod maging nanay, pero makita mo lang sila parang nawawala lahat ng pagod at stress ko.
"Daddy were done." Sila na ang tumawag kay Evan pagkatapos kong bihisan ng damit. Mukhang enjoy na enjoy sila kasama ang Daddy nila.
Ang totoo niyan ngayon ko lang nakitang ganito si Evan, focus siya sa mga bata mula nung lumipat kami ng bahay. Madalas niyang sinusundo si Elli sa school, basta nakakapanibago.
Nagbihis muna ako ng damit bago bumaba para iligpit ang mga laruang nakakalat sa sala. Kalahating oras ang lumipas nang bumaba si Evan ng hagdan.
"Tulog na sila. I need to go home."
"Hindi ka ba magcocoffe man lang? Ipagtitimpla kita." Nakangiting alok ko.
Tumango naman ito at sinundan ako sa kusina. Ngayon ko nalang ulit siya napagtimpla ng kape. "Here. Para hindi ka rin antukin sa daan."
"Thanks." Pasasalamat niya.
This is the time para magpaalam sa kanya. "Mukhang pagod na pagod ang mga bata. Nagenjoy siguro sila ng sobra." Hindi ito nagsalita, busy ito sa paghigom ng mainit na kape.
"Uhm... Evan, pwede bang humingi ng favor? Pwede bang sayo muna ang mga bata."
Nalilito naman itong tumingin sakin. "Why?"
"May team building kami sa office na gaganapin sa Cebu. Wala sa kanilang magbabantay, ayoko naman silang iwan sa daycare. Madali lang naman yun, mga 3 days lang."
Tila nabulunan naman ito. "3 days? Anong gagawin niyo dun?"
"Team building nga diba. Tsaka ngayon lang ako makakasama sa ganito, kaya please pakibantayan muna ang mga bata."
"Fine! Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya pagkatapos tinungga ang nasa tasa. "I have to go. Bye."
Hala! Paano niya nainom yun? Eh galing yun sa kumukulong tubig. Hay naku! Ayoko na siyang isipin basta excited na akong maexperience yung team building namin.
----------
Dumating ang araw ng pagalis ko. Kasalukuyang pinapark ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Evan, nagpahatid na kami sa driver nila Dad para diretso na ako sa airport.
Pagbukas palang ng pinto ng sasakyan tumakbo na si Elli sa Dad niya, excited silang makasama si Evan ng tatlong araw.
"Didi." Boses ni Elias.
"Are you excited to see your Dad? My cutie boy." Ngumiti naman ito. Hinalikan ko ang matambong nitong pisngi. "Kuya pababa po ng lahat ng gamit sa likod."
"Bakit ang dami mong dala?" Tanong ni Evan.
"Ha? Isang maleta lang ang dala ko. Para sa mga bata yan." Sagot ko.
"Sila ba ang aalis?" Natawa naman ako sa kanya.
"Nandiyan lahat ng gamit nila, mga laruan, vitamins, damit at bottle ni Ellias." Napakamot ito sa ulo. "Ito pa pala, list yan kung what time mo sila papakainin, papaliguan at papainumin ng gamot. Kaya ba?"
"Oo naman. Ito ang pinakamadaling gagawin ko." Mayabang na sabi niya. Tingnan natin kung hanggang saan ka dalhin ng kakaganyan mo.
"Okay." Lumuhod ako para magpantay kami ng panganay ko. "Elli behave, eat plenty and always check Ellias. Wag matigas ang ulo at laging susunod kay Daddy. I love you."
"I love you too Mommy. Take care."
Humarap naman ako kay Ellias na kasalukuyang karga ni Evan. "Be a good boy baby. I love you." Pagkatapos humalik sa pisngi nito. "Ikaw na bahala sa mga bata Evan. I have to go." Ngumiti ako at nagwave sa kanila.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.